ISANG araw hindi lumabas ng silid si Daniella. Naririnig niya lang ang pagiyak nito mula sa loob ng kwarto. Gustuhin man niya itong pasukin ay hindi niya rin magawa, why?
He felt embarassed.
Napaupo siya sa kutson ngayon at napahilot sa sentido. How could he hurt his wife that way? He's a jerk.
Nakatulog siya sa labas ng pintuan ngunit hindi pa rin siya nito pinagbuksan.
You deserved that, asshole!
But, she didn't know what happened. Sigurado kapag narinig ng asawa ang paliwanag niya ay mauunawaan nito.
That's why he had to open the door. Nakita niya ang asawa na nasa sahig at nakasandal sa dingding-- sitting in a fetal position while her head is buried on her knees.
Fuck!
Hinang-hina na agad siyang lumapit rito, "Ella.."
Nakatulog pala ito doon, but when he saw her face. Unang una niyang napansin ang mga mata nitong namamaga.
Agad nitong iniwas ang mukha sa kanya.
"M-Magdamag kang hindi kumain, Ella.." aniya, "You have to eat, magkakasakit ka--"
"Leave me alone" Walang buhay nitong sambit. "Hindi kita gustong makausap"
Huminga siya nang malalim. He saw this coming...
"Ella, what you saw is nothing. Hindi mo dapat nakita iyon dahil hindi naman dapat iyon mangyayari. Kahit ako ay nagulat sa ginawa ni Anabeth--"
"Liar!" Bumangon ito at hinarap siya. "Magkasama kayo magdamag! Sa harap pa talaga ng pamamahay natin ka niya hinalikan? Para ano? Para ipamukha sa akin na kahit dito!" Turo nito sa inaapakan, "Kahit dito ay kanya ka!"
She was about to walk away when he grabbed her arm. "Let me explain, first"
Piniglas nito ang kamay ngunit hindi niya hinayaan, "Bitawan mo ako.." banta nito.
"Baby, I pushed her away!" He said, "Tinulak ko siya kaagad!"
"Yeah? and you pushed me, too.." Her voice broke, "You could have just pulled me, Gryff.. pero bakit mo ako tinulak.. tinulak palayo?"
God damn it! Hindi niya rin alam. Ang tanging alam lang niya ay hindi niya iyon sinasadya. He would never did that on purpose!
"Baby, please... I'm sorry.." He sincerely said, "She's nothing... you're my everything.."
Napapikit ito at napahilot sa sentido. Then, she sighed. "I cannot do this anymore, Gryff.."
Ha? Ano ang sinabi nito?
Hindi siya nito matignan sa mga mata. "What are you saying?" nagsalubong ang mga kilay niya.
"Hanggang kailan ka magbubulagbulagan, Gryff? Hindi mo ba napapansin na parang masyado na lang nating pinipilit ang lahat?"
Now, he clenched his fist. He doesn't like where this conversation is heading.
"Hindi mo ba napansin, sunod-sunod na lang lagi ang problema mula nang magpakasal tayo nang biglaan? Maayos tayo pero tinalo pa natin ang nasunugan dahil halos walang natira sa atin nung nagkasakit ako at nadamay pati baby natin" Pinilit nitong pinapatatag ang boses. "Hindi mo ba napansin, Gryff, na halos sinasabi na ng mundo na nandiyan na si Anabeth dahil... dahil baka kayo talaga ang para sa isa't isa?"
Napahilamos siya ng mukha gamit ang palad, "What are you trying to say?" seryosong tanong niya kahit obvious naman ang nais nitong iparating.
"Gryff, ayokong dumating sa punto na pati tayong dalawa masira nang dahil sa hindi natin matanggap na may mali na sa nangyayari. Na mali na tayo... Can't you see? Everything that's happening to us turned into a disaster!"