Chapter Nineteen

4.3K 168 21
                                    

CHANCE.

Sabi nila, hindi lahat ng tao ay deserve niyan. May iba naman na naniniwala na lahat ng tao ay may karapatan na magkaroon nito.

Walang pinipiling mukha, walang pinipiling estado. Matangkad o pandak, mataba man o payat, maputi man o maitim, mayaman man o mahirap, mabuti man o masama, ay may karapatan na bigyan ng pagkakataon.

Parang siya.

May magasawang hindi magkaanak dahil ang isa ay may diperensya. Kung sino man ay hindi na nila inalam, tinanggap na lamang nila na hindi siguro para sa kanila.

Until, April 18, 1998 ay nagkaroon ng lindol. Tumakbo silang magasawa nang may narinig silang munting iyak sa loob ng isang sira-sirang bahay.

May isang ginang na nabagsakan ng bato sa ulo at marahil ang asawa nito ay natusok sa isang bakal, sa loob niyon ay may munting kahon na may lamang mga tela at doon nila nakita ang isang batang babaeng bilog ang mata.

Anak siguro nito ng dalawang tao na nakita nila kanina.

"Bonnie, halika na!" ani Andres sa asawa, "Akin na ang bata,lumabas ka na. Baka may aftershock, hindi tayo maaring manatili rito"

Buhat-buhat ni Andres ang batang marahil nasa anim na buwan pa lamang. Nang makarating sila sa evacuation ay agad nilang pinatignan ang sanggol.

"Maayos naman ang kalusugan ng anak ninyo, Mister and Misis" ani ng doctor, "Mabuti na lamang at nailigtas po ninyo ang inyong anak lalo na sa ganitong edad pa lang"

Nagkatinginan silang magasawa. "H-Hindi po kami ang magulang ng bata" pagamin ni Bonnie, "Narinig lang namin siya habang papalikas kami rito"

"Hindi namin kilala ang magulang niya pero nang makita namin siya ay mukhang nasaktan ang mga ito. Hindi namin alam kung ano ang kalagayan nila" dagdag pa ni Andres.

Pinagbigay alam ng doctor ang sinabi nila. Habang nagaantay ay sila muna ang nagaruga sa bata. Buhat-buhat ni Bonnie ang sanggol, nakatingin sa mga mata niya ang bata.

"H-hinahanap na nila ang Nanay mo" aniya, "Huwag kang matakot, ha? Hindi kita papabayaan"

Tumabi sa kanya ang asawa at umakbay, "Kumusta ka?"

Ngumiti siya. Suprisingly, she never left better. Hindi niya alam kung bakit.

Lumapit ang doctor sa kanila at sinabing sa magasawang Daniel at Alexis Castañeda ang sanggol. She was six months old that exact day, the same day she lost her real parents.

"A-anong pangalan niya?" Tanong ni Bonnie sa doctor.

Tinignan nito ang birth certificate, "Daniella Alexis Castañeda" she said. "Salamat sa pagligtas niyo sa batang ito, ipapakuha ko na siya sa DSWD mamaya"

"Doc" hinawakan ni Bonnie ang kamay nito, "A-Ako na lang po ang bahala sa bata" aniya.

"Bonnie?" Puna ng asawa.

"Handa po akong tumayo bilang ina ng batang ito," dagdag pa niya, puno ng pakikiusap. "Hayaan niyo po akong alagaan siya. Bibigyan ko siya ng isang masayang pamilya, pupunuin namin siya ng pagmamahal para hindi niya maramdaman ang kulang"

Nagkatinginan silang magasawa. Kahit hindi pinagusapan ay sinangayunan siya ni Andres at sa araw na iyon ay sila na ang kinilalang magulang ng batang babae.

Daniella Alexis Castañeda- Jallores. Hindi na nila pinalitan ang pangalan nito bilang respeto at pagalala sa tunay nitong magulang.

They just changed her birthday and surname para maging legal na anak ng magasawang ito.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon