KABANATA 28

2.9K 62 0
                                        

KABANATA 28

unscathed


"Aly!!! Omygod! I missed you!" salubong sa akin ng kararating lang na si Coleen.

"Saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang pumasok?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Wala, tinamad lang!" ngumiwi siya.

"May assignment?" nakangiti niyang tanong. Umiling lamang. Walang assignment dahil substitute teacher lang ang pumunta kahapon.

"Maswerte ka at absent din si sir Navarro." matabang kong sabi habang binabasa ang susunod na aralin sa math. Natigilan siya kaya napatingin ako sa kanya. Umangat ng marahan ang kanyang labi bago umiling-iling.

"Oo nga, hehehe." sagot niya at kinuha na rin ang kanyang libro. Napabuntong hininga ako nang dumating na si sir Navarro at nagsimulang magturo.

Matapos ng pangyayari kagabi ay tahimik akong hinatid ni Zac sa bahay. Hindi siya umimik at mabuti yon dahil wala rin ako sa mood na pag-usapan yung mga nangyari sa loob ng restaurant. Ang tanging tanong niya lang sa akin ay kung okay na ako, sinabi kong oo kahit sa totoo lang hindi ko lam kung magiging okay pa ulit ako.

Wala namang kaso sa akin e. Okay lang naman kung sinabi niya sa akin yung totoo. O kaya nagpaalam man lang siya kung kinulit lang siya ni Katerina, o pinilit na magpasama sa kanya. Sana sinabi na lang niya sa akin yung totoo, masakit man tanggapin, at least nagsabi siya. Hindi yung magugulat na lang akong makita siya sa isang intimate dinner kasama ang ilang relatives ng babae niya. Kung wala ako doon, ay baka tanga tangahan ako ngayon kakaisip kung anong nangyari sa kanya at hindi niya ako nasundo kahapon.

What does he take me for? A past time? Fling? May masabi lang na girlfriend, ganoon ba?

Kung totoong nirerespeto niya ako at ang relasyon namin, sana hindi niya ako ginago ng ganoon. Nagmukha akong tanga, hindi lang sa kanya kundi sa harap ng pamilya ni Zac! He shows up with another girl, while their son shows up with his girl claiming that it's not his. Fucking logic, bullshit.

Isa pang hindi ko matanggap ay yung inasta niya while we're having dinner. My god! It was Zac and his twin's birthday! How dare he ruined it with his fucking ego? Hindi man lang siya nag-isip. Hindi na siya nahiya sa akin na dala dala niya yung babae niya. And he has the nerve to claim to everyone that I am his? God, I can't believe him.

Sa tuwing naaalala ko yung pangyayari kagabi ay lalong nag-iinit ang dugo ko.

Napatalon ako nang tumunog ang bell. Hudyat na tapos na ang pang-huli naming klase. Naging mabilis ang araw na ito sa walang partikular na dahilan. Wala rin akong ganang kumain kanina kaya tinakasan ko si Coleen noong lunch break at nagbabad ng oras sa rooftop. Akala ko, matapos kong pag-isipan ang mga bagay bagay ay magiging kalmado na ako. Kumalma ako ng kaunti ngunit nang mas lalo kong pinagnilay-nilayan ang mga bagay bagay ay mas lalo lamang dumami yung tanong na gusto kong ibato kay Ethan.

Tumungo ako sa main gate at naglakad palabas. Napunta ang mga paa ko sa sakayan kung saan ako naghintay ng taxi. Ngunit halos isumpa ko langit nang biglang umulan ng malakas at wala akong masilungan. Hindi na ako nag-atubiling buksan ang bag ko dahil alam ko namang wala akong dalang payong. Nasa locker iyon. Kung bakit ba kasi napaka bipolar ng panahon? Tirik na tirik naman ang araw kanina tapos ngayon biglang uulan?

Napabuntong hininga ako nang maramdaman ang basang basa kong damit. Basang basa na rin ang buhok ko at sa di malamang dahilan ay biglang uminit yung mga mata ko.

Lost (Salazar Siblings Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon