Chapter Five

5.3K 166 13
                                    

"KUMUSTA naman ang book review ninyo?" Tanong ni Sir Gryffin sa kanila. Hayy, paano ba sila naging magkapatid ni Sir Raven? Kung sabagay, pareho silang gwapo pero mas tipo niya ang mga kagaya nito.

Studious. Steady. Supreme.

Hala? Saan na naman niya nakukuha ang mga salita? "Anyone wants to share their reflections?"

Walang nagtaas ng kamay sa kanila, lahat yata busy sa pagtitig rito.

Go, Sir! Salita ka lang, let me watch you

Nakakakilig! Ito na yata ang the best week ni Daniella. Sadly, matatapos na rin ito. Hayy, pwede bang magextend si Sir?

"Sir, pwede magtanong?" taas kamay ng isa nilang kaklase na si Heidi.

Si Heidi-papatalo. Heidi-papahuli. Heidi-na nakakatuwa. Heidi-nakakatulong. Si Heidi,the pet peeve.

"Yes?"

"May girlfriend na po ba kayo?" Wow! Just wow! Heidi lang pala bidabida,chismosa pa!

Tumawa si Sir Gryffin, gosh! Pwede bang ulit-ulitin yung tanong? May girlfriend ka na ba? May girlfriend ka na ba? May girlfriend ka na ba? May girlfriend ka na ba?

Para lang tumawa ito ulit nang ganoon.

"I prefer not to discuss my personal life inside this class" he said while smiling. How could he be so professional?

"Sir, ganito na lang po!" See? Heidi talaga papatalo! "What book portrays or would portray your lovelife?"

He smiled, again. Lakas makashowbiz! Wala talagang sagot!

"Or, if you would give a title to your lovelife - what would it be?" Heidi na yata makakapagpigil si Daniella sa kakalse, napakakulit!

"Beautiful Disaster"

Napatingin siya sa lalaki. Beautiful Disaster? Kailan pa naging beautiful ang disaster? At bakit disaster?

Nagkatinginan silang magkakaibigan, dahil siguro iyon sa lindol tapos iniwan siya ng fiancé niya! Kung ganun, paano naging beautiful iyon?

"Okay, tama na ang interview sa akin. Ako naman ang magtatanong, let me see kung talagang kayo ang nagbasa or pinagawa lang ninyo"

Walang nagsipag-react. Mukhang maraming guilty! But, hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ng lalaki.

Paano naging beautiful ang bagay na iyon? Anyway, bahala na nga!

Mas magiging beautiful ang buhay mo, Sir kapag nakilala mo na ako..

Natapos ang isang linggo, so it means, goodbye Sir Gryffin na rin. Hindi rin siya nakapagsit-in sa klase nito dahil nagbakasyon daw kasama ang pamilya.

Look? He's a family-oriented, guy! One point na naman!

So, weeks passed by. Ang dami nang nangyari sa lovelife ng kaibigang si Abby pero yung kanya, napakakupad pa rin!

Wala na rin siyang natanggap na kahit na anong balita sa sinisinta dahil madalas niya itong hindi maabutan sa faculty. Nang itanong niya ay may research paper daw itong inaasikaso.

Busy pala talaga ito pero nagawang mag-substitute kay Ms.Oheda for one week? What a good man, right? Another one point, again!

Nasa locker room siya ngayon sa trabaho nang tawagin siya ni Ma'am Evelyn.

"Sir Raven wanted to talk with Abby, have you seen her?"

Napakamot siya sa ulo, "Naglunch out na po, Ma'am" aniya, "Hi, Sir!"

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon