A WEEK.
She asked for a week to prepare bago nila sabihin sa pamilya ni Gryffin ang planong magpakasal. Ulit.
How to be the ideal wife for a man like Gryffin Mackenzie Martinez Delaverde?
Kahit siguro si Google ay hindi masasabi kung papaano lalo na hindi naman nito kilala si Gryffin, and also, ano nga ba ang ideal wife para kay Gryffin?
She doesn't even know what, so how could she answer how?
Ang hirap!
Ah! Kung hindi alam ni Google, baka sakaling alam naman ni Youtube!
So, how to be an ideal woman. Enter.
Pinanood niya ang isang video ng babaeng elite, kung saan may five steps daw ito kung papaano maging ideal woman.
Walanghiya! Step number one pa lang yata ay hindi na niya magawa. What's step number one? Wardrobe.
Pangit ba yung mga damit niya? Hmm, decent naman pero hindi pasok sa ideal class. Fresh from Divi at 168 pa ang mga damit niya.
Jusko! Hindi ko pinroblema ito noon! I loooooveee Divi!
Totoo naman iyon! Maraming magaganda sa Divi na damit at mura pa! Mura na, nauutang pa -- kung suki ka!
But then, she's not just Daniella Alexis Jallores, anymore. She's already Daniella Alexis Jallores - Delaverde!
She's Mrs.Gryffin Mackenzie Delaverde!
And she can't let him down. Not his name. Papaano na lang kung ipakilala siya nito sa pamilya at mga kaibigan tapos ganito ang itsura niya?
Anong sasabihin nila? Na mas maganda si Chakadoll sa kanya? No way highway!
Huminga siya nang malalim. Okay, if one way to be an ideal woman was to change her wardrobe, then, so be it!
For once, bibili siya ng damit na signatured at hindi class A. Magkano pa ba ang pera niya? Makautang kaya siya sa asawa kahit dalawang libo?
Oo nga! Bakit ba hindi siya manghingi rito? Ang ito'y kanya rin! Tsaka, para din naman sa asawa ang gagawin niya.
Lumabas siya ng silid at nakita ito na nakaupo sa sala at nanonood sa sports channel. Lumapit siya rito na parang batang maamo na manghihingi ng pera pambili ng candy.
"Ella?" tawag sa kanya nang makita siya, "What are you doing there? Halika rito, tabihan mo ako.." nilahad nito ang kamay pagkuwa'y hinila siya papalapit.
She landed on his lap. Pasimpleng landi ng asawa sa kanya. Hmpf! Cutie.
"Ah, Gryffin.." she sighed and bit her lips, "M-May itatanong lang sana ako," aniya.
"Hmm, what is it?" ang baba nito ay nasa balikat niya, habang nakakulong siya sa bisig nito ngunit ang mga kamay ay sadyang malikot at kung saan-saan dumadapo.
"Okay lang ba na bilihan mo ako ng bagong damit?" She said almost whispering, hindi talaga niya mauulit ang sinabi kung hindi marinig ni Gryffin.
"Sure, ano ba ang gusto mo?" Nasa loob na ng damit niya ang kamay nito at hinihimas ang kanyang tiyan. "Saan mo gagamitin?"
"Y-Yung..." pang ideal woman.. "M-May nakita kasi ako sa mall, a-ang ganda lang" she bit her lip, hindi niya masabi na para rito dahil alam niyang sasabihin ni Gryffin na okay lang na huwag siyang magbago ng pananamit.
But, she wanted too! Isa pa, hindi naman kasi ang asawa ang haharap sa mga tao kundi siya.
"Okay" he smiled and kissed her jaws pagkuwa'y pinosition siyang parang baby, "Sa mall na rin tayo magdinner mamaya," bulong nito, "Gusto mo nanood ng sine?"