Chapter Twelve

4.4K 160 13
                                    

"KANINA ka pa nakatulala, Ella" Puna ng ina sa kanya, nakauwi na ang mga ito. Sinundo pala ito ni Gryffin kaninang umaga.

Humarap siya sa ina na puno ng agam-agam. Pak! Ang lalim niyang magisip ngayon, agam-agam pa!

"Nay, nasabi ko kay Sir Gryffin na crush ko siya" bulong niya rito upang hindi marinig ng lalaki na nasa salas ngayon at kasama ang Tatay niyang nanonood ng basketball sa T.V.

"Oh?" sagot ng ina na tila hindi malaking bagay. "Talaga?"

"Nay, you don't understand the gravity of the situation here!"

"Huwag mo ako maingles ingles, Daniella Alexis!" asik ng ina, "Ano naman kung nasabi mo? Tingin mo hindi niya alam?"

"Oo naman, Nay! Bakit naman niya malalaman?"

Tinignan siya ng ina ng matalim, "Hoy, wala kayong ginawang milagro dito sa pamamahay ko, ha?"

Tinakpan niya ang flat na dibdib, "Wala po!"

"Alam mo, Nak. Impossibleng hindi rin niya alam na  wala kang gusto sa kanya, matalino si Gryffin. Alam niya iyon, hindi naman sasama dito iyan kung hindi, e"

"Bakit naman siya sumama? Ano? Papaasahin niya ako?" Nakakainis naman kasi, e! Sinusumpa niyang hindi na siya mananaginip ng gising!

"Alam mo, nak. Minsan nais namin sisihin ng Tatay mo ang aming mga sarili dahil ganyan ka" hinawakan nito ang kamay niya, ano bang pinagsasabi ng Nanay niya?

"Nay?"

"Ang manhid mo, nak" she smiled at her sweetly.

Nanay naman, e!

Tumawa ang ina at humarap sa kanya, "Nak, hindi sasama si Gryffin dito kung hindi ka niya gusto. Marahil gusto bilang kaibigan, at least gusto." tumingin ito sa lalaki na nasa sala. "Kung ano man ang mayroon siya para sa'yo, tanggapin mo na. Doon naman nagsisimula ang lahat, parang kami ng Tatay mo"

"Nay, yun ng po ang problema. Imbes na maenjoy ko yung friendship, heto at napaamin ako ng hindi oras"

Her mother tilted her chin up, "Para kang sixteen years old, anak.

"Bonnie!!" Napalingon sila sa kapitbahay na si Esther. "Kumusta na ka?"

May dinala itong pagkain para sa kanila. "Mayap ku pu" sagot naman ng ina at binuksan ang lalagyan. "Kanyaman!" Ang sarap!

"Ninu ing malagu iting?" Ay, nasabihan siya nang maganda!

"Anak ko iyan! Si Daniella" sagot naman ng ina. "Magalu talaga!"

"Salamat sa pagkain,Esther. Halika at sumalo ka na sa amin!" Paanyaya naman ng Tatay niya.

Sasagot na sana si Esther nang makita si Gryffin. "Ninu ing lalaking iting? Ing palsintan mu?"

Sana!

"Wa!" sagot ng Tatay. What the-- sinabi nitong nobyo niya si Gryffin! "Gryffin, siya si Esther ang kapitbahay namin" Tugon naman ng Tatay sa binata.

"May pista sa simbahan, keni!" paanyaya nito. "keni"

"Mako na ku" sagot ng ama. Pupunta daw siya! Husay, hindi ba? Kakagaling lang sa sakit ta's aalis na.

"Andres! Ano ka ba? Mabibinat ka" saway ng ina. "Sila Daniella na lang ang pupunta"

Napatingin siya sa ina, "Nay!"

"Sige na, masaya doon! Para naman maenjoy ni Gryffin ang bakasyon niya rito" tumingin ito sa binata, "Hijo, huwag mong iwanan ang anak ko"

"Wala pong problema, Tinay"

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon