Chapter Seven

4.7K 169 16
                                    

MAAGANG nagising si Daniella kinabukasan, hindi lang dahil sa maganda ang panaginip niya kundi hindi naman talaga siya nakatulog ng maayos dahil panay si Gryffin ang nasa isip niya.

She's bewitched!

Ngunit kahit na hindi nakatulog ng maaga ay maganda pa rin ang gising niya!

"All things bright and beautiful!" Aniya habang naguunat, agad siyang dumiretso sa banyo para nakapaghilamos man lang. Aba't syempre haharap siya sa kanyang mapapangasawa, hindi pwedeng mukha siyang chima-a.

Nang lumabas siya ay wala pang gising sa magkapatid na Delaverde. Ayos! Maipagluluto niya si Gryffin ng almusal.

Bahala na si Abby kay Sir Raven, tutal nagmamahalan naman sila! Hihi!

She turned on her music player and put on her earplugs. Sa pagtugtog pa lang ng kanta ay sumabay na ang balakang ni Daniella sa beat.

Elementary pa lang,
napapansin na nila
Mga gawi kong parang
hindi pambabae eh kasi
Imbes na chinese garter,
laruan ko ay teks at jolens
Tapos ka-jamming ko lagi noon
Mga sigang lalaki sa amin

"Nung ako'y mag high school ay napabarkada sa mga bi -- curious na babae na ang hanap din ay babae, sa halip na makeup kit, bitbit ko ay gitara" Tinaas niya ang mga kamay, "Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na T-shirt at faded na lonta"


Nagsalang siya sa kalan ng kawali at nilagyan ito ng mantika. Pagkatapos ay naghiwa siya ng bawang para makagawa ng fried rice.
 
"Pero noong nakilala kita, nagbagong bigla ang aking timpla.Natuto ako na magparebond at mag-ahit ng kilay at least once a month!" Buong puso niyang pagkanta, "Hindi ko alam kung anong meron ka na sa akin ay nagpalambot nang bigla, Sinong mag-aakalang lalake pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala!!"

She closed her eyes and put her hand on her chest, "Kahit ako'y titibo-tibo, puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo! Isang halik mo lamang, at ako ay tinatablan at ang aking pagkababae ay nabubuhayan... Na para bang bulaklak na namumukadkad dahil alaga mo sa dilig at katamtamang sikat ng araw-araw mong pag-ibig, sa 'king buhay nagpapasarap!"

She really love the song! Hindi man tugmang tugma sa lovestory niya pero ang laki naman talaga ng nabago sa kanya simula ng maging crush niya ang professor.

Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
Isang halik mo lamang, at ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
Sa 'king buhay nagpapasarap

Patuloy lang siya sa pagkanta, at nang matapos ang niluluto ay naghanda na siya sa la mesa para naman paglabas ng sinisinta ay handa na ang almusal nito!

"...Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang sikat ng araw-araw mong pag-ibig sa 'king buhay nagpapasarap" Awit niyang muli nang bigla siyang nagulat nang nasa likod na pala niya ang kanina pa inaantay!

Nakakahiya!

"Sir!" singhap niya at tinanggal ang earplugs, "este, Gryffin!"

He was already smiling, "Good morning" he greeted her with a raspy voice. Bagong gising pero ang gwapo gwapo na!

Hustisya naman!

"G-Good morning, kain ka na!" aniya, "gigisingin ko na rin si Abby, yung Kuya mo?"

"Tulog pa. Late nang nakatulog, e" umupo ito sa harapan ng mesa, "Sabayan mo na lang ako, sila na ni Abby ang magsabay"

Tumango naman siya at umupo sa tapat nito. "Kape?"

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon