"PAANO kayo naging magkaibigan ni Abby?" bungad na tanong sa kanya ni Gryffin habang inaantay nila ang pagkain na inorder.
Hindi pa nga siya nakakarecover sa paghawak nito ng kamay tapos may ganito na? Hayy, sweet nothings.
"H-High school" aniya, "Siya yung una kong kaibigan"
Tumango ito at kiniling ang ulo, "Alam mo ba yung storya nila ni Kuya?" he asked.
"Storya nila ni Raven, hindi" aniya, "pero yung storya kung paano niya kayo nakilala.. Oo" dagdag niya.
Wala nang sinabi si Gryffin, may nais itong sabihin pero hindi na tinuloy. What that would be?
"Nagkahiwalay kami ni Abby nang lumipat siya ng school. Sumama kasi siya kay Tatay Carlos at nang magkasakit ito tsaka pa lang kami ulit nagkita" Pagtutuloy niya, "H-Hindi ko rin lubos maisip na kapatid ka pala ng boss ko. Technically, boss din kita"
"Nah, I'm not associated with any business. I invested, yes, but I don't plan on handling it"
"Why not?" she asked out of curiousity, "Nasa pamilya niyo na yata ang husay sa negosyo"
"Si Mommy lang" he said, "Namana lang ni Kuya, sila na lang doon. I want to have my own achievement, hindi sa hindi ako proud sa kanila, it's not just my passion"
Mas lalo yatang humanga si Daniella sa lalaki. He knew what he wants! Hindi ito nagpapadala lang sa agos ng buhay!
"What do you want?" She asked out of nowhere. "S-sorry, curious lang" aniya nang makitang nagulat ito nang tinanong niya.
"No, it's okay... ikaw pa lang kasi ang nagtanong niyan. I mean, ikaw pa lang ang nacurious"
Seriously? Lintek, siya nga kahit nga shampoo at sabon nito curious siyang nalaman para iyon ang gagamitin niya!
"S-So, anong passion mo? Yung research?" Tanong niya.
Umiling ito, "H-hindi.."
Napakunot ang noo niya, "Huh? You said you wanted to have your own achievement but this is not your passion?" Paano nangyayari iyon?
"I do, but my passion won't take me there"
"Ang labo mo naman, Gryffin" she said, "Ano ba yung passion mo?"
He looked skeptical at first but then, he hold his camera and tapped it. "T-This..."
P-Photography? Ito ang passion niya? Photography to Physics , wow ang lapit, ha! Kung alphabetically arranged.
"Stupid, right? Yeah, I know--"
"No, it's not." aniya bilang pagtutol, "Ang layo lang ng passion mo sa profession mo and I'm still kinda impressed dahil nagagawa mo pa ring mahalin ang profession mo kahit na hindi ito ang passion mo"
"Told you. Achievement" he smiled.
"But what'a the point of achieving some title if you're not fulfilled?"
Napalunok si Gryffin. Kita niya. Did she hit him somewhere?
"S-sorry" aniya, "I'm not invalidating your reasons, Gryffin pero, hindi ba mas masaya kung ang achievement na gusto mong makuha ay hindi para sa iba kundi para sa sarili mo?"
Then, their orders came. Tahimik lang si Gryffin. Hala! Naoffend niya yata ito.
Kasi naman, Daniella Alexis! Ang pabibo mo, hindi niya hinihingi ang opinyon mo pero panay bigay ka!
"S-Sir.." tawag niya rito nang pabalik na sila ng bahay. "Sorry"
"For what?"
"For talking to much. Problema ko na iyan ever since, that's why I am really--"