"MAGIINGAT kayo sa paguwi, ha?" Bilin ni Nanay Bonnie sa kanya, "Salamat sa pagbibigay oras, anak"
"Ano ka ba naman, Nay" aniya, "Ako nga po itong nahihiya. Kung hindi pa magkakasakit ang Tatay hindi pa ako uuwi"
"Basta lagi kang magiingat, anak. Ang importante lang naman sa amin ng Nanay mo ay yung nasa mabuti kang kalagayan" he said and embraced her tightly.
"Maraming salamat po sa lahat ng pauwi niyo para sa pamilya ko, Tinay at Tay" ani Gryffin, "Matutuwa po ang Nanay ko sa mga tocino na ito"
"Walang anuman, Hijo" ngumiti ang ama rito, "Sana ay hindi ito ang huli mong pagbisita rito"
"I will make sure of that, Tay" niyakap nito ang magulang niya.
Nang makawala ito ay siya naman ang niyakap ng magulang. Hanggang sa hinawakan siya ng ina sa mga kamay.
"Ella, alang matsura na hangaan me ing isang tao pero eme kakalingwan ing sarili mu. Manyaman ing lulugud peru dapat balu mu kung hanggang kapilan. Balu mu dapat kung kapilan ka lumaban at kung kapilan ka umatras, uling minsan, ali keng paglaban mu asukat ing lugud, minsan dahil keng pagpaparaya din."
Nagkatinginan silang dalawa magina sa mata. "Kaluguran daka" dagdag pa nito. Niyakap niyang muli nang mahigpit ang ina pagkuwa'y nagpaalam na.
Habang nasa daan sila ni Gryffin ay tahimik lamang siya. Hindi pa rin kasi sumasagi ng tuluyan sa isip niya ang mga nangyari, kung totoo ba o panaginip lang.
Everything feels surreal, lalo na kagabi, pagkatapos ng sayawan ay nagkatinginan lamang sila ng binata. Maybe no words could express or explain what they had last night.
"Nagugutom ka ba?" Basag katahimikan ni Gryffin sa pagitan nila, "We could stop by to a drive thru, or pwede din naman tayo tumigil sandali sa kainan"
"H-Hindi pa naman ako gutom, ikaw ba?"
Umiling ito, "Ikaw lang ang inaalala ko"
Ngumiti na lang siya. Hindi niya kasi alam kung ano ba ang mararamdaman. Noon naman, simpleng pagtingin lang nito ay tinalo pa niya ang tinamaan ng kidlat o nakuryente sa kilig.
Ngunit ngayon, pagkatapos kagabi, hindi na niya alam. Hindi na niya alam dahil hindi na lang ito basta paghanga, she's not familiar with this feeling now.
Before, it's just butterflies in her stomach. Ngayon, pati puso niya ay parang binabatak sa sakit. Binabatak kasi minuminuto ay may sumisiksik na dahilan para lumalim ang pagtingin sa lalaki.
Before, everything was just slow mo. Yung tipong dalawang tao lang sila sa mundo pero ngayon, tila nagfast-forward ang lahat. Hindi lang sila ang nakikita niya, kundi ang pangarap na kinabukasan kasama ito.
"Pwedeng magtanong?" He asked, pangbasag muli ng katahimikan. "A-ano yung sinabi ni Tinay sa'yo?"
Oo nga pala, isa pa iyon, yung sinabi ng ina.
It's just amazing how mother's could know what the right words to say. Tila may kakayahan sila na magbasa ng laman ng isip ng anak, na dinaig pa ang nagaral ng Psychology dahil alam na alam nila ang ibig sabihin ng bawat galaw ng anak.
Now, her mother's word just played again in her mind.
"Alang matsura na hangaan me ing isang tao pero eme kakalingwan ing sarili mu?" Woah, natandaan ni Gryffin iyon?
"Ang ibig sabihin niyon ay---" Walang masama na humanga sa isang tao pero huwag mong kalimutan ang sarili mo, "---Huwag ko daw papabayaan ang sarili ko"
"Manyaman ing lulugud peru dapat balu mu kung hanggang kapilan..." Yung totoo, anong utak meron ang lalaking ito?
"Ang meaning nun ay---" Masarap magmahal pero dapat alam mo kung hanggang saan, "---Dapat alam ko ang limitasyon ko"