Chapter Twenty-Three

4.3K 173 12
                                    

Note: SPG
-----

"HI" bati sa kanya ng nobyo pagkuwa'y hinalikan siya sa sentido. "How's it going?"

Naging mabilis lang ang mga pangyayari mula nang makulong ang kaibigan. Mabuti na lang at may mga kakilala rin si Gryffin na makakatulong rito.

"Lumuwas na si Abby papuntang Casa Sinfuego" aniya, "S-Salamat talaga, ha?"

Inakbayan siya nito at nginitian, "Ella, you know that I love you. So, everyone you love matters to me, too"  

Tila may humaplos na naman sa puso niya. "I love you, too" she said, "pero galit ako sa Kuya mo"

"Ella, hindi sa kinakampihan ko ang kapatid ko" masuyong sambit nito, "pero kilala ko si Kuya, m-may dahilan kaya niya nagawa iyon"

Umasim bigla ang mukha niya, "Dahilan? may dahilan siya kung bakit niya iniwan ang kaibigan ko sa ere?"

"Hey.." pagalo nito sa kanya, "calm down, hindi ako ang kaaway mo rito" hinalikan nito ang balikat niya. "I'm sorry"

Napabuntong hininga naman siya, she was caught off guard. "P-Pasensya na rin, hindi ko lang napigilan"

He smiled and kissed her temple as his answer that it's okay, "Saan mo gusto pumunta?"

"Sa school" aniya, "Isesettle ko na lahat ng account ko para wala na ako prproblemahin, kakausapin ko na rin yung landlady ng apartment, tutal nasa Casa na si Abby at wala naman na kaming trabaho kaya wala ng dahilan para magstay pa kami doon"

"Paano ka?" he asked, "Saan ka titira?"

"May bed space naman malapit sa school,o kaya naman kila Jessica" she said, "Hanggang matapos lang naman ang graduation, tapos susundan ko na si Abby sa Casa"

"Hindi ka kila Tinay uuwi?"

Umiling siya, "Si Nanay may Tatay, si Tatay may Nanay. Si Abby, sa ngayon, wala siyang Raven kundi ako lang" she looked at him.

"pero mayroon kang ako" anito sa kanya, "Paano naman ako? Paano tayo?"

"Naiintindihan mo naman, hindi ba?" sinapo niya ang mukha nito, "Kailangan ako ni Abby"

Huminga ito ng malalim at hinalikan siya sa noo, "Just tell me when you need help, okay?"

"Okay" niyakap niya ang nobyo, "Thank you so much, Gryffin. Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat na nandiyan ka para sa akin"

"Ikaw pa ba? Malakas ka kaya sa akin" he said.

Like what she planned, sinettle na niya ang account sa school at apartment.

"Nakakabigla naman ang biglaan ninyong pagalis, Ella" ani ng landlady sa kanila, "Kayo pa man din ang pinakamabait na nagrerenta rito"

Kinakahon na niya ang mga gamit nila ni Abby. "Pasensya na po, ha?" aniya, "mabilis po kasi ang pangyayari"

"Tungkol ba ito doon sa issue ng hotel?"

Tumingin lang siya rito ngunit hindi ito sinagot.

"Kung anuman ang nangyari, alam kong wala kayong ginawang masama. Manalangin lang kayo na magiging maayos ang lahat"

Tumingin siyang muli sa ginang, "Salamat po, ha"

"Kailangan mo ba ng tulong?"

Umiling siya, "Hindi na po, kaya ko na po ito"

"Oh, sige. Magpapaskil na ako ng karatula dito sa susunod na linggo na lang"

"Sige po"

Nang umalis ang ginang ay sakto naman ang pagdating ni Gryffin na may dalang meryenda. Naamoy kasi kaagad ni Daniella ang dala-dala nitong palabok.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon