Chapter Thirty-Seven

4.4K 173 11
                                    

"GRYFFIN? Napaaga ka,mamaya pa kayo pupunta ni Daniella, hindi ba?"

Napalingon si Gryffin at nakita ang ina na nakaupo na sa rattan chair sa garden nito. He was there a while ago, wala na kasi siyang mapuntahan.

Simula kasi nang magtrabaho ang asawa ay hindi na niya ito nakakasama nang matagal. And he missed her so much.

Ilang buwan na rin nang magsimula itong magtrabaho. Sa una ay maayos naman, he loved hearing her stories about work sa tuwing uuwi ito.

But, the day has come wherein her work compromises their quality time. Kailan ba ang huling beses nilang nagsiping magasawa?

How could he initiate when everytime his wife arrived home, bago pa ito makakain ay tulog na ito sa kwarto sa sobrang pagod.

Gustuhin man niya itong pagbawalan na magtrabaho dahil sa katunayan ay kaya naman na niya itong buhayin ay hindi niya rin ito mapigilan.

Imagine, pinaghirapan ito ng asawa. She did everything just to finish her studies tapos ikukulong niya ito sa bahay?

He's not that cruel. That would be unfair for her and it would break his heart to see her wife unhappy.

Pero hanggang kailan ba niya iyon titiisin? He's not a saint. He has needs and it wasn't just about sexual needs. He needs his wife.

"Hi, My..." bati niya rito at napabuntong hininga.

"Malalim iyan, ha?" Ani ng ina sa kanya, "What's wrong, anak?"

Napalabi siya. Alangan naman hindi niya sabihin, hindi ba? Kaya nga siya pumunta sa ina para makausap ito, para sabihin rito ang problema, para gumaan ang pakiramdam niya.

Well, kanino pa ba siya lalapit? Alangan naman kay Slyther, baka annulment lang ang ioffer nun na solusyon sa problema niya.

"C'mon, anak" lumapit ito sa kanya at tumabi kung saan siya nakaupo ngayon - sa bermuda grass. "I'm ready to listen"

"My, may sasabihin ako sa'yo pero huwag ka magagalit ha?" Tumango lang ang ina sa sinabi niya.

Okay, Gryffin! This is it..

"I'm married" aniya at pumikit. Inaantay niyang magulat ang ina at pagalitan siya kagaya ng nangyayari noong bata siya.

Paano, sa kanilang apat. Siya ang madalas maglihim sa ina, kaya kapag nalalaman nito ang kalokohan niya ay palo na ang aabutin!

But, wait? Katabi pa ba niya ang ina? Bakit walang nagsasalita?

He opened his eyes and saw his mother was still sitting beside him. "My?"

"Hmm?"

"Hindi ka galit?" tanong niya, "Hindi ka ba nagulat?"

Huminga ito nang malalim, "Ang sabi mo kasi huwag ako magagalit, pwede na ba?"

"Mommy naman,e.."

Ngumiti ang ina sa kanya at piningot ang tainga niya. "Aray!"

"Akala ko hindi mo sasabihin, e" anito pagkatapos siyang pingutin. "Kung bata ka lang ay papaluin na kita pero... you're a grown man,anak"

"P-Paano mo nalaman, My?" Wait, that was a stupid question. Ano nga ba ang hindi nalalaman ng isang Maricar Martinez lalo na kung tungkol sa mga anak niya? She wasn't the master of all things but when it comes to her children - pagbali-baliktarin mo man ang sitwasyon, kilalang kilala nito ang mga anak.

"Ang pinakatanong, anak, bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin ito? Nanganak na si Abby lahat-lahat pero nanatili pa ring lihim ang bagay na ito sa amin"

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon