"A-ANONG ginagawa niyo rito?" tanong niya sa tatlong kaibigan sa school. "Napadaan kayo?"
"Nagpunta kami sa hotel na pinagwoworkan mo" sabi ni Jessica, "Nagmeryenda lang kami, masarap pala ang pagkain doon!"
"Oo nga, pero bakit wala ka doon? Off mo ba?"
Umiling siya, "H-hindi, nagresign na ako" pagamin niya.
"Lilipat ka na ba?" tanong ni Monica, "Nasaan pala yung bestfriend mo?"
"Si Ate Abby!" ani Erika, "Oo nga,nasaan na iyon?"
"Umuwi na sa probinsya" tipid niyang sagot.
"Bakit ka ba nakahawak sa puson mo?" Biglang tanong ni Jessica, "Meron ka ba?"
"Ah, wala" aniya, "magkakaroon pa lang yata"
Tumango naman ang mga ito at nagsikain ng palabok na dala ni Gryffin. Lumilipad pa rin ang isip niya, nakakainis! Iyon na yun, eh!
Mga istorbo.
"Saan galing ito? Ang sarap!" ani Monica, "Hindi ba?"
"Oo nga!"
Napakamot siya sa pisngi, "Luto iyan ng nanay ng nobyo ni Abby" That's not a lie! "Pasensya na, ha? Kung magulo yung bahay. Naglilinis kasi ako"
"Tulungan ka na namin!"
"Hindi na!" Pigil niya sa mga ito. Nagpaypay siya ng sarili, nainitan siyang bigla. "A-Ano kasi, aalis na rin naman ako. Pupuntahan ko si Abby"
"Paano ka pala papasok?" tanong ni Jessica, "May bedspace sa dorm ko, baka gusto mo"
"Tsaka na lang natin pagusapan, masama rin kasi pakiramdam ko. Baka maligo lang ko tapos babyahe na rin"
"Okay, sige hindi na rin kami magtatagal" sabi ni Erika, "Binisita ka lang talaga namin, syempre, worried pa rin kami sa'yo dahil sa pinagsasabi mo nung nakaraang araw"
"Kanino iyang jacket?" tanong ni Monica, "Panglalaki, ha"
Hala! Jacket ni Gryffin iyon!
"Oo nga, at itong sapatos" turo naman ni Jessica, "May tao ba sa silid mo?"
"Wala!" agad niyang sagot, "Ano iyan, s-sa nobyo ni Abby!" Tama! Good reason! "Naiwan lang rito, itatabi ko nga para kapag hinanap, maibigay ko agad"
"Ah, akala ko may lalaki ka diyan sa silid mo tapos nagagawa kayo ng milagro" nagtawanan sila sa sinabi ni Erika.
Maging siya nakitawa para hindi obvious! "Ah ha ha ha! Grabe, ako pa ba? ha ha ha"
Ang plastic ng tawa mo, Ella!
"Oh, siya, we'll go ahead para naman makapagpahinga ka" ani Monica, "Attend ka sa rehearsals, ha!"
"Oo naman" nang lumabas na ang mga ito ay tsaka naman lumabas si Gryffin sa silid. Nakabihis na ito.
Hmpf! Sayang naman!
"Nakaalis na sila?"
Tumango siya, "Oo" Tara na tuloy na natin-- bad, Ella! "Tatapusin ko lang ito at dadaan pa pala ako sa abugado ni Abby"
"Alright, maligo ka na. Ito na lang ba ang ipapasok sa kahon?"
"Oo"
"Go ahead, ako na ang bahala rito" he said and started packing. Okay, so he's just cool. Dapat cool lang rin siya!
Nang makasakay na sila sa sasakyan ay hindi niya napigilan ang sarili na magsalita. Nakakabother kasi!
"About sa nangyari kanina---"
