Chapter Thirty-Eight

4.4K 169 8
                                    

ANG sabi sa nabasa ni Daniella na libro 'An arguement could lead into two things; it's either to make you or break you'.

In their case, masaya siyang hindi sila nasira nang asawa. They felt connected deeper this time. Hindi na siya pinagresign ng asawa, pero siya na ang umalis sa trabaho at naghanap ng mapapasukan kung saan hindi na niya kailangan pang ilihim ang tungkol sa kanyang status.

Mr.Perez was kind enough to apologize. Inamin nito ang atraksyon para sa kanya. Hmpf! Haba ng hair talaga ng bruha, hindi pa siya maputi niyan!

He was the one who made her recommendation letter kaya naman nakalipat siya sa isang water spa and resort kung saan siya rin ang assistant manager sa housekeeping department.

Kung iisipin, maganda din ang kinalabasan ng argumento nilang magasawa. She realized that she has to give time for her husband, hindi na siya dalaga.

Lalo na ngayon.

"Shit!" Napasinghap siya sa nalaman. Nasa trabaho na siya ngayon nang makaramdam ng hindi kagandahan.

Her staff was kind enough to assist her. Tinawagan na nito ang asawa niya.

"Ma'am, ayos na po ba kayo?" Tanong ni Mia- ang isa niyang staff. "Natawagan ko na po ang asawa niyo, he said that he's on his way"

"Salamat, Mia" aniya, "Maayos na ang pakiramdam ko. Huwag ka nang magalala"

"Namumutla po kasi kayo nang mahimatay kayo kanina" Naluluha nitong sambit, "Hindi po namin alam ang gagawin namin kung may mangyaring masama sa inyo, lalo na po paano ipapaliwanag sa asawa niyo."

"Shh" hinawakan niya ito sa kamay, "Okay na ako. Hindi kayo kakainin ng asawa ko!" Ako lang! Hihi!

Damn! When does she become a pervert?

"Ella?"

"Gryff.."

Agad itong lumapit sa kanya at sinapo ang magkabila niyang pisngi, "Nahimatay ka daw? Kumain ka ba?"

"I'm okay.."

"Akala mo ba hindi ko napapansin na hindi ka nagkakakain? Look, what happened! Let's go to a doctor" Napakagat siya sa labi. Hayy, ang gwapo gwapo! "Let's go, naipagpaalam na kita sa O.M"

Nang nasa biyahe at tinititigan na niya ang asawa. Gustong gusto niyang kurutin! Pogi, pogi talaga!

"You're starting to creep me out, baby" he said.

Baby! Yes! "Gryff, buntis ako"

Natigilan si Gryffin at pinarada ang sasakyan sandali. Mabuti na lang at hindi mabilis ang pagandar nila.

He was smirking, "Pakiulit nga" pagkuwa'y hinawakan nito ang kamay niya.

"Buntis ako"

1...2...3...

"B-Buntis ka?"

Tumango siya. Ang mga mata ngayon ng asawa ay nasa tiyan niyang wala pang umbok. He touched it and caressed it.

Maya maya ay kinabig siya nito sa dibdib. "Oh my God, Thank You!" He prayed. Matapos nilang magaway ng asawa ay naging God-fearing ito bigla! Mas lalo tuloy gumwapo!

"You have no idea how much you made me happy, Ella" he said and kissed her lips. Aw! Ang sarap ng halik nito! Isa pa! Gusto niya pa!

"We would tell my family about us, Ella" he said when they got home from the clinic. Nagpacheck up sila at nalamang dalawang buwan na siyang nagdadalang tao. "We would tell your family about us, the real us"

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon