Chapter Ten

4.8K 165 20
                                    

"KUMAIN ka nang mabuti, mahal" ani ng nanay ni Daniella sa asawa. Tinutulungan niya itong maghain ng pagkain sa maliit nitong mesa, "Bukas na bukas ay pwede ka ng makauwi"

"Parang mas gusto ko na rito, mahal" sagot naman ng ama. Aba, bakit kaya? "Kung ganito mo naman ako alagaan, e. Nakakawili-- aray!"

Piningot ito ng ina sa tainga, "Ikaw Andres, magtigil tigil ka, ha?"

Kinuha naman ng ama ang kamay ng ina, "Biro lang, sinta ko"

Ang lalandi!

"Oh, tama na iyan. Baka masundan niyo pa ako" Singit niya. Nakita niyang napangiti si Gryffin, ay juste! Ngumiti na naman ito.

Ano ba? Parang drugs ang ngiti nito! Hindi niya kaya!

"Halika na, Gryffin. Sabay sabay na tayong kumain" paanyaya ng Nanay niya, "Paborito ni Ella ang tinola ko, may atsuete kasi"

"Talaga po?"

"Tikman mo nang malaman mo, hijo" ani Andres. "Diyan din ako nadali nitong ni Bonnie"

"Bonnie, ho?"

"Bonifacia ang pangalan ko, Hijo" ani ng ina. Patay! Bistado ang ina, pa-tinay tinay pa ha!

"Akala ko po, Tinay?" nagtatakang tanong nito.

"Tita plus--"

"Nay!" singit niya, wala na talaga siyang mukhang ihaharap kapag hinayaan niya ang inang magsalita. "Lalamig ang pagkain"

"Oo nga,tara na"

Nanalangin muna sila ng sama-sama pagkuwa'y inaalalayan ng ina ang ama niyang kumain.

"Gaano katagal ka ng nagtuturo?" tanong ng ama.

"A-Alam po ninyong teacher ako?"

What the-- Tay!

"Oo, madalas kang ikwento--"

Inangat niya ang kutsara at sinubuan ang ama. "Kain ka lang, Tay! Don't talk when your mouth is full!"

"Nakuwento ko kasi sa asawa ko, Hijo, na isa kang guro" Save by her mother! Thank you,Lord! "Magkatext kami kagabi"

Tumango naman si Gryffin, tila kumbinsido na. "O-opo, professor po ako sa dalawang university sa Manila, mga walong taon na po"

"Ang bata mo pa palang nagsimula magturo" ani Andres, "Itong asawa ko, dati pangarap niyang magturo. Napakahusay naman dahil tignan mo, natutunan ko siyang mahalin--aray!"

Piningot muli ng ina ang tainga ng ama, "Hoy, baka isipin niyang may relasyon tayo"

Natawa na lang si Daniella sa asal ng magulang. Ang tanda tanda na akala mo naman teenager pa! Nakita niyang natatawa na rin si Gryffin, natigilan lang siya nang magsalubong ang mga mata nila.

"Mabait ba itong studyante?" tanong muli ng ama. Aba, nabawi! "Oh, pinasakit na rin nito ang ulo mo?"

Tatay naman, e!

"Actually, she's a smart student" Woah! Talaga ba? "Nagsubstitute po kasi ako sa teacher nila and they have a practical exam which was a book review, sa lahat ng nabasa kong reflection, sa kanya ang pinakamaganda"

Nagkatinginan sila ng Nanay niya, her facial expression says Ang taray! Ikaw na! Habang ang ama naman ay nagpipigil ng ngiti.

"Magaling talaga ang anak namin sa ganyan pero huwag mong aasahan sa math dahil nung nagsabog ang Diyos ng husay sa numero ay tulog siya"

Nagkatawanan muli ang tatlo habang siya ay napakamot na lang sa batok. Ang galing talaga ng magulang! Paano pa siya magugustuhan ni Sir Gryffin niyan?

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon