PINARADA ni Gryffin ang sasakyan sa tapat ng isang bungalow house. It's small but still homey.
Hindi pa nakikita ni Daniella ang loob pero parang ang gaan-gaan na ng pakiramdam niya pagkababa ng sasakyan.
She just stood there infront of the gate. Narinig niya ang lock ng sasakyan ni Gryffin pagkuwa'y hinawakan ang kamay niya.
"Let's go?" anito sa kanya ngunit nang hihilain na siya nito papasok ay bumitaw siya sa mga kamay nito.
"A-are you sure na okay lang ako diyan?" She asked. "Kanino ba kasi iyang bahay? Wala akong pambayad sa ganyang kagandang bahay"
Yes, it may be small but it's really beautiful. Yung tipong nakikita sa mga magazines at model houses!
"This is my house, Ella" ani Gryffin sa kanya, "Halika na, malamok rito sa labas"
Hindi na siya nagpapigil nang marinig na kay Gryffin ito. Sandali, hindi ba siya nakatira doon sa mansion ng Mommy niya?
"I-iyo ito? Kailan pa?"
"Two months ago" sagot nito sa kanya pagkuwa'y nilapag ang bagpack niya sa platera pagkuwa'y dumiretso sa kusina na tanaw mula sa front door. "Kakabili ko lang nito, kaya makalat pa"
Makalat? Makalat pa ito ng ganitong lagay! Sus, kumusta naman ang kalat na palagi niyang nakikita noon sa Hotel Martinez, hindi ba?
"What's that?" turo niya sa hagdan. Akala ba niya bungalow ito?
May dalang baso si Gryffin na may lamang tubig nang bumalik sa kanya. "That's an attic. You wanna see?"
Syempre naman! "S-Sige"
Nang makaakyat ay tila nabilib si Daniella sa nakita. It's an attic with a fiber glass window on the roof! Pwedeng pwede mag stargazing!
Sa dingding naman ay may mga litrato na nakadikit. Wait a minute-- ito ang mga kuha nito sa Casa! Hey, nandoon din ang mga litrato niya sa beach!
"Wow... para kang may exhibit rito" she murmured, "Kung hindi kita boyfriend, iisipin ko na stalker ka! Those were my photos, you printed it without my consent!"
Inakbayan siya ng lalaki, "It's beautiful. Dito ako tumatambay kapag inaaway mo ako noon" he kid aside, nasiko niya tuloy. "Ouch!"
"Uy, bakit may kuston rito?" turo niya. "Natutulog ka rito?"
Umiling ito, "Humihiga lang pero hindi ako natutulog rito. Mainit kasi kapag umaga, lalagyan ko pa lang ng blinds iyan"
"Did you designed this?" she asked, "ang ganda kasi"
"Yep, iba kasi sa feeling kapag ikaw ang nagdesign ng bahay. This is my dream house, you know" kwento nito sa kanya pagkuwa'y hinila siya sa kutson para maupo. "Akala nga ni Mommy kung saan saan ko ginagastos ang savings ko, then when she saw this house, naiyak na lang siya. Pagpapamilya agad ang naisip niya noong nakita niya ito, she thought I wouldn't be able to think about settling down after what Anabeth did"
"So, you're thinking of settling down?" tanong niya rito habang nakatingala sa langit. "Dito mo ba ititira ang magiging asawa't mga anak mo?"
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo naman, ang ganda ganda kaya! Simple lang pero---" natigilan siya bigla at napatingin rito, "What do you mean?"
"Nagustuhan mo ba yung bahay?" he asked, "Because I am going to marry you, Ella"
"A-Are you proposing to me?" Hindi makapaniwalang sambit niya.
"Kapag handa ka na, mukha kasing hindi pa" Tugon naman ng nobyo at kinuha ang kamay niya't hinalikan iyon "You still don't trust me enough, Ella"