Chapter Twenty-Seven

4.1K 143 6
                                    

ONE word to describe the photo was... was..

Sige, Ella. Kaya mo iyan!

Was.. controversial? Artista lang? Napahawak na lamang siya sa dibdib, nahirapan siya biglang huminga.

Iyon lang ang pumasok sa isip niya, hindi naman kasi siya kagalingan sa ingles, e. 

Binuksan ng babae ang pintuan at pinapasok siya sa loob ng Dean's office.

Nakatingin sa kanya ito ng masama habang hawak ang litrato na binigay ni Erika kanina.

"Sit down" diretso at malalim nitong pagkakasabi sa kanya. Umupo rin ito sa swivel chair at pinatong ang mga kamay sa mesa pagkuwa'y pinagsiklop ang mga kamay. "Can you explain what's on this photo?"

Napalunok si Daniella. Papano niyang ipapaliwanag kung hindi naman niya alam kung papaanong nangyari iyon!

"H-hindi ko po alam ang litrato na iyan" aniya, "Wala po akong ganyang litrato"

"Itinatanggi mong ikaw ang nasa litrato na iyan?" It wasn't actually a question. "But, unfortunately for you I still have a 20/20 vision"

Napalabi siya, "p-pero maari pong edited iyan! Uso na po ang photoshop ngayon, hindi ko po magagawa iyan!"

Sumandal ang dean sa swivel chair at tinawag ang sekritarya nito. "Let him in"

Binuksan nito ang pinto at tumambad sa kanya ang mukha ni Kevin. Nakangisi ito na nakatingin sa kanya.

"Have a sit, Mr. Makuntento"

Umupo naman ang walanghiyang lalaking pinaglihi marahil sa sama ng loob kaya ganito kafamewhore.

"Hon, are you okay?" Nagiba ang expresyon ng mukha nitong nilapitan siya at sinapo ang kanyang pisngi. "Huwag kang magalala, gagawan ko ng paraan" anito.

Paraan? Anong paraan ang sinasabi nito? Jeez! He's doing it on purpose!

Iniwas niya ang mukha rito at tinanggal ang mga kamay sa pisngi niya! "Huwag mo akong hawakan!"

"Both of you talk" ani ng Dean. "Magkarelasyon kayo?"

"Yes"

Napakunot ang noo ni Daniella, "No! Matagal na po kaming tapos! Dalawang taon na tayong tapos, Kevin!"

"Dalawang taon? So, matagal na itong litrato?"

"No, Dean." matigas niyang sambit, "Walang nangyari sa amin!" Tumingin siya sa lalaki na ang husay umarte!

"Ella, there's no point in denying. We have to face this together, huwag ka magalala at hindi kita papabayaan--"

"Huwag mo akong hahawakan!" sigaw niya sa lalaki at napatayo, "Ano ba ang laro mo, Kevin? Ano itong ginagawa mo?"

"Ms.Jallores, please sit down" ani Dean, "Kailangan natin pagusapan ang bagay na ito or else I'll expel you both!"

Nagtangis ang bagang ni Daniella at umupong muli. Gosh! What was happening?

"Are you denying that you are the woman, who's naked beside Mr.Makuntento?"

Napapikit siya sa galit. Huwag lang siya makakita ng ballpen o kung ano pang pwedeng ipangtusok, dahil baka kunin niya iyon at isasak na lamang kay Kevin.

"Yes" aniya, "I am 100% sure that I am not that woman"

Sumandal ang Dean at tinignan silang dalawa. Matalim na tinignan niya si Kevin, aba't ngumingisi pa ang loko!

"Well, then, to give you the benefit of doubt. We'll be raising this issue with the board members and we'll schedule a hearing" ani Dean, "Bring your lawyers if you must, because once you're guilty, Ms. Jallores, this is explusion. I'll hold your candidacy for graduation"

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon