"HINDI ka na namin matsempuhan, Daniella" ani Jessica habang nagaantay sila ng pagpasok ni Ms.Oheda. "This month parang lagi kang nawawala."
"Oo nga" pagsangayon ni Erika, "Ano ba pinagkakaabalahan mo?"
"May boyfriend na iyan" Nagulat siya sa sinabi ni Monica, "Akala mo hindi ko alam?"
Hala! Nahuli ba siya nito na kausap si Gryffin? Nahuli ba siya ng mga ito na kausap ito sa telephono? Patay! Baka magsumbong ito sa Dean!
"Nakakatampo ka, Ella" anito, "Of all people, sa amin ka pa naglihim? Hindi porket matanda ka sa amin ay maiisahan mo kami"
"What are you talking about Monica?" nagtatakang tanong ni Erika, "May boyfriend na si Ella?"
"Yes"
What the hell!
"Nagkabalikan na kayo ni Kevin?" Jessica asked. Umiling naman siya. "So, sino ang boyfriend mo?"
"Huwag mong antayin na ako pa ang magsabi!"
She bit her lowerlip, she's cornered!
"Sino!"
"Si Gryffin!" aniya. What the fuck! Bakit niya sinabi? Patay! Patay! Patay!
Kumalma ang expresyon sa mukha ng mga kaibigan. "Okay"
Sandali, okay lang sa kanila?
"Pa-check up na kaya natin si Ella?" Bulong ni Erika sa dalawa, "Mahirap na iyan, nababaliw na yata siya"
"Oo nga, e" ani naman Jessica, "Naawa na nga ako"
Humarap sa kanya ang tatlo, "Ella, punta tayo kay Ma'am Diaz? Matutulungan ka doon"
Ma'am Diaz? Iyon ang school psychologist! "Hindi ako baliw!"
Nagsinghapan ang mga ito, "Ella naman, e" ani Monica, "Alam kong gustong gusto mo si Sir pero below the belt na iyan!"
"Ano bang pinagsasabi niyo?"
"Ella, pagusapan natin ang problema mo" ani naman ni Jessica, "Hindi solusyon ang --"
Oh shit, hindi sa kanya naniniwala ang mga ito! That's kind of good?
"S-Salamat" aniya. Mabuti nang hindi naniniwala ang mga ito. Ligtas siya!
"Ella, sino yung nakakatext mo?" tanong ni Monica, "Yung mga bulaklak at origami? Kanino galing iyon?"
"K-Kay Gryffin?"
Bigla siyang niyakap ng mga ito,tila awang-awa. "Hindi ka namin iiwan, Ella. Huwag kang magalala. Nandito kami para sa'yo ha? Nandito kami"
Hindi talaga siya pinaniniwalaan! Now that's starting to bother her. Hindi ba talaga siya mukhang papatulan o tatapunan ng tingin ng isang Gryffin Delaverde?
Itong mga batang 'to! Kung hindi lang siya bente sais anyos ay aawayin niya ang mga ito.
"Ella, saan ka pupunta?" Puna ni Jessica pagkatapos ng class kay Ms.Oheda, "Uuwi ka na?"
"Ah, oo" isa lang naman kasi ang subject niya, "B-Bakit?"
"Hatid ka na namin!" Ani Erika, "Tara?"
"Oo nga!" pagsangayon naman ng dalawa.
Hala! Hindi pwede. "Ayos lang ako girls, kayo naman parang hindi ako kilala"
"Nagaalala lang naman kami, mamaya may ibang makarinig ng sinasabi mo. Mapahamak ka pa at yung tao!" Monica has a point. "Atin atin lang ang sinabi mo, ha?"
"Okay" aniya. "Alis na ako"
"Ingat ka"
Nagmamadali siyang umikot at umalis. Nang biglang may humatak sa kanya papasok ng maintenance room.
"Gryffin!"
"Shh!" takip nito sa bibig niya pagkuwa'y ngumiti, "I missed you" sabay halik sa labi niya.
Impit siyang napaungol sa sensasyon na naramdaman! Damn, nanlambot na naman ang tuhod niya!
"I really love seeing your face after I kissed you" Bulong nito sa kanya.
Hindi akalain ni Daniella na ang maintenance room ay maari pa lang maging romantic na lugar para maghalikan.
Ang sherep sherep!
"Ikaw talaga, baka may makakita sa atin dito!" Bulong niya habang ang mga kamay ay nakapulupot sa leeg ng lalaki.
Sinandal siya nito sa dingding at muling hinalikan. Jeskelerd!
"Meet me at the corner lot, I'll pick you up there" anito sa kanya at muling hinalikan siya ng napakabanayad! "You're so beautiful"
Tangina naman, oh!
Oops! Minsan lang lumabas sa bibig niya ang salita na ganun pero tangina naman talaga kasi, e! Ewan lang niya kung baliw pa ang isipin sa kanya ng mga kaibigan kung makita sila ng mga ito na nagtutukaan sa loob ng maintenance room.
Ha! Sabagay, sino ba ang hindi mababaliw sa ginagawa ni Gryffin sa kanya? Partida, first day pa lang nila as boyfriend at girlfriend!
She chuckled with the thought. Girlfriend na siya nito!
Naunang lumabas si Gryffin sa maintenance room at dadaan muna sandali sa faculty para kunin ang mga gamit nito.
Mga limang minuto bago siya lumabas para kitain ito kung saan siya binababa kapag hinahatid siya nito sa school.
"Ella" Napalingon siya sa tumawag sa kanya, "H-How are you?"
Oh, "What do you want, Kevin?" tanong niya at nagpatuloy sa paglalakad. "Tapos ka na ba sa trip mo sa buhay?"
"Ella, naman.. kausapin mo naman kasi ako ng matino. I really missed you, please, ayusin na kasi natin ito" pagmamakaawa nito habang sinusundan siya.
"Kevin, please" hinarap na niya ito, "Tigilan mo nga ako. Natauhan na ako, okay na yung tatlong beses na ginago mo ako ng harapharapan"
She turned her back on him when he shouted her name. Paglingon niya pabalik rito ay nakaluhod na ito!
"Mahal na mahal pa rin kita!" sigaw nito na umagaw ng atensyon ng mga ibang studyante, "I am so lost without you, Baby. Nagkamali ako, kailangan kita!"
Napatingin siya sa mga studyante na nagkumpulan at pumabilog sa kanila. Then someone handed him a bluetooth microphone, nagplay ang theme song nila noon!
"Minamasdan kita, nang hindi mo alam,pinapangarap kong ikaw ay akin" nakaluhod pa rin ito at pilit na kinukumbinsi ang sariling kaboses niya si Ronnie Liang.
"Mapupulang labi at matinkad mong ngiti, umaabot hanggang sa langit. Huwag ka lang titingin sa akin at baka matunaw ang puso kong sabik" Tumayo na ito at lumapit sa kanya, hinawakan nito ang kamay niya at muling lumuhod, "Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling at sa tuwing ikaw ay gagalaw, ang mundo ko'y tumitigil. Para lang sa'yo, ang awit ng aking puso. Sana'y mapansin mo rin, ang lihim kong pagtingin"
Nagpalakpakan ang mga studyante kay Kevin. Napapailing na lang siya sa kalokohan ng lalaking ito.
Noon siguro ay kikiligin siya pero ngayon.. hindi na.
"Pumayag ka na!" sigaw ng isang babae na parang uod kung kiligin, "Dali na!"
"Oo nga, maawa ka naman, oh!"
Aba, kunsensya pa pala niya, ha?
"Yes! Yes! Yes" Wow! Hindi naman sila nakakapressure, ano?
"What's happening in here?" Lahat ng studyante ay napalingon sa isang malakas at malalim na tinig. Parang si Moses sa Bibilya ito na hinati ang tubig dagat sa gitna dahil ang mga studyante ay kusang nahati para bigyan ito ng daan makalakad papalapit sa kanila.
Uh-oh... Boyfriend alert!
"S-Sir.." Hindi niya alam ano ang sasabihin. Nagtangis lang ang bagang nito kay Kevin!
"Get back to class!" Sigaw nito na kinatakot ng lahat maging siya. "Including you"
Patay!
![](https://img.wattpad.com/cover/140776607-288-k806007.jpg)