Chapter Twenty-Six

4.5K 143 5
                                    

HINATID siya ni Gryffin sa Casa Sinfuego ng madaling araw. Nakita pa nga nila ang sasakyan ni Raven, naginit na naman tuloy ang dugo niya.

"Can I make a request?" Tanong ni Gryffin sa kanya bago siya pababain ng sasakyan. "Huwag mong susuntukin si Kuya"

Luh! Paano nito nalaman ang iniisip niya?

"Bakit?"

"Masyado nang maraming pinagdaanan si Kuya. Okay, fine. Let him face the consequences, but do not hurt him," Hinalikan nito ang mga kamay niya, "Please?"

Dinaan na naman siya nito sa beautiful eyes! Kainis!

"Okay" Pasalamat ka mahal kita! Hmpf!

"That's my girl" he smiled and kissed her on the lips. Sherep, sherep!

Umalis na rin si Gryffin. Okay, hindi niya ito pwede saktan. Pahirapan lang, ganern.

"Anong ginagawa mo rito!" sigaw niya pagkapasok ng bahay,"Hindi ba sinabi ko sa'yo na tigilan mo na ang kaibigan ko!"

Napabaligkwas si Raven sa hinihigaan at agad din binuksan ni Abby ang pinto at pumagitna sa kanila.

"Ella!"

"Oh, Abby? Akala ko ba tapos na kayo ng lalaking iyan?" mataray niyang sambit, "Bakit naabutan ko dito sa bahay mo! At mukhang dito pa natulog dahil suot niya ang damit ni Tatay Carlos!"

"Ella, malakas kasi ang ulan kagabi--"

"Huwag mong sabihin na nagpakatanga ka na naman at may nangyari sa inyo ng gagong 'yan?" Okay, wala ng filter filter. Tanga na kung tanga dahil iyon talaga ang definition niyon.

"Ella!" saway nito sa kanya, "Ano ka ba.."

"Ano, Raven?" Hinarap niya ang lalaki, "Matapos mong paikutin sa palad mo ang kaibigan ko, makuha ang pagkababae niya at tuluyan ng mahulog sa'yo. Ano pa ang plano mo maliban sa iwanan siya sa ere!"

"Ella!" sigaw ni Abby sa kanya, "Tama na iyan!" Ay, ang sweet. May pagkampi ng nagaganap!

"I'm sorry" natigilan silang dalawa ng sabihin iyon ni Raven. "I knew I was wrong. I knew it was my mistake and I have no excuses.. Nagkamali ako at handa akong gawin ang lahat para... mapatawad mo, Abby"

Wow, pangpelikula!

"Pahirapan mo na ako.. sabihin mo sa akin kung ano ang pwede kong gawin para mapatawad mo ako at gagawin ko, maliban lang sa pakawalan kita dahil hindi ko kaya, Abby.. Hindi ko kaya.." Nagkatitigan silang dalawa, okay out na siya sa eksena. This is their world now.

"Raven, wala ka ng dapat gawin.. tapusin na lang natin ito" Woah, narinig na ni Ella iyan! Sus!

Pumagitna siya bago pa magiyakan ang dalawa, "Lahat gagawin mo?" paguulit niya sa sinabi ni Raven.

"Oo.."

Siniko siya ng kaibigan pero hindi niya pinansin nito, "Talaga?"

"Ella.." bulong nito. Kalma ka lang, bestfriend! Para sa lovelife mo ito!

"Fine. Magbihis ka, may pupuntahan tayo"

"I don't have clothes--"

Pinigilan niya ito, "May damit si Tatay Carlos, iyon muna ang gamitin mo. Sayang ang pantalon mo kung... madudumihan, bilisan mo na at madami ka pang gagawin"

Nakakatuwang isipin na sumunod naman ang lalaki sa kanya. Alam niyang matalino ito at sinasadya lang ang pagpapahirap rito, but he accepted the challenge!

At ang kaibigan naman, worriedlalu! Kunwari pang ayaw niya, pero kung makatitig naman sa bawat galaw ng lalaki ay parang nanay kung magalala!

Kurutin ko kayo sa singit, e!

Buti pa sila ni Gryffin, hindi complicated.

"Ella, clearance na next week! Kita kits, ha?" Kausap niya si Jessica sa phone, "Inayos mo na pala lahat ng account mo. Buti pinayagan ka!"

"Oo naman,ilan na lang ang units ko, e" she said, "Sige, kitakita na lang, ha?"

So, days went by. Ang daming nangyari, lalo na ang biglang pagkawala ni Abby at biglang pagkakasakit.

She saw how worried Raven was. Pareho sila ni Gryffin ng mga mata kapag nagaalala o kaya may emosyon na napaka-intense kaya natetense!

"Abby, hindi ka pa ba magpapahinga?" tanong niya sa kaibigan na nakatitig sa lalaki. "Kausapin mo na kaya, nang matapos na ang paghihirap mo"

"Parang nung isang araw ikaw pa ang naglalayo sa akin kay Raven tapos ngayon ikaw mismo ang nagsasabi na kausapin ko siya?" paguyam nito.

That was true, hindi niya itatanggi pero, "Alam mo ba nung umalis ka ng walang pasabi. Sobra ang pagaalala ni Raven,hinanap ka niya kung saan-saan"

Tila hindi naniniwala ang kaibigan sa kanya. Sus! Pakipot pa, e! Sarap kurutin, e!

"Mas lalo siyang nagalala noong nawalan ka ng malay. Kung nakita mo lang ang itsura niya, akala mo batang kinuhanan ng candy"

Hindi ito makasagot sa sinabi niya. Shookt lang siya, ganern.

"Doon pa lang, Abby. Napatunayan kong nagsisisi na siya" napangiti siya, "Nakalista na nga lahat ng ipapagawa ko bukas, pero pagkatapos kanina? Narealize ko na hindi naman pala iyong pagaararo o pagbobomba sa poso ang magpapahirap kay Raven kundi ikaw."

Hinawakan niya ang kamay nito. "Huwag mo na rin pahirapan ang sarili mo, Abby. Kailangan mo si Raven, hindi dahil siya ang magpapagaan ng problema mo pero kailangan mo siya kasi alam ko mahal mo siya"

"Hayaan mong palakasin ka ng pagmamahal, Abby. Doon pa lang, panalo ka na.." aniya bago pumasok ng silid.

~¤~¤~

The week ended. She has to go back to her school para sa clearance. Malapit na malapit na at gragraduate na siya!

"Ella!" tawag sa kanya ni Erika na nagaalala. Ngunit bago pa siya tuluyan malapitan nito ay nagtitinginan na sa kanya ang iba pang mga studyante.

Anong problema nila?

"Anong nangyari?" tanong niya sa kaibigan, "Bakit ganyan sila makatingin sa akin?"

Puno ng pagaalala ang mata ni Erika para sa kanya at may nilabas na bondpaper. There was a printed photo on it, napasinghap na lang siya sa nakita!

"Ms.Jallores, the Dean wanted to see you" Napalingon sila sa lumapit na admin. "Immediately"

Bumalik ang mata niya sa litrato. S-Sandali lang, pero papaanong nangyari iyon?

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon