"ENGAGED na kayo?" Gulat na asik ni Daniella. "Walang hiya, nung umalis tayo rito drama drama mo pa lang, tapos ngayon engaged na?"
"Ella naman, e" napakamot ang kaibigan sa pisngi.
"Walang ligawan stage, a? Anong iisipin ni Tatay Carlos niyan! Ang bilin niya, bilangin ko muna ang mga bulaklak at tsokolate na matatanggap mo" sermon niya, "pero wala ng girlfriend girlfriend, fiancé agad. Aba, mahusay!"
"Hindi ko alam kung galit ka o nangaasar lang!" anito, "Ang labo mo rin! Nung tinutulak ko palayo, nagagalit ka at sinasabihan mo pa akong pabebe! Tapos ngayong sinagot ko na, tinawag mo naman akong walang hiya"
Natauhan si Daniella, hindi naman niya sinasadyang tarayan ito. "Hindi naman sa ganon, nakakabigla lang naman kasi" malumanay niyang sambit. "patingin nga ng singsing mo!"
Nilahad naman nito ang kamay, hindi na niya napigilan na mapatili, "Nakakainis! Nakakainggit ka!"
"Oh, bakit? Ano bang nangyari sa lovelife mo? Umusad na ba?"
Napairap siya, "Iba rin iyan si Gryffin mahal ko, e. Yung mga pahanging niya, nakakaconfuse! Hindi 'ata siya aware na umaasa ako sa mga actions niya!"
"Oh, ano bang actions niya?"
"Hindi ba dapat ihahatid niya lang ako sa terminal ng bus?" kwento niya rito, "pero hinatid na niya ako sa Pampanga, beshie. Sa Pampanga!" napahilamos siya ng palad. "Tapos, nagstay pa siya doon! Akala tuloy nila Nanay, nobyo ko. Aba, hindi naman tumanggi nung inaasar kaming dalawa!"
"Sus, gusto mo rin naman! Kilala kita Daniella Alexis"
Oo naman, hindi niya tinatanggi. That was the best week of her life. Ang ganda ganda ng mga nanyayari, parang lahat pabor sa kanya.
But then, Anabeth returned. Hindi na niya alam.
"Nakakatakot lang, Abby" nakakunot ang noo niya, "Ako lang 'ata ang aasa"
Hindi na naungkat ni Abby ang sinabi niya dahil nagpatawag ng meeting. Hindi na rin sila nakapagkwentuhan muli dahil ang tindi ng balitang sinabi sa kanila!
Sino naman ang maninira sa hotel hindi ba? At bakit sa kanila ang sisi. Oh, anyway, mas marami pa siyang kailangan asikasuhin.
Kinahapunan ay pumasok siya sa school para ipasa ang mga requirements na kailangan. "Ms.Jallores, finally, graduating ka na!" ani ng guro.
Tumango siya, "Sipag at tiyaga po talaga"
"Tama iyan! Nako, dapat pala mag-talk ka sa graduation. Tutal running for cum laude ka naman" sambit pa nito sa kanya.
"Grabe naman yung cum laude, Ma'am!" pero, seryoso? Hindi niya naisip na ang grades niya ay maari pang umabot sa honors. Sa dami ba naman niyang absent, e!
"We'll still be deliberating pero hineheads up-an na kita" tumayo na ito, "Anyway, whatever the results would be, congratulations!"
Masayang lumabas si Daniella ng classroom. May susunod pa siyang class pero minor lang iyon. Baka ibibigay na yung resulta ng practical exam nila na book review.
Ngunit pagdating sa room ay wala na'ng mga tao. Hala! Wala bang klase? Baka may hindi siya nabalitaan!
Daniella:
Nasaan kayo girls?Jessica:
Umuwi na, nalipat na ulit sa umaga yung subject natin kay Ms.Oheda. Hindi nga pala namin nasabi! Sorry!Daniella:
Sige, ayos lang naman.
Uwi na rin ako! See you!