"MALILIPAT daw ang class natin sa gabi?" Tanong ni Jessica sa kanila. "Maganda nga siguro iyon nang makapag part time naman"
"Oo nga para may oras din tayo sa thesis, malapit na ang graduation natin" ani Monica, " 'Di mo na rin pala kailangan umabsent sa trabaho mo sa hotel, Ella. Isa na lang naman subject mo, hindi ba?"
"Nako, tuwang tuwa na naman iyan dahil masttalk niya si Sir Gryffin."
Napangiti si Daniella, "Yung universe na ang gumagawa ng paraan para sa aming dalawa" she murmured, "Hindi ba sign na iyon?"
"Sign na baliw ka na, oo" ani Erica, "Ano ka ba, Ella? Professor natin si Sir Gryffin at alam mo naman na bawal ang iniisip mo"
"Graduating naman na tayo, ha"
"Girls, tama na iyan." pigil ni Jessica, "Basta alam mo ang limitasyon mo, Ella. Kahit naman tutol kami sa ginagawa mo ay ayaw ka naman namin na mapahamak, at masaktan"
"Oo nga, baka mamaya bumalik pa yung fiancé niya tapos umiyak iyak ka diyan"
What? Fiancé? Naguguluhang isip ni Daniella. "May fiancé siya?"
"Oo, pero hindi natuloy yung kasal dahil lumindol daw" pagtutuloy ni Monica, "pagkatapos ay iniwan na lang nung babae si, Sir Gryffin"
Napahawak siya sa dibdib, kawawa naman pala ang taong ito. Grabe naman pala ang napagdaan ng mahal niya! Tss, kung siya ang babae ay walang bagyo o lindol ang makakapigil sa kanya para pakasalan ito!
"Ella" tawag sa kanya ni Erica pagkuwa'y ngumuso.
"Ha?" Lumingon siya sa tinuro nito at ganun na lamang ang disgusto sa itsura niya. "Anong ginagawa niyan rito?"
They all just shrugged their shoulders. "Kausapin mo na"
She rolled her eyes at kinuha ang mga gamit, pagkuwa'y tumayo na kinauupuan. "Alis na ako" paalam sa mga kaibigan.
Nang makalingon na ay hinarap naman niya ang lalaki. "What are you doing here?" inis niyang sambit.
"Magusap muna kasi tayo" anito, "Sige na, sweetie"
Sweetie? Pweh! "Tigil-tigilan mo nga ako sa pa-sweetie sweetie mo. Gusto mo bang tadyakan kita rito?"
"Sweetie naman, e"
"Aba't --" umatras ang lalaki ng muntikan niya itong suntukin, "Tigilan mo na ako, Kevin!"
"I love you!" sigaw ng lalaki na narinig ng lahat na nasa paligid nila. "Please, nagsisisi na ako. Miss na miss na kita, mahal na mahal kita"
Huminga ng malalim si Daniella at kinuyom ang palad. Pagkaharap niya rito at agad na dumapo ang kamao niya sa pisngi ng lalaki.
"Alam mo, Kevin. Hindi ako kagaya ng ibang babae mo, na kahit harap-harapan mo silang niloloko ay pinapatawad ka pa rin. Not just once, not just twice ka pa! Thrice 'yon, walanghiya ka!" Akmang dadambahin niya ito muli ng suntok ay kusa na itong umatras sa kanya habang sapo ang pisngi.
"Ano? Gusto mo pantayin natin at magmukha kang panda!? Para mukha kang stuffed toy ng babae mo!" dagdag niya.
"Ms.Jallores" napalingon siya sa nagsalita. Shit! It's Mrs.Macalima, ang school guidance counselor! "What are you doing to Mr.Makuntento?"
Napatigil siya at napatayo ang gago niyang ex. Sorry for the word pero iyon talaga ang adjective nito.
Tinignan ni Mrs.Macalima si Kevin at hindi na kailangan magsalita dahil alam na nito ang ginawa niya.
"You two.In my office.Now"
Sumunod naman sila kay Mrs.Macalima at umupo sa harapan ng mesa nito.