NAKAPARADA sa labas ng apartment ang sasakyan ni Raven. Naabutan nila ni Gryffin iyon.
"Kailan pa kaya umuwi si Kuya?" Nagtatakang tanong ni Gryffin nang iparada naman nito ang sasakyan sa may kanto lamang.
It's already past midnight. Marahil tulog na ang mga ito. Masyado silang nagenjoy sa amusement park at hindi na nila napansin ang oras.
"Hatid na kita hanggang tapat" ani Gryffin, "Please?"
Makakahindi ba siya sa mukha nitong ang sarap kurutin? Hmp!
"Okay, pero huwag tayong maingay ha? Baka magising yung dalawa. Alam mo naman..."
"W-Why can't we tell them? I mean, hindi naman sila iba sa atin" he asked, halata sa mga mata nito ang pagkasabik na maipakilala siya sa lahat.
"Baby love naman, e" paglalambing niya rito, "Hindi ba napagusapan na natin ito? I'll just have to graduate, konting konti na lang at matatapos rin itong pagtatago natin"
He caressed her cheeks, "I just want them to know that you're already mine."
Shiiiit! "Hay, ang mahal ko!" niyakap niya ito, "Hindi lang naman ikaw ang nagaantay, mahal" aniya.
He pulled away and looked into her eyes, "What do you mean?"
"Basta!" Hinalikan niya ito sa pisngi at bumaba na ng sasakyan. Agad naman siyang sinundan ni Gryffin at hinawakan sa kamay.
"Thank you for this day, Ella" he said nang makarating sila sa gate ng apartment. "I never thought I'll be having that kind of fun again"
"Huh? Bakit naman, don't tell me hindi kayo namamasyal ni Anabeth noon?"
"Huwag mo na kasing ikumpara ang mayroon tayo sa mayroon kami ni Anabeth noon" Inipit nito ang buhok sa likod ng tainga niya, "dahil ibang iba"
He tilted her chin up and gave her a chaste kiss.
"Okay" Now that made her stop. Fine, kung iba pala 'edi iba! "I love you, Gryffin"
"I love you, too, Ella"
Nagpaalam na ito sa kanya at pumasok na rin siya sa loob ng apartment. Pinakinggan niya ang kaibigan kung tulog na pero mukhang may maingay pa sa loob ng silid nito.
Napatakip na lang siya sa bibig. Striktong patnubay ang kailangan! Damn, she'll just be sleeping with earphones on!
She was about to sleep when her phone beeped. Napangiti siya sa nagtext. Of course, it's Gryffin.
Gryffin:
I'm home. I love you!Daniella:
See you in my dreams! mwah!Gryffin:
I'll wait for youSiya na talaga! Nasa kanya na ang corona! Kinuha niya ang stuffed toy na napanalunan ni Gryffin kanina para sa kanya.
"Nak, ang saya saya ko" she said as if the stuffed pig was talking, "Sana palaging ganito, sana ganito muna kami.."
Kinabukasan ay wala na ang sasakyan ni Raven sa labas, maging si Abby ay wala rin. Hindi nagpaalam ang kaibigan sa kanya kaya naman pumasok siya ng magisa.
When she arrived at the hotel ay agad siyang hinarang ni Ma'am Evelyn. Bakit madaming tao? Bakit nagkakagulo?
"Where's Abby?" she asked, "Nasaan ang kaibigan mo?"
"Hindi ko po alam, Ma'am. Hindi pa kami nakakapagusap ulit"
"Ella, please" anito, "Huwag mo ng pagtakpan ang kaibigan mo. You need to tell me the truth"