Chapter Three

6K 179 11
                                    

NAKATULALA lang si Daniella habang ginagamot ng nurse ang sugat niya sa ulo. Sa lahat ng nabagsakan ng libro, siya ang nakangiti.

"Ella!" ani Jessica, "Ano ba ang nangyari sa'yo?Nabalitaan ko na lang na nandito ka na"

No response from her. Masyado siyang high ngayon para pagtuunan ng pansin ang kaibigan.

"Nurse, may tinurok po ba kayong gamot sa kanya?" tanong nito, umiling naman ang nurse at sinabing wala. "Kung ganun, bakit nakatulala? Baka po kailangan magpa-CT Scan? Baka nagcrack na ang bungo!"

"Hindi naman, bukol lang ang natamo niya pero magpapa-CT Scan siya at sagot naman na ng school iyon"

"Eh, bakit po hindi pa rin nagsasalita ito? Nakatulala pa rin hanggang ngayon"

Sino ba naman ang hindi matutulala? Juste, dati sa malayo niya lang natatanaw ang lalaki tapos kanina.. kanina halos masinghot na niya sa lapit!

Hindi lang iyon! Nahawakan pa nito ang mga kamay niya!

"Huy!" Hinampas siya ng kaibigan sa balikat, "Ano bang nangyayari sa'yo?"

"Jess, tinitigan niya ako" she smiled, "Hinawakan niya ang mga kamay ko.."

"Sigurado po ba kayong hindi nito kailangan ng doctor?" tanong ni Jessica sa nurse, "Huy, sino ba iyang tinutukoy mo?"

"Sino pa ba.."

"Sino po ba ang nagdala sa kanya dito?" tanong ni Jessica sa nurse.

"Si Sir Gryffin, nahulugan daw kasi ng libro sa library kanina" ani ng nurse at umalis na.

Hay.. para pa rin siyang nasa alapaap!

Hinatid siya ni Jessica sa apartment malapit sa pinagtratrabahunan niya at dahil maaga pa ay wala pa ang kasama nitong si Abby.

Nakatulala pa rin siya. Totoo ba talaga ang nangyari kanina? Tila lahat ng inis at sama ng loob ay nawala nang makita niya ito!

"Oh, ang aga mo yata? Mamaya pa ang uwi mo hindi ba?"

Umiling siya, "N-Nalipat ang schedule ko sa gabi"

"Ayos ka lang ba? Teka,anong nangyari diyan sa ulo mo?" tanong ni Abby.

"Wala, ayos lang ako" she said then chuckled. Baliw na siya! "Magkakalove life na ako nang matino, bessywaps!"

"Lovelife ka diyan, parang nung isang araw inaaway away mo pa si Kevin tapos ngayon okay na naman kayo?"

Napangiwi siya, "Sino ba nagsabing si Kevin ang tinutukoy ko?"

"Hindi ba? Sino? yung professor mong hindi mo mapangalanan?"

Ayaw niyang sabihin kasi alam niyang iistalk ni Abby iyon at kapag inistalk ni Abby, aasarin na siya nito ng bongga. Simple lang naman si Abby pero kapag gumanti, wagas.

Kinabukasan pagkatapos ng trabaho ay nagayos si Daniella ng sarili. Syempre naman! Si Sir Gryffin ang professor nila ngayon. Lulubusin niya ang one week, ano ba!

"Parang may iba sa'yo..." Puna ni Monica, "Hmm, aha! nakablush on ka!"

Napakunot ang noo niya, "H-Ha? Hindi kaya, rosy cheeks lang ako!"

"Sus,magtataka pa ba kayo kung magayos iyan? Eh, sino ba ang professor natin ngayon?" sambit ni Erica, "Jusko, Daniella. Hindi sa kontrabida ako pero para ka ng tanga"

"Erica!"

"Totoo naman"

Napakagat siya sa labi, "Alam mo, Erica. Salamat sa concern mo, pero kaya ko na ang sarili ko. Kung iiyak man ako, ako naman iyon at hindi ikaw!"

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon