Chapter Sixteen

4.1K 178 8
                                    

"M-MAY nasabi ba akong masama?" Nagaalalang tanong nito.

Umiling si Daniella. Illusyon na naman niya siguro ang narinig kanina. Hay nako!

"W-Wala naman, kung anu-ano lang yung naririnig ko" aniya, "Pasensya na, ha?"

Uminom siya ng tubig na inabot ni Gryffin. Ramdam pa rin ang paginit ng pisngi niya.

"May malabo ba sa sinabi ko?" anito, "Malinaw naman, hindi ba?"

Oh my goodness, ano ba ang nangyayari?

"A-Ano ba ulit yung sinabi mo?"

Hala sige, Daniella! Baka mamaya CPR na ang gawin sa'yo niyan! Landi mo rin,e!

He was about to speak when his goddamn phone rang! Panira moment.

"H-Hello?" Hindi na ito tumayo, sinagot na lang agad ang tawag habang siya ay pinapakalma pa rin ang sarili. "What is she doing there?"

Kumunot ang noo nito at nagiba ang tono ng boses. "Okay, My. I'll be there" anito, "Give me twenty minutes, alright"

"K-Kailangan mo ng umalis?" she asked, "M-Mukhang importante, ha?"

"Can you come with me?" Hindi nakapaniwala si Daniella sa narinig, "Please?"

"S-Sige, wala namang problema"

Tahimik lang si Gryffin na nagmaneho papunta sa bahay ng magulang nito. Hindi na niya kinulit dahil ramdam niya ang tension mula sa pagbaba pa lang nito ng tawag.

"B-Bahay niyo ito, Gryffin?" Hindi siya makapaniwala! Lintek, banyo lang yata ng bahay na ito ang apartment nila, e! "Sabagay, Delaverde ka nga pala"

"Let's go" Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya papasok ng bahay.

Wait, anong meron? Bakit may paghila na naganap?

Binuksan ni Gryffin ang malaking pintuan ng narra at tumambad sa harapan niya ang iba't ibang mukha ng mamahaling tao.

Oo, mamahalin. Mukhang susyal, e!

Wait a minute, kilala niya ang babaeng nakaputing longsleeve dress ngayon. It's Anabeth!

"Anak, buti naman at dumating ka na!" Tumayo ang Mommy nito na may-ari ng hotel. Nandito ang boss niya! "Who's this lovely lady you're with?"

Bumaling sa kanya ang ina ng lalaki at ngumiti.

"She's Ella" he firmly said pagkuwa'y inakbayan siya, "Girlfriend ko"

What the fudge!

Napatingin siya sa lalaki na walang expresyon ang mukha at seryoso lang na nakatingin sa mga tao-- or kay Anabeth.

"G-Girlfriend?" The chakadoll has spoken! "Really?"

"Love, this is Anabeth" pakilala ni Gryffin. Teka, siya na si Love, hindi ba? "Anabeth, this is Ella"

Tinignan siya ng babae mula ulo hanggang paa. "Hi, Ella" nilahad nito ang kamay, "Nice to meet you"

"Hello, Anabelle-- este Anabeth" Bakit ba? Mukha naman siyang chakadoll, e! "Likewise"

"Ella, this is my husband. Tristan and our twins, Arya and Jacob" pakilala naman ni Ma'am Maricar sa pamilya niya, "Sila lang ang nandito dahil may kanya-kanya ng buhay ang mga binata at dalaga ko" she youthfully chuckled.

"W-Why did you call me, My?" tanong naman agad ni Gryffin.

"Pasensya na, anak--" ani Sir Tristan, "If we ruined your date night, bumisita kasi si Anabeth sa amin kaya naisipan naming tawagan ka"

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon