Special Chapter

6.8K 193 14
                                    

Tito's Duties

MAG-isa si Daniella ngayon sa bahay nila dahil si Gryffin ay nasa isang multimedia conference sa Cebu habang ang dalawang anak na si Heaven at Psyche ay nasa bahay ng magulang sa Pampanga.

Hiniram lang sandali, pumayag naman silang magasawa para malapit din naman sa mga lolo at lola.

Now, she's with Manay and her baby boy na nasa loob niya pa.

Yup, she's pregnant with their third baby and it's a boy! Mukha na nga siyang penguin kung maglakad ngayon dahil ang bigat ng tiyan niya!

Ezekiel, konting kembot na lang at lalabas ka na rin! Yehey!

Then someone pushed their doorbell. Sino kaya ang bisita niya?

"Manay!" tawag niya sa kasambahay nila, "Pasuyo naman po ng gate"

Iyon nga ang ginawa ni Manay nang bigla niyang maamoy ang cheesestick at banana cue mula sa labas!

"Banana cue! Cheesestick!" Mangiyak-ngiyak niyang sambit, lalo na nang makumpirma nga na iyon ang naamoy bitbit nang kakapasok pa lang, "Kagabi ko pa ito gusto! Papaano mo nalaman?"

Ngumisi lang naman ang kanyang favorite brother-in-law. Sorry, Raven pero si Slyther talaga ang paborito niya.

Paborito niyang asarin at apihin. Cute, e! Mukhang palaka! Hihi!

Asawa na rin kasi ng bestfriend niya si Raven kaya off limits na. Sapat nang isa lang sa kanilang magkaibigan ang nagpapahirap sa Delaverde.

"Wala akong hindi alam" tipid nitong sagot at umupo na sa sofa, "Where's my angels?" Hanap nito sa dalawang anak.

"Nakila Nanay at Tatay, bukas pa ang uwi nun. Kuya mo ang susundo sa kanila, e" Sinimulan na niyang lantakan ang pagkaing dinala nito. "Grabe ang sarap!"

"Oh, dahan-dahan" Tumayo ito sa inuupuan para kuhaan siya ng maiinom. "Lagot ako kay Gryffin kapag nabulunan ka"

Ngumuso siya, "Sus, para naman first time mong mathreaten ng Kuya mo" she said smiling.

Yes, it wasn't his first time. Actually, althroughout her pregnancy, si Slyther ang tumayong pangalawang ama ng mga anak niya.

Lalo na nung nagbubuntis pa lang siya kay Heaven. Muntik makatikim ito nang suntok mula sa kapatid nang pinaiyak pa siya dahil sa hindi nito pagkain ng sushi noon.

It stressed her out, na muntik pa siyang masugod sa ospital. Oh, 'di ba? O.A na kung O.A, its the hormones, darling.

"Dapat junior ko iyang pangalan ng anak niyo, ha" He demanded, "Mas pinapahirapan mo ako kaysa sa asawa mo, siya naman ang bumuntis sa'yo"

She chuckled, ayan na! Napipikon na ulit ito. Ang cute cute na ulit! Parang si Squidward naman kapag naiinis!

"Slyther Rodel Jr?" aniya, "Ang baho!" sabay hagalpak sa tawa.

"Salamat, ha?"

She laughed still. Ang baho naman kasi talaga, buti nga nadagdagan ng "Atty." sa unahan kaya medyo bumango, e.

"Huwag ka na magalit, magasawa ka na kasi para may magmamana na nang mabaho mong name" Sabay tawa pa rin. Damn! She really felt so satisfied teasing him.

Huminga nang malalim si Slyther at akmang tatayo ay pinigilan niya ito. "Slyther, pakimasahe ng talampakan ko.Dali na, masakit e"

Tinignan siya ni Slyther nang matalim. Sa isip siguro nito ay ilan beses na siyang pinakulong, "Sa araw nang panganganak mo, ako ang pipirma sa birth certificate. Papangalanan kong Slyther Rodel, humanda ka"

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon