"GUSTO mo bang kumain, Ella? Mahaba ang biyahe baka magutom ka" Alok ni Tatay Andres sa kanya habang nagmamaneho ito.
Umiling siya, wala siyang ganang kumain.
"Anak, ikaw ba ay sigurado na gusto mong umuwi sa amin?" Tanong naman ni Nanay Bonnie.
Oo naman, s-sigurado siya. Ngunit bakit mas lalong bumigat ang kanyang dibdib nang lumabas sa bahay nito?
No, Ella! Tama na... mas masasaktan ka lang kapag nagbulag bulagan ka. Hindi ka ganito, hindi ka tanga sa pagibig!
"Daniella, anak.. Hindi ako kailanman nangialam sa mga desisyon mo sa buhay dahil malaki ang tiwala ko na alam mo ang ginagawa mo" ani Tatay Andres, "Ngunit ngayon, malakas ang pakiramdam ko na hindi mo ito pinagisipan nang mabuti"
Nagkatinginan sila ni Tatay Andres sa rearview mirror. "Mahal mo siya, hindi ba?"
Napaluha siya sa tanong ng ama. Oo naman! Kailangan pa bang imemorize iyon? Pinunasan niya ang mga luha at nanatiling tahimik.
Pambihira naman kasi itong Tatay niya, e! Dapat 'di ba kakampi niya ito?
"Anak, pinakinggan mo na ba ang asawa mo?" Mahinahong sambit ng ina at humarap sa kanya, nang hindi siya sumagot ay umupo na ito muli ng maayos, "Andres, mag-drive thru ka. Gusto ko nung hamburger" turo nito sa fastfood chain na natanaw.
"Oo nga, gusto ko rin ng hamburger. Ikaw, Ella?" Alok ni Tatay Andres. "French fries?"
She stilled when she heard that.
French fries...
"How's work, Baby?" Gryffin asked as he kissed her temples and put on her seatbelt. Sinundo siya nito sa trabaho. "You seemed tired"
Tumango siya, "Sobra, papaano ba naman. Halos tatlo sa staff ko ay AWOL! Kinailangan ko pang humanap ng reliever, mabuti na lang at may mga available sa Hotel Martinez na mga kasamahan ko noon, kundi wala na talaga,laspag na ang katawan ko sa pagod!"
Pinakinggan lang siya nito habang nagrarant siya sa araw niya, like he always does. "Hindi ka pa kumakain?" Nagaalalang tanong nito nang sabihin niya na wala pa siyang kinakain sa araw na iyon dahil sa pagod. "That's not good, Baby. Magkakasakit ka sa ginagawa mo"
Napakamot siya sa ulo nang biglang iliko nito sa drive thru ang sasakyan. He ordered three pieces of hamburger with large fries and drinks.
"French fries?" Sinubo nito sa kanya iyon pagkuwa'y binuksan naman ang burger para sa kanya. "Go, rant ka lang" he added, and so she did continue ranting.
"Binilihan ka na lang namin sakaling magutom ka mamaya" ani Nanay Bonnie. "Matulog ka muna, may unan sa likod ng upuan"
Tumango siya at tinignan ang unan sa likod. Only to see a stuffed toy... yung stuffed toy na kamukha ng stuffed toy na napanalunan ni Gryffin para sa kanya. Yung kapatid ni Lucky.
"Ang dami ng kapatid ni Lucky!" Natutuwa niyang sambit nang may lumapit sa kanilang mga bata, natutuwa sa mga laruan na hawak nila.
"Ang ganda naman po niyan" bati ng bata, "Ang cute, 'di ba Mara?" Sambit nito sa kalaro.
"Wow! Ang ganda naman niyan. Tama ka, Clara!"
Ang cucute naman ng dalawang ito! Lalo na yung pangalan, lakas maka-teleserye!
"Oh, dahil cute kayo ay tig-isa kayo" inabot niya ang dalawang napanalunan nila. "Huwag magaaway,ha!"
"Maraming salamat po!"