Chapter Forty-One

4.5K 162 10
                                    

ELLA was in the attic.

Mula nang macremate ang anak nila ay doon lang siya madalas namamalagi because aside from the evening stars that she could see from the fiber glass window on its roof, it is her little champ's nursery room.

She was sitting on the rocking chair that she and Gryffin bought, habang nasa ibabaw ng kanyang dibdib ang stuffed toy na binili na sana magiging laruan ng anak.

"You said you'll eat..." Hindi niya na kailangan idilat pa ang mga matang mahapdi na sa buong araw na pag-iyak para malaman kung sino ang nagsalita.

"Busog ako" bulong niya, "Mamaya na lang.."

"Papaano ka mabubusog kung wala ka naman kinakain?"

"I-I'm sorry..." Tears fell from her eyes, again. "I-I'm sorry..." Ilang sandali pa at naramdaman niya ang asawang binuhat siya papunta sa kutson.

Then, he embraced her there.

"Wala ka namang kasalanan," bulong nito. She cried harder.  Wala nga ba talaga siyang kasalanan? Paano niya hindi nalaman na mayroon na pala siyang karamdaman na maaring kumuha sa anak niya?

How could she forgot to seek a specialist first before planning to conceive a child?

But, wait. Hindi nga pala nila plinano iyon. Kaya siguro binawi sa kanya ng Diyos dahil hindi pa naman talaga siya handa maging ina.

"Masama ba akong tao para mangyari sa akin ito?" Humagulgol na siya.

Mabilis naman itong umiling. "No, Ella. You are never bad. " He embraced her tightly. Mas napaiyak siya at kumapit rito.

Ang sumunod na araw ay kagaya rin ng mga nauna. Hanggang sa naging linggo at buwan. Daniella was lost. Tuluyan na siyang kinain ng kalungkutan.

"What's this?" tanong niya sa asawa nang inabot nito ang isang travel brochure. "A-ano ang ibig sabihin nito?"

Hinawakan ni Gryffin ang kamay niya, "I was planning to take you on a vacation. Napansin ko mula naman nang maikasal tayo ay wala naman tayong proper honeymoon"

Nilapag niya ang brochure at tumalikod sa asawa. "A-ayokong umalis. Gastos lang iyan, Gryff.."

"Naayos ko naman na ang expenses natin, mahal" malambing na sambit nito, "Everything is settled. Oo mo na lang ang kulang"

"P-Paano yung trabaho ko? Nagsabi na kasi ako na babalik na rin."

Nagiba ang expresyon sa mukha ni Gryffin, "But the doctor advised you to rest--"

"Kung ganun bakit tayo aalis? Walang pinagkaiba sa trabaho iyon.."

"But she said you need a break--"

"Then give me a break!" She snapped. Hindi niya alam kung bakit tumaas ang boses niya sa asawa, napahilot siya sa sentido. "Please, don't treat me like this... huwag.. ganito.."

Hinila siya ni Gryffin at muling niyakap. She's too weak to embrace him back. Hindi niya pa kaya.

Bumalik na siya sa pagtratrabaho. Doon niya binuhos ang oras at lakas. She needed something to divert her attention, ayaw na niyang maging pabigat sa asawa.

Asawa... Naalala na naman niya kung paano ito umiiyak. Naalala niya kung papano ito magisang nagkukulong sa banyo para doon ilabas ang luha.

Gusto niya itong damayan pero wala siyang maramdaman kundi hiya. She brought that pain.. kung bakit naman kasi nagkaroon pa siya ng putanginang sakit sa obaryo!

Bakit kailangan siya pa?

Bumalik siya sa higaan at pilit na pinikit ang mga mata. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at tumabi sa kanya ito.

She felt his hand snaked into her waist at hinila siya papalapit. He's now spooning her. Hinayaan niya lang ang asawa.  

"Mahal na mahal kita, Ella.." bulong nito sa kanya, "mahal na mahal kita"

She bit her lip, dahil kung hindi siya naman ngayon ang maiiyak. Ayaw na niyang maging pabigat sa asawa.

~¤~¤~

Kinabukasan ay nakita niya ang asawa na nasa kusina at naghahanda ng almusal para sa kanilang dalawa.

Naalala na naman niya ang tahimik nitong pagiyak para sa kanilang anak.

"Gryff...

Lumingon ito sa kanya at pinilit ngumiti. "Good morning, Baby.."

Nilapitan niya ito at sinubsob ang pisngi sa dibdib nito. "W-What's wrong, Baby?"

"I... I want to go to the mall.." sambit niya. "Labas tayo.."

Parang nagliwanag nang kaunti ang mukha nito. And that's what they did. Namasyal silang dalawa.

Her husband spoiled her that day. Hindi naman na siya magmamangmaangan, she felt lighter than before. Nakakagaan pala ng pakiramdam ang pagshoshopping.

"Upo ka muna" anito, "Pagod ka na ba? May gusto ka pa bang bilihin o gusto mong kumain?"

"I'm fine" she said, "Sige na, dito lang ako sa paligid"

Nang pumila ang asawa sa counter ay nahagip naman ng mga mata niya ang baby section. Nandoon ang mga damit, gamit at mga laruang pang baby.

Tila may sariling isip ang mga paa niya na lumapit doon. Then, she came across with a blue and white pair of mini socks.

She smiled. This could be her son's kung nabuhay ito.

"Sigurado akong bagay iyan sa kanya" Tinignan niya ang asawang nasa tabi na niya. She smiled with what he said dahil tama ito.

"Bilihin natin..." paglalambing niya rito, "Sige na.."

"Pwede naman ipamana ni Kuya Champ iyan sa magiging kapatid niya, hindi ba?"

Kinagat niya ang mga labi at tumango. "Oo naman kasi ituturo natin sa kanya na bilang Kuya dapat marunong siyang magshare sa kapatid---" napatigil siya nang maramdaman na humaplos sa pisngi niya ang kamay ng asawa.

Lumuluha na pala siya? Hindi niya namalayan.

"Kung nandito si Baby, hindi niya magugustuhan na umiiyak ka" Bulong nito, "Smile ka na, Mommy."

They end up buying stuffs for the baby.

Denial ang itatawag sa kanila ng ibang tao na makakakita sa ginagawa nilang magasawa. But, who cares? This is the moment that was deprived of them, at hindi nila iyon hahayaan na pati ito ay makuha sa kanila.

Their child might be gone, but never would be forgotten.

Sa ngayon ay hahayaan niya muna ang sarili na masaktan hanggang sa puso na lang niya ang kusang bumangon.

And looking at her husband. She felt that it would be alright because he's with her.

~¤~¤~

Sinadya kong iklian ang chapter na ito para naman mapakalma kayo. May mga nagmessage sa akin na nasaktan daw sila sa nangyari. I am terribly sorry for hurting you! huhu. (Akala mo naman mga hindi sanay masaktan! Charot haha)

So, marami pa ang mangyayari sa last 9 chapters. Stay tuned!

P.S. Medyo busy ako this week dahil magbibirthday ang Mudra ko. hihi! Thank you din pala sa mga kind and motivating words niyo for my story. Lalo na yung mga creative comments. ❤ God Bless!!

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon