KABANATA 43

3.1K 69 0
                                        




           

KABANATA 43

new project


"How's the construction going?" tanong ko sa construction manager na may dilaw na helmet tulad ko.

"It's been six months ma'am and so far, so good. There are no reports of problems in the construction site. We're strictly following the designs and plans and with the help of our engineer, everything is under control." napatingin naman siya kay Jess na kanina pa nakatingin sa amin. Umiling na lamang ako sa aking pag-iisip.

Iginala ko ang paningin sa ginagawang building. Isang twenty-storey building ang ginagawa nila. Maliit ito kumpara sa ibang buildings ng Lockwood na umaabot sa 40th-50th floor ang taas. Gayunpaman, isang malaking oportunidad sa akin ang makapag design ng ganito kataas na building lalo na at fresh graduate ako.

Ngayong taon lang din kami natapos ni Jess sa college at sabay kaming pumasok sa isang Engineering and Architectural Firm. Napansin ang kagalingan namin sa trabaho kaya naman agad kaming isinabak na mag design ng bagong condominium na itatayo ng mga Lockwood.

Magandang experience ito sa amin ni Jess at lahat ng 'to ay dahil sa Lockwood Industries. Mga walong buwan at mahigit pa ang gugugulin bago matapos ang building na 'to kaya naman hindi na ako makapag hintay makita ang bunga ng pinag paguran ko.

"Aly!" napalingon ako nang tawagin ako ni Jess. Nilapitan ko siya dahil mukhang nagmamadali ito at hindi mapakali.

"Pinapatawag ka sa building ng mga Lockwood. Kakausapin ka raw ni Mr. Lockwood at may importante siyang sasabihin sa'yo." bigla akong inatake ng kaba sa puso.

Ano naman kaya 'yon? Nagbago kaya ang isip niya? Pero wala namang naging problema sa designs ko ha? Matagal na nila itong inaprubahan kaya naman hindi ko makita ang dahilan kung anong importante ang kailangan niyang sabihin sa akin.

"Now na!" napatalon ako nang muli siyang magsalita.

Agad agad kong tinanggal ang helmet sa aking ulo at tinakbo ang daan papunta sa aking kotse. Mabuti na lamang at hiwalay kaming pumunta dito ni Jess at hindi ko na kailangang magpahatid sa kanya papunta sa Lockwood Building.

Nang makapasok sa building ay dali dali kong tinakbo ang papunta sa elevator. Halos mapatalon pa ako nang bigla itong tumunog, pero agad din naman akong pumasok.

Maraming mga empleyado doon. Matatangkad na mga amerikana. Kaya naman kahit na medyo masikip na ay nagkasya pa rin ako dahil sa liit kong 'to.

Nang tumuntong floor sa 52nd, ay dali dali akong lumabas habang inaayos at ihinahanda ang sarili ko sa maaaring sabihin ni Mr. Dominic Lockwood. Nang marating ang double doors ay marahan ko itong tinulak at nakitang may tatlong taong naroroon.

"Mr. Lockwood, I am Natalie Chase Alejo, you called for me?" dire diretso kong sabi habang tinatahak ang mahabang daan ng kanyang opisina.

"Yes Miss Alejo, you may sit." aniya at tinuro ang upuan sa harap ng kanyang table.

Napatingin ako sa babaeng naka upo sa sofa na nakatingin sa akin at nakangiti. Matipid din akong ngumiti bilang paggalang. Saka ko lang napansin ang lalaki sa harap ko na abot langit ang ngiti at nakapangalumbaba sa kanyang naka dekwatrong hita. Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon na lang ang buong atensyon sa CEO.

Sa loob ng anim na buwang pangungulit niya ay hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagsasawang imbitahan kami ni Jess sa lunch. Lagi namang pumapayag si Jess kaya naman wala na akong magaw kundi ang sumama na lamang. Naging close na nga rin ang dalawa at bro pa nga ang naging tawagan nila.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon