Chapter Eleven

4.3K 172 28
                                    

"KAIN na!" Tawag niya sa lalaki na nakaupo sa sala at nanonood ng television. "Habang mainit pa"

Pinatay nito ang T.V at agad na pumunta sa hapag. "Woah, amoy pa lang nakakagutom na!"

"Mangan tamu!" She said using a Kapampangan dialect. "Hindi uso diet dito sa Pampanga"

Ngumiti lang ito at umupo na. Pinagsandukan niya ito ng kanin at naglagay ng sabaw sa mangkok. Pinagmasdan niya lang ang binata na kumain muna.

Hayy, baby.. kahit wala ka pa sa mundong ito. Nakikita mo na ba itong Papa mo? Sana magmana ka sa kanya!

Kung naririnig lang ni Gryffin ang sinasabi ng isip niya ay baka dalhin na siya nito sa mental. Saan ka naman nakakita ng babaeng kinakausap na ang magiging anak bago pa ito mabuo?

"Ang sarap!" bati ni Gryffin na napapikit pa sa asim ng sinigang, "Ganitong asim ang gusto ko sa sinigang. Hindi lang makuha kuha ni Anabeth--"

Anabeth? Ito yung ex-fiancé nito na umalis matapos hindi matuloy ang kasal nila nang dahil sa lindol.

"S-Sino si Anabeth?" patay malisya niyang tanong kahit alam naman niya ang sagot. "Girlfriend mo?"

Tumingin ito sa kanya, "Well, s-she was my fiancè"

Muntik mabulunan si Daniella! Hindi naman dahil sa sinabi nito, kundi dahil sinabi nito sa kanya ng walang pagaalinlangan.

"T-Talaga?" Like that she care. Sandali, hahanapin lang niya yung paki niya. "A-anong nangyari?" Aba, concern?

There's a hesistation in his eyes. Syempre naman, bakit naman nito kukuwento sa kanya hindi ba? Hindi naman sila close--

"She just left" he said.

Nanlaki ang mga mata ni Daniella. Hindi niya inaasahan na sasabihin nito. OMG! Close na ba sila?

"Iniwan ka?"

Tumango ito, "Lumindol kasi kaya hindi natuloy yung kasal namin. I tried to rearrange it again but she refused. Hindi daw talaga siguro oras pa para magpakasal kami."

"Alam ko.."

"Alam mo?" agad na tanong ni Gryffin! Ano ba, Ella?!

Hindi naman kasi talaga kayo ang ikakasal. Universe na ang nagsabi! Hihi

Nagpigil ng ngiti si Daniella. Nagmomoment yung tao tapos siya kinikilig pa rin!

"Ah, ang ibig kong sabihin.. Alam mo, naniniwala ako sa kasabihan na walang aksidente sa mundo. Lahat nakaplano, lahat may dahilan. Sabihin na natin na natural disaster ang lindol pero isipin mo na lang na may purpose yung nangyari, hindi mo alam baka hindi talaga siya ang para sa'yo or kung kayo naman, siguro pinapatatag lang kayo ng panahon..."

Okay, she preached again. Kay Abby niya lang nagagawa iyon. Speaking of Abby, kumusta kaya ang kaibigan?

She just went back to her senses nang dumapo muli ang kamay ng lalaki sa kamay niya! OMG!

"Thank you" he said, "It's been two years since I've talked about her. Hindi ko lang rin akalain na sa'yo pa of all the people"

She smiled, "What are friends for, hindi ba?"

Friends mo mukha mo, Daniella!

"I think you're right. Maybe everything happened for a reason, for a purpose" he said and looked at her intently, "Ngayon ko lang nakikita"

Gryffiiiiiiin!!!!

Kamatis. Iyon ang kulay ng pisngi ni Daniella ngayon. Kamatis!

Nang matapos kumain ay nagpahinga na rin ang binata. Ito naman si Daniella ay nasa loob ng silid, hindi mapuknat ang mga ngiti!

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon