Chapter Fifty

5.7K 179 3
                                    

The Last Chapter

"HEAVEN!" Tawag ni Gryffin sa apat na taong gulang na anak, "Nasaan na kaya iyon?" Naglalaro kasi ang mga ito ng tagu-taguan.

Napailing na lang si Daniella, "Nagkakalat na naman kayong mag-ama, ha!" Saway niya habang pinapakain sa upuan ang dalawang taong gulang na anak na si Psyche, "Kakalinis lang ni Manay Letty!"

"Mama, sali ako.." ngumuso naman ang isa sa kanya, nako! Nagpapacute na naman sa kanya, "Ayoko na eat. Busog na, play na lang ako with Papa and Ate.."

"Anak, hindi ba ang usapan natin kapag hindi naubos and food, no---"

"no play.." sagot naman ng anak at napayuko, "Kawawa na kasi si Papa, hindi po niya mahanap si Ate.. look, oh! Papa's sweaty na..eeww!"

Natawa naman si Daniella sa anak. Manang mana sa ama! Ano ba ang minana sa kanya ng mga ito? Wala!

"Last subo na lang naman ito, sige na, ubusin mo na para matulungan mo na ang Papa na hanapin si Ate Heaven" Sumunod naman ang anak sa kanya at pagkatapos na pagkatapos malunok ang pagkain ay tumakbo na sa ama at nagpakarga!

"Nakakatuwang panoorin ang mag-aama mo" sambit ni Manay Letty nang ligpitin nito ang pinagkainan nilang pamilya, "Bakit hindi ka sumali sa kanila?"

"Nako, Manang. Kapag sumama pa ako, makalat ng sobra!"

"Nalilinis naman ang kalat, ang pagkabata nila ay minsan lang. Sige na, samahan mo na ang magaama mo sa attic at ako na ang bahala rito"

Sabagay, may punto ang matanda. Inakyatan niya ng tubig at pamalit ang mga ito. It's already their nap time.

"Oh, saan niyo nahanap si Ate Heaven?" Tanong niya sa anak na si Psyche, "Halinga kayo rito, ang babaho niyo na!"

"Nagtatago si Ate dito sa tent ni Kuya, Mama" sambit ni Psyche, for her age, she really speak so  clearly. Kilala nila ang Kuya Champ nila, hindi nila  nilihim sa kanilang anak ang tungkol rito.

"Mama, I have something for you!" Inabot naman ni Heaven sa kanya ang isang locket, "Papa, Psyche and I made that!"

Nang binuksan niya ay nandoon ang litrato nilang apat at may letter C na nakaembosed sa gilid. "Do you like it, Mama?"

Tumango siya at tumingin sa asawa, "Thank you"

"Okay, kiss your Mama na and time for your nap! Later na ulit ang play" ani Gryffin, pagkapalit ng damit sa mga ito ay ito na mismo ang nagpatulog sa mga anak.

Nauna siyang bumaba para naman ihanda ang pampaligo ng asawa. She was already inside the comfort room when he cornered her and pinned her against the wall.

"Gryff.. kailangan mo ng maligo" she said between his kisses. Jusko! Patagal nang patagal ay nagiging ganito kabagsik ang asawa sa kanya, "pagpahingahin mo naman ako.."

"Yeah right" umatras ito sa kanya pagkuwa'y muling ngumiti, "but you're so irresistable!"

Hinayaan na niya ang asawa, gusto rin naman niya! Lagi naman. Humagikhik siya sa ginagawa nito lalo na sa pagitan ng mga hita niya!

Mabuti na lang at bukas ang shower para naman hindi sobrang rinig ang mga ungol niya.

Sa nakalipas na taon, sa pagligo na lang talaga nila maaring magawa ang maging isa, paano naman, may mga chikiting na sila!

But, what she loves most was, kahit dalawa na ang anak nila ay ganito pa rin sila kasabik sa isa't isa!

But, wait. Speaking of two.. may kailangan pala siyang sabihin rito!

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon