"ANAK" Mapalad ang mga ngiti ni Gryffin nang salubungin nito ang ina. "What a pleasant surprise!"
Hinalikan niya ito sa pisngi pagkuwa'y niyakap, "I just missed you, how are you feeling now?"
Kakauwi pa lang nito galing sa ospital kaya hindi siguro inaasahan ang pagbista niyang muli. "Better than yesterday, ikaw? Where's your wife?"
"Hinila na ng kambal, maglalaro daw sila" He answered at inakbayan ito papasok sa bahay. Dumiretso sila sa garden at doon nakita ang asawa kasama ang mga kapatid.
"They adore her so much, madalas sa hapag kainan ay kinukwento nila si Daniella sa amin." She said, "She would be a good mother"
Huminga siya nang malalim. He won't doubt that. Ramdam niya ang natural na pagaalaga nito, masayahin pa.
Sayang at hindi iyon mararanasan ng panganay nila.
"My, can I ask you a question?" Humarap siya sa ina at umupo sa may balustre. "What did you and Papa do to move on from the child you lost?"
Napalabi ang ina at napabuntong hininga. Tinabihan siya nito sa balustre at sinandal ang ulo sa balikat niya.
"We choose, anak" anito sa kanya, "Between letting go and holding on, we chose to let go"
Hindi niya maintindihan. Ang ibig sabihin ba niyon ay tinanggap na lang nila na wala na ang baby at magpatuloy na lang?
Tila napansin ng ina ang pagkalito niya kaya hinawakan nito ang kamay niya at tinignan siya sa mata. "Anak, magkaiba ang walang choice sa made a choice"
"Hindi namin tinanggap lang ang nangyari dahil wala na kaming magagawa, hindi dahil wala kaming choice. Tinanggap namin ang nangyari dahil alam naming may plano ang Diyos. We chose to accept what happened, and it was our choice to trust God in our lives"
"May plano ang Diyos? Ibig sabihin, plano Niya talaga na bawiin sa amin ang baby kagaya ng nangyari sa inyo?" Naguguluhang tanong niya. "Lahat ba ng nangyari sa akin, sa amin ng asawa ko ay nasa plano Niya?"
Umiling ang ina, "Only God could answer you, anak. But, based on my experience, God has reasons why He let those things happened to me. Sabi nga sa bible verse na nabasa ko, I may not know the reason now but someday I would and I did, anak. It made me who I am today"
"Bakit kasi kailangan pang masaktan? Akala ko ba kapag may faith ang tao storm free na? What happened to us wasn't just a storm but a disaster!" Napahilot siya sa sentido at napabuntong hininga.
"Sabi nga nila anak, experience is the best teacher" anito sa kanya, "And that's the misconception, anak. Hindi porket nananampalataya ka ay hindi ka na susubukin ng kaaway, ang totoo nga niyan, we believers would always be put into test to see how faithful we are with Him. But, even though we are put into test, we have Christ who gives us strength and it may not make us storm free but it will make us storm proof"
Napatingin siya sa ina, "Ang sakit, My... ang sakit pala mawalan ng anak..."
"Mas masakit kung pati ikaw ay mawawala, anak" She cupped her face and put her hand on his left chest, "Nandito na sa puso mo ang anak niyo ni Ella, hindi na siya mawawala diyaan. But, you have to surrender that feeling, Gryffin, you have to let it go so you can keep moving forward"
Niyakap siya ng ina and she prayed for him. Nang matapos ay binigyan siya nito ng sariling oras para makapagisip isip.
He was looking at his wife who's with his siblings. Nakakatawa na itong muli at nang magsalubong ang mga mata nila ay kinawayan siya nito.
God, what do You want to tell me?
Then his phone vibrated. It's just a notification from his social media account.