Chapter Forty-Nine

5.4K 164 1
                                    

"GOOD morning, Ma'am! Nandiyan po ba si Sir Gryffin?" Dalawang dalagang babae at isang lalaki ang nasa labas ng gate nila ngayon.

They are wearing white uniforms, mga med students siguro.

"Oo, sino kayo?" She asked.

Ngumiti ang tatlo, "Ako po si Ushley at sila naman po si Maymay at Micheal" anito, "Psychology students po kami sa dating university na pinagtuturuan ni Sir Gryffin, alam na rin po niya na darating kami, you must be his wife?"

"Ah, Oo.." Hindi kasi niya alam na Psych students pala, akala niya physics major. "Nabanggit nga niya sa akin, para daw sa thesis?"

"Opo"

Binuksan ni Daniella ang gate, "pasok kayo, halika. Nasa loob lang si Gryffin"

Ngumiti ito, "Salamat po" ani Ushley, "Malaki na rin po ang tiyan ninyo, ilang buwan na po?"

"Nako, nine months na! Ilang araw na lang at puputok na ito" She chuckled, natawa rin naman ang tatlong studyante habang papasok ng bahay. "Mahal, nandito na ang mga studyante mo noon.."

"Ushley, Mamay, Micheal, pasensya na at ngayon ko lang kayo naentertain, nagsunod-sunod kasi ang shooting " Sakto naman na lumabas ito ng silid at nilapitan ang mga studyante.

"Manay Letty, tulungan mo akong maghanda ng makakain ng mga bata" Tawag niya sa bagong kasambahay, kumuha na si Gryffin para sa kanya, hindi na kasi siya pupuwedeng magkikilos kilos lalo na malapit na siyang manganak.

Retired midwife si Manay Letty, naging client kasi ni Gryffin ang kaibigan ni Manay, at doon sila nagkakilala. Napagalaman na biyuda ito at ang mga anak ay may kanya-kanya na ring buhay kaya kaysa nasa bahay lang ay mas gusto nitong nagtratrabaho pa rin kaya naman tinanggap nito ang trabaho sa kanila.

Okay din, para siyang nagkaroon ng nanay na tropa - combined!

"Hey" pinulupot ni Gryffin ang braso sa bewang niya at hinalikan ang kanyang balikat, "Anong ginagawa mo rito? Dapat nagpapahinga ka, hayaan mo na si Manay Letty diyan"

"Oo nga, Ma'am--"

"Manay naman, e.. hindi po ba sabi ko Ella na lang po ang itawag niyo sa akin?" sambit niya sa matanda, "Kahit po kapag nasa labas na lang, pero pag dito sa bahay, Ella na lang po.."

"Sige na, Manay" Pinatong ni Gryffin ang baba sa balikat niya at mas humigpit ang yakap sa kanya, "Pagbigyan niyo na si buntis, baka mapaanak ng hindi oras--ouch" siniko niya ito.

Tumawa lang ang matanda sa kanila.

"Let's go.." hinatak siya ng asawa papalabas ng kusina.

"Sandali, saan tayo pupunta?"

"Kailangan tayo sa sala, interview kasi ito" Sambit ni Gryffin pagkuwa'y inalalayan siyang maupo sa may sofa.

Nandoon na ang mga bata ang nagset-up na ng materials nila.

"Tungkol saan ba ang thesis ninyo?" She asked, aba syempre naman para alam niya ang isasagot niya. Mamaya about pala sa physics o psychology, not her field.

"Tungkol po sa mga bagong kasal na nakaranas na ng matinding pagsubok at hindi nagpatinag doon. We wanted to know what made you stay together, lalo na po uso naman na sa generation ngayon ang annulment or legal separation"

Napatingin si Daniella sa asawa na nakatingin na rin sa kanya. He was smiling at her, kaya naman sinuklian niya rin iyon ng ngiti.

Hmm, what made her stay? Tama ba ang tanong ng bata sa kanya? Or should she say what made her go back to him?

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon