KABANATA 8
nililigawan ka na pala
"Hey are you okay?" nag angat ko ng tingin sa mukha ni Liam. Liam is such an angel. Napaka amo ng mukha niya. Dagdagan pa ng napaka puti niyang balat at chinitong mga mata.
"Yeah." Matipid kong sagot at nginitian siya.
Matapos akong talikuran ni Ethan kanina ay agad din naman akong umalis sa condo niya. Pumara na lang ako ng taxi para nakipagtagpo kay Liam.
Hindi ako makapaniwalang nag-away kami. Nag-away na naman kami at ito na ata ang pinaka malupit naming away dahil may nag walk out. Akala ko pa naman mag-kakaayos na kami matapos ng pag-uusap na iyon, hindi pala. Lalo pang gumulo!
"What do you want to watch?" tanong ni Liam.
"Anything basta hindi love story." mabilis kong sagot na nakapagpatawa naman sa kaniya. Hindi ko alam kung na-offend ba siya sa akin o ano pero hinayaan ko na lang siyang bumili ng tickets.
Hindi ko alam kung paano ako aakto sa harap ni Liam ngayong alam ko na ang tunay na nangyari pero gusto ko lang mag-sorry para kay Ethan. Alam kong hindi magsosorry si Ethan at kahit ano pang dahilan niya, mali yung ginawa niya kay Liam. Maling mali.
"Hey, let's go." malambing niyang sabi at saka pinadausdos ang kamay niya sa beywang ko. Nginitian ko lang siya at tahimik na sumama sa loob ng sinehan.
Nakakatakot. Horror movie yung pinili ni Liam. Halos lahat ata nagsisigawan at nagtitilian sa loob ng sinehan maliban sa akin at sa katabi ko. Seryoso lang manood si Liam pero di ko alam kung totoo ba talaga 'yan o nahihiya lang siyang sumigaw dahil nandito ako.
"You can scream if you want." bulong ko sa kaniya. Naramdaman kong lumihis yung labi niya na nangangahulugang napangiti siya sa sinabi ko. Masyado kasing madilim kaya hindi ko makita ng malinaw yung itsura niya.
"You can hide if you want, my arms are right here." bulong niya sa akin dahilan kaya ako naman ang napangiti. He is so cool and gentle, perfect guy! Pero gustuhin ko mang tumili, sumigaw o magtago, hindi ko magawa. Dahil mas nakakatakot pang isipin kung anong gagawin ko sa muli naming pagkikita ni Ethan. He was fuming mad earlier. For some reason, I felt like I disappointed him.
"Shit." Napalingon ako nang marinig ang mahina ngunit matigas na mura ng katabi ko. Sandaling napako ang mga tingin ko sa kanya dahilan kung bakit siya lumapit sa akin.
"Nagulat ako sa manika, sorry." natatawa at nahihiya niyang bulong sa akin. Napangiti naman, ako. He is so transparent! And freaking cute, my God...
"Thank you for tonight." nakangiti kong sambit nang tumigil ang sasakyan niya sa harap ng bahay namin
"No problem. I enjoyed it." malambing niyang sagot.
"I hope this isn't the last time." pahabol niyang sabi. Tumango na lang ako at muli siyang nginitian.
Yeah, I hope so too. Kaya lang gagraduate ka na, at mukhang di ka titigilan ni Ethan kung hindi kita lulubayan. Muli akong kumaway sa kaniya habang hinihintay na mawala sa paningin ko ang kotse niya.
"Mom, I'm here!" sigaw ko pagkapasok sa loob ng bahay.
"Where have you been Aly! Kanina pa naghihintay sa loob yung bisita mo." Agad na nalukot ang mukha ko sa sinabi ni mommy.
"May bisita ako?" nagtatakang tanong ko.
"Oo, halika at sumabay kang kumain nagdi-dinner na kami." Sabi niya sabay hila sa braso ko.
BINABASA MO ANG
Lost (Salazar Siblings Series #1)
RomanceThe original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya naman nang matupad na ang kaniyang pinapangarap ay abot langit ang kaligayahan niya. Hindi niya lubos ma...
