TAHIMIK silang dalawa na nasa loob ng sasakyan. Hindi alam ni Daniella kung paano ito kakausapin lalo na mukhang umuusok ang ilong nito sa inis.
Sandali, nagseselos si Gryffin kay Kevin? What the fudge! Kinagat niya ang mga labi para hindi mapangiti.
Bad ka, Ella! Ngingiti ngiti ka pa diyan habang ang boyfriend mo namamawis na ang ilong sa selos!
"Ang saya mo, ha?" Finally, he spoke! "May pangiti-ngiti ka pa. Kinilig ka sa ginawa ng totoy na iyon?"
Humarap siya rito, "H-Hindi ako masaya!" pero hindi niya napigilan ang sarili na matawa. "S-Sorry"
"What's so funny, Ella?" Aw.. ang mahal niya, suplado! "Stop that. There's nothing funny"
Pinarada na ni Gryffin sandali ang sasakyan sa hindi niya malamang lugar. Huminga siya ng malalim at hinarap ito.
Tinignan lang niya ang lalaki at walang sinasabi.
"Don't look at me like that" sungit! "I'm serious, Ella"
"Galit ka ba sa akin?" tanong niya.
Umiling ito, "No!"
"E, bakit ka nagkakaganyan? Bakit mo ako sinusungitan" her voice is low but subtle. She's kinda having fun seeing Gryffin like this. Sarap kurutin! Ang cute cute!
"That boy" anito, "Who's he? Your ex?"
Tumango siya, "Oo"
"Fuck!" napamura ito at napahawak sa manibela, "What's still he doing? Nakikipagbalikan ba sa'yo?"
"Ewan ko dun, ngayon lang naman nun ginawa iyon. Alam niya na kasing nakamove on na ako kaya ayun nathreatened na siya"
"What?" Hindi maintindihan ni Gryffin, "What do you mean?"
"Masyado kasing GGSS iyon. Akala niya lagi ko siyang papatawarin."
"Niloko ka pa niyon?" he mocked, "Iyong mukhang iyon, ginago ka pa?"
Napangiti muli si Daniella, tinakpan lamang niya ang bibig para hindi matawa ng tuluyan.
"Sorry" aniya, "Walang nakakatawa. Ang cute mo lang kasi magselos.."
Gumusot ang noo ni Gryffin. "Me? Jealous? over that.. boy? No!"
Nakakaloka!
Hindi na napigilan ni Daniella ang matawa. She's making a pig sound sa sobrang tawa!
"Hayy.." aniya nang kumalma, "Ang mahal ko nagseselos, oh" pinindot niya ang pisngi nito. "Psst.."
"Stop that" saway ni Gryffin sa kanya. Mababa ang boses nito.
"Mahal ko.."
He sighed, "Stop.." Stop daw pero kulang naman sa kumbiksyon! Sus, Gryffin!
"Mahal ko!" Iniwas nito ang mukha nang sapuin niya, "Ajujuju! Harap ka na kasi sa'kin" kinulong niya ang pisngi nito sa palad niya, "Mahal ko.."
Nakakunot ang noo nitong humarap sa kanya.
"Wala ka naman dapat ipagselos doon" aniya, "Ikaw ang mahal ko" mabilis niya itong hinalikan sa labi na kinagulat ng lalaki.
Ano, Gryffin? Kinilig siya,oh!
"I love you, mahal koooo!"
Kinabig siya nito sa dibdib at niyakap ng mahigpit. "I-I'm sorry" masuyong bulong nito. "H-Hindi lang talaga ako sanay, ngayon ko lang kasi naramdaman yung ganito. It was so intense that I couldn't explain it"