Chapter Seventeen

4.2K 180 10
                                    

"ABA, walang cellphone na hawak" aniya habang nagvavaccum ng carpeted floor. "Break na kayo?"

"Sira, hindi!"

"Oh? Tagal naman" binato siya ito ng unan. Masakit, ha!

"Bakit ang bitter mo? Inaano ka ba?" anito. "Bumalik na naman ba ex mo?"

Yung ex niya ang bumalik! Walanghiya, mahal pa daw siya pero bakit siya iniwan? Letse!

"Walang babalik dahil hindi naman pala naging kami. Aba, ako pa nagmukhang assuming!" Isa pa iyang Kevin na iyan! Namumuro na! Panay text sa kanya nila Jessica dahil ito na ang nakikipagaway para sa kanya dahil sa tsismis ng magaling niyang ex-boyfriend!

"Kaya ikaw, magiingat ka. Mamaya ikaw lang pala nagaassume na kayo talaga ni Sir Raven" Parang ako! Pinakilala pa sa magulang. Syempre, feel na feel ko naman,tanga ko rin, e!

Tinaas nito ang kamay, "I have a ring, Ella. Siguro naman sapat na ito para maging sure ako sa kung anong meron kami?"

Oh, 'edi ikaw na! "Abby, yung iba nga may anak na pero naghihiwalay pa rin. Magasawa nga naghihiwalay pa!"

"Ewan ko sa'yo! Napakabitter mo" Hindi na siya kinibo ng kaibigan hanggang sa matapos ang shift. Well, she's her bestfriend. Alam nito ang ugali niya.

Pumasok siya kinagabihan para sa isang subject niya. Nailipat na ng umaga ang kay Ms.Oheda kaya makakauwi rin siya ng maaga-aga ngayon.

"Ella" Nabigla siya ng harangin siya ni Gryffin. Seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

Nagiwas siya ng tingin rito, "E-Excuse me, Sir" aniya, "K-Kailangan ko na po kasing umuwi"

"We need to talk"

"Wala na tayong dapat pagusapan. Pinagbigyan na kita, hindi ba? Naipakita mo na sa ex mong nakamove on ka na!" Nagpatuloy siya sa paglalakad. "Please, leave me alone"

"Ella" hinawakan nito ang siko niya, "Bakit ka umalis kagabi?"

Napaaamang siya, "B-Bakit pa ba sa tingin mo?" Napamewang siya, "You and your ex were already going back on the memory lane. It's obvious that you still love each other, just kiss and make up. Huwag mo na akong idamay sa issue niyo, ayoko ng gulo!"

But, he still followed her. "Ella"

"Ano ba, Gryffin! " she snapped, "Nanandya ka ba? Alam mong gusto kita, hindi ba? Alam mo ba ang ibig sabihin niyon?" hinampas niya ang libro sa dibdib nito. "Ibig sabihin niyon, naapektuhan ako! Nasasaktan ako! Nagseselos ako! Kaya please lang, huwag mo naman akong ilagay sa alanganin"

But before she could take another step to turn away, humakbang na ang lalaki papalapit sa kanya at kinulong ang kanyang mukha sa palad nito.

In just a snap, their lips met. Naramdaman niya ang malalambot nitong labi! Shit! Shit! Shit!

"Hindi ko alam kung manhid ka o sadyang wala kang pakialam" he said when he pulled away from the kiss. "Gusto kita, gets mo ba?"

Agad na pinadapo ni Daniella sa pisngi nito ang mabigat niyang palad! How dare he kiss her!

But then, he grabbed her nape and pulled her again. Nagabot na naman ang mga labi nila! Hala, pucha!

Kahit naman sino mapapa-pucha sa sarap- este sa gulat! "G-gusto kita, Ella" bulong nito.

Tinulak niya ito, "Hindi mo alam iyang sinasabi mo!"

"Hindi kita hahalikan kung hindi" habol nito sa kanya, "Bakit ba mas marunong ka pa sa akin? Okay, you might think I just used you last night but I didn't."

Ang bilis na ng tibok ng puso niya! Parang tambol na ito na pabilis nang pabilis!

"I was confessing last night. Nabulunan ka naman. Then, I thought you'll be getting my message nang sabihin ko kila Mommy na girlfriend na kita" dagdag pa nito, "I didn't use you just to make my ex-fiancé jealous. Ni hindi ko na nga maisip iyon dahil ikaw na ang nasa isip ko!"

OMG. OMG. OMG!

"Gusto kita, Ella" he said, "Okay, you might doubt my words because you accidentally confessed your feelings first, but that doesn't mean I didn't like you beforehand"

Napalunok na lang si Daniella. Wala na siya sa sarili! Konting konti na lang at lalambot na ang tuhod niya

"I don't know how, when or when but something made me love you" he cupped her face and caressed it. "I love you, Ella"

Hindi niya alam ang sasabihin. Baka nananaginip na naman siya! Gising, Ella! Gising!

Sinampal niya ng very light ang sarili. Pati kurot ay hindi na niya pinalampas. Nagtatatalon na siya para gisingin ang sarili niya.

If this is just a dream, she should wake up! Dahil baka malunod na siya at hindi na niya gusto pang gumising.

"W-What are you doing?" Nagtatakang tanong ng lalaki dahil nagtatatalon pa rin siya habang sinasampal at kinukurot ang sarili.

"Ginigising ko ang sarili ko" aniya, "Mahirap na, baka panaginip ka na naman"

He chuckled and pulled her close again. He cupped her face and sealed her lips with a kiss!

Nakakatatlo na ito, ha! Umaabuso!

"I'm real" he whispered while their heads were pressed against each other. "This is real"

Totoo! Totoo nga! Hindi siya nananaginip! Mahal siya ng lalaki! Mahal siya nito!

"Can you be my girlfriend?"

Yes! Oo naman! Yes na yes!

But, wait. Not so fast! Hindi naman pwedeng ganun ganun na lang. Hindi ganun ang tinuro ni Bonifacia Jallores!

Magpakipot ka naman, Ella!

Oo nga naman, for her to make sure that he's really over his chakadoll ex-fiancé.

Mahirap na, ano? Feelings na ang usapan! Okay nang si Abby lang ang martyr sa kanilang magkaibigan!

Humiwalay si Daniella sa lalaki at nagpigil ng ngiti. Ah, mahal pala siya nito, ha?

"No" masungit niyang sagot. "M-Manligaw ka nga muna"

Pabebe na kung pabebe! This is her time!

Unti-unting sumilay sa labi ng lalaki ang galak. Tumango-tango ito at lumapit  sa kanyang muli.

"Okay" he said, "Hatid na kita?" nilahad nito ang kamay sa kanya.

Tinignan pa niya ito ng ilang segundo. Mga tatlong segundo lang naman.

Pagkuwa'y tinanggihan. "Strict ang parents ko!"

Narinig niyang tumawa ang lalaki at kinuha na lamang ang dala-dala niyang gamit at pinagbuksan pa siya ng pinto ng sasakyan nito.

Siya pa ba ang choosy? Syempre, hindi! Ang haba ng hair niya!

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon