"ATE ELLA?" Natigilan siya. "Where are you going?"
Si Huffle, and she's smoking.
Agad nitong binuga ang usok at tinapon ang sigarilyo pagkuwa'y inapakan ito.
"Saan ka pupunta?" lapit nito kanya habang nagpapahid ng rubbing alcohol sa kamay. "Are you okay?"
Umiling siya, she just wanted... out.
Out of the place, out of this area.
"Huwag mo akong isusumbong kila Kuya, magagalit iyon. Hindi nila alam ito.." She was pertaining to her vice.
Then, they heard Anabeth's voice giggling on the balcony at kasama na nito ang asawa niya. Hindi man lang siya hinanap nito! Hmpf!
"Don't worry, I hate her, too" anito sa kanya. "You think I didn't know?"
"Know what?"
She sighed, "You're jealous"
Bumagsak ang balikat niya. She's not just jealous, she feels... insecure. Yes, that's the word -- insecure.
"W-Why do you hate her?" Too?
Sumimsim ito ng champagne at napabuntong hininga rin. "Let's go" aya nito, "Doon tayo sa garden, let's have a walk"
Tumango siya. Mabuti na rin siguro iyon kaysa sa umuwing magisa dahil maliban sa magaalala ang asawa ay hindi naman siya mapapakali.
"So, gaano na kayo katagal ni Kuya?" tanong ni Huffle habang naglalakad sila.
Nagbilang siya sa isip, "Almost four months" Dalawang buwan magnobyo at magdadalawang buwang kasal.
"Interesting" she said, "Sana ay tumagal kayo ni Kuya"
They will. She would make sure of it. Till death do they part nga, 'di ba?
"Mas gusto kita kay Anabeth" sambit agad nito, "Not because I hate her, but because I could see something in your eyes..."
Her brows furrowed, "Something like?"
"Genuineness" sagot nito, "The way you look at my brother, para siyang icing sa ibabaw ng cupcake mo" humagikhik ito. Kinantahan pa siya, e!
Napangiti na rin siya, infairness naman. Benta!
"Hindi ba't naging girlfriend ni Gryffin si Anabeth? And they were almost married,lumindol nga lang.."
Tumango si Huffle, "Yes, mabuti nga at lumindol" anito sa kanya pagkuwa'y tumigil sila sa may bench at umupo.
Mabuti? Bakit naman? "Why do you say so?"
Tinignan siya ni Huffle, "Kasi kung hindi, natuloy sana yung kasal" she said, "Hindi nakita nila Kuya iyon pero ako, kitang kita ko ang purpose nang araw na iyon"
Purpose? Mas lalo siyang naguluhan.
"Isipin mo, lindol iyon. Nang dahil sa lindol, iniwan siya ni Anabeth na parang walang kasal na magaganap" paliwanag nito sa kanya.
Precisely, lindol na iyon, e! Alangan naman ituloy nila sa mismong araw na iyon, papaano naman ang mga bisita?
"Dahil ba doon nagalit ka kay Anabeth?" She asked. "Kasi hindi natuloy ang kasal nang dahil sa lindol?"
Umiling ito, "No"
Then what?
"Nagalit ako kasi iniwan niya si Kuya nang dahil sa lumindol lang" Tinignan siya nito ng mataimtim, "Nagalit ako kasi, papaano pala kung napakasal sila tapos dumating sila sa isang pagsubok na kasing tindi ng lindol? Ganun din ba ang gagawin niya kay Kuya? Iiwan na lang at hahayaan lamunin ng lupa?"