PCOS or also known as Polycystic Ovary Syndrome.
Ito ang pinakamadalas na hormonal disorder sa mga babae. Madami ang pwedeng maging sanhi nito ngunit sa kalagayan niya ay isa lang ang tanging sinabi ng doctor.
At hindi ito maganda.
Tila isang bomba ito na bumagsak sa dibdib ni Daniella nang sabihin ng doctor sa kanila. Her husband was just holding her but still she felt like dropping.
The doctor even had a good news and a bad one. The good news, it could be treated. The bad news...
The bad news...
The bad... news..
"Gryffin, h-hindi pwede iyon" iyak niya sa asawa nang sabihin ng doctor na.. na.. damn! she couldn't even say it! "Ang sabi mo okay ang baby natin! Ang sabi mo hindi siya naglaglag!"
"Yes, Misis" pagalo ng doctor. "The baby's fine... as of now."
She broke down. Gryffin was just there embracing her. Nang lumabas ang doctor ay doon pa lang nagsimulang pumasok ang mga impormasyong sinabi sa kanya.
The baby survived the threatened miscarriage. However, because of PCOS... maliit ang tsansang mabuhay ang bata dahil habang tumatagal ay dumadami ang cyst sa kanyang ovaries na nagiging sanhi ng pahina ng kapit ng bata sa kanyang sinapupunan.
The doctor even called it a miracle when she reached her fifth month! Ang ibang buntis ay nagsisimula pa lang mangarap at umasa na maari pang mabigyang buhay ang anak ay babawian na ng pagkakataon kinabukasan.
"Gryff.. Bakit ang baby natin?" Kakatapos lang niyang umiyak. They're now home at kanina pa hindi nagsasalita ang asawa. Maybe, deep inside he's also mourning for their child...
Ang anak nilang bago pa maipanganak ay nakatadhana nang mawala agad sa mundo.
"What can we do to save our baby?" Tanong niya agad sa asawa. "There must be a way, Gryffin"
"You have to rest, Ella" malambing nitong pagsuyo sa kanya. "You had enough of this day, okay?"
Umiling siya, "No! There must be a reason why we knew this, right? Ang sabi ng doctor kanina, milagro pang nakaabot ako ng fifth month bago lumabas ang punyetang sakit na ito!"
Hindi nakasagot si Gryffin. Tinitigan lang siya ng asawa.
"It means may pagasa pa! Kung wala naman hindi ba dapat nawala na? Hindi ba dapat kinuha na sa atin? But still, it's here!" Nagtuloy-tuloy na ang luha ni Daniella nang kabigin siya ng asawa, "Gryff, baka may magagawa pa tayo..."
Napaupo silang dalawa sa sahig. She's crying again habang ang asawa ay tila may binubulong sa hangin.
H-He's praying, again.
"Can you tell Him to save our baby, Gryff?" aniya sa asawa. They're still on the floor, embracing at each other like a lifeline. "C-Can you ask Him to take my cyst away---"
"I did, Baby" Bulong ni Gryffin, "and I did surrender everything to Him, Ella. Ang sabi ko sa Kanya, lalaban tayo... gagawin natin lahat para mabuhay ang baby... but still may His will be done"
Napalabi siya, "P-Paano kung yung will Niya, mawala ang baby?" nagsisimula na naman siyang umiyak. "Paano yun, Gryff?"
"Look at me, Baby" masuyo nitong sinalubong ang mga mata niya, "Hindi ko rin alam ang gagawin ko kung iyon ang will Niya, but right now. I would do anything for you and our baby, mamahalin ko kayo hanggang sa abot ng makakaya ko. We could only hope for the best but when the worst happen..." Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya, "Hinding hindi kita iiwan"