"JALLORES, Daniella Alexis C. , Bachelor of Arts in Hotel and Restaurant Administration!"
Napatayo si Gryffin sa kinauupuan at pumapalpak ng buong galak habang pinapanood ang asawa na umakyat sa entablado kasama ang magulang nito para kunin ang diploma.
She's the most beautiful woman in this hall.
A special ceremony was given to her this day. Dapat talaga ay graduation ito ng College of Engineering and Architecture pero sinabay siya at binigyan ng sariling moment para makuha ang diploma.
And to make it really special, she was given the chance to give the inspirational talk.
He seated and listened to his wife.
"I know how this institution values the English language, but I hope you don't mind Dean Argus kung magtatagalog ako?" Nagpalakpakan ang mga graduates sa introduction nito.
He chuckled. See? See how his wife surprise him! Hindi lang siya ang nagagawa itong patawanin kundi lahat. She could turn a heavy ambiance into lighter one.
She sighed and let out a smile, "Sa labing anim na taong nandito ako sa mundo ay aminado talaga ako na hindi ako katalinuhan." She said with a grin on the side of her lips.
"Kapag hindi ako nagaral, kita mo iyon sa resulta ng exam o quizzes ko pero kahit kailan, hindi ko iyon ginawang basehan para masabi ko na mahina akong tao." Mula sa screen, kitang kita niya ang malapitang itsura ng asawa na tila kinakausap ang bawat studyante sa loob ng hall.
"Hindi man ako pinalad na makapagtapos on time, hindi man ako pinalad na maging cum laude o mamaintain sa dean's list ---" She sighed again, "--pero alam ko sa sarili kong may natutunan ako sa tuwing lalabas ako ng classroom at kaya ko ito iapply sa totoong buhay."
Wala siyang marinig na ingay sa loob ng hall kundi ang tinig lang nito. Lahat ng nasa loob, all two thousand of them were just listening to her.
"Diskarte, pakikisama, pagpapakumbaba at pagpapatawad." she said with emphasis. May tamang diin sa bawat salita.
"Iyan ang naging sikreto ko para makarating sa puntong ito," anito at hindi napigilang mapangiti, "nagpapasalamat ako sa mga humila sa akin pababa at pataas na parang spaghetti dahil kung wala kayo hindi ko matututunan kung paano maging malakas."
A couple of oh's filled the hall. It's an oh of respect and admiration.
"Sa mga magulang ko, Nay.. Tay.. " lumunok ito at pinigilan ang sarili na maluha, "S-Salamat sa pagpupuno sa akin ng pagmamahal kaya hindi ko naramdaman ang kulang." she bit her lip, "K-kayo ang rason kung bakit ako nagsusumikap at hindi iyon magbabago."
Nagpalakpakan ang mga tao at tumingin sa magulang nito na nasa gilid lamang at naluluha sa pangyayari.
"Sa mga kaibigan ko na nanatili mula simula hanggang ngayon, hindi ko na kayo kailangan isa-isahin pa. Salamat sa paniniwala at pagtitiwala, malaking bagay iyon para sa akin." Naghiyawan naman ang tatlong kaibigan nitong mas bata sa rito pero naging matalik niya ring kaibigan.
Sayang lang at wala ang bestfriend nito. Nagkaroon kasi ng complication sa pagbubuntis nito at minabuti na hindi muna ito paalisin.
Daniella understand that. She's that selfless.
"Higit sa lahat sa Panginoon, Siya ang naging takbuhan ko at sandalan sa oras na ako'y nahihirapan. Salamat sa mga ginamit Niyang tao para matutunan ko pang magpatuloy at lumaban."
Then, their eyes met. Mula sa malayo ay alam niyang mata niya ang tinitignan nito.
Yes, baby love. I am here.. I am listening..
"Walang pinipiling mukha ang problema, lahat tayo'y nagkakaroon niyan. Salamat sa Diyos dahil tinupad Niya ang Kanyang pangako na hindi Niya ako iiwan o papabayaan. Kailangan lamang natin magtiwala at manalig sa Kanya. To God be all the glory! Congratulations graduates! Mabuhay tayong lahat!"
Pagkatapos na pagkatapos nitong magsalita ay nagsitayuan ang lahat ng mga studyante at naghiyawan.
Damn, that's my baby! That's my wife!
"Gryffin!" Napalingon siya sa magulang ng asawa, who're technically his in laws. "Anak, mabuti naman at nakita ka pa namin"
"Tinay.. Tay!" niyakap niya ang dalawa, "Congratulations po, nakagraduate na si Ella"
"Oo nga, kailan ka ba aakyat ng ligaw--" siniko ito ni Nanay Bonnie. Tatay Andres is Tatay Andres! "Gusto ko na talaga ng apo" bulong nito sa asawa kahit rinig niya.
"Pagpasensyahan mo na itong Tatay Andres mo, tumatanda na talaga" ani Nanay Bonnie, "Ang ganda ng message ni Daniella, ano?"
He nodded. He's really proud of her. "Yes, Tinay"
Pinanood nila itong nasa mga kaibigan pa na umattend talaga para sa kanya. They were taking photos, pang instagram daw.
"Tinay.. Tay.." He sighed. Ito na rin siguro ang tamang oras para gawin ito, "Ahmm.."
"Maganda ang anak ko, hindi ba, Gryffin?" tanong sa kanya ni Tatay Andres.
He nodded, "She is.." and will always be...
"Hindi mo ba siya gusto--- aray ko! Sinta naman, e" nasiko na naman ito ng asawa.
This is it Gryffin! It's time..
"Actually, Tay.. Tinay.. G-Gusto ko pong pormal na ipaalam sa inyo na--"
"Gusto mo ang anak namin?" putol ni Tatay Andres sa kanya! Excited.
He smirked, "As matter of fact, Tay.. Tinay.. mahal ko po ang anak niyo" napasinghap si Nanay Bonnie sa narinig, tila namamangha sa sinabi niya. "and I would like to ask her hand.. for marriage"
Napahawak si Nanay Bonnie sa asawa at napatakip ng bibig. Si Tatay Andres naman ay napakunot ang noo.
"Hinihingi mo ang kamay ng anak ko?" tanong nito, "Hindi ako papayag na putulin mo ang kamay ng anak ko---"
"Andres!" saway ni Nanay Bonnie, "Gusto niyang pakasalan si... Ella" naluha na ito nang mabanggit ang pangalan ng anak. "M-Mahal mo ba talaga ang anak ko, Gryffin?"
He smiled, "With all my heart, Tinay. Hinding hindi ko siya papabayaan"
Napalunok ang mga ito at napatingin muli sa anak na kasama pa rin ang mga kaibigan.
Lumapit si Tatay Andres sa kanya at nilahad ang kamay. "Hindi kami mayaman, Gryffin.." seryosong saad nito, "pero kung kayamanan lang, si Ella iyon para sa amin" inabot ni Gryffin ang kamay nito.
Mahigpit at tila ayaw pakawalan ni Tatay Andres ang kamay niya hangga't hindi niya binibigay ang salita.
"Subukan mong magloko o padapuan nang mabigat na kamay si Ella, Gryffin at hindi ako magdadalawang isip na kunin siya sa'yo"
Tumango siya. "Hinding hindi ko po sasaktan ang anak niyo, Tay" not in the way he said. Isipin man lang niyang umiiyak ang asawa ay doble na ang sakit sa kanya.
"Nay... Tay!" tawag ni Daniella sabay lapit sa kanila, "Papicture po tayo!" hila nito sa magulang sabay tingin sa kanya. "H-hi.."
Ngumiti siya rito at hinayaan na ibalik ang atensyon sa magulang.
Naunang nagpahila si Tatay Andres sa asawa, naiwan sandali si Nanay Bonnie at hinawakan ang kamay niya.
"Gryffin..." anito, "Hindi man galing sa aking sinapupunan si Ella, pero galing siya sa puso ko" tinuro nito ang dibdib, "Kung mamahalin mo siya ng habang buhay ay labis-labis na galak ang mararamdaman nito" Pinigilan ni Nanay Bonnie ang maluha, "pero kung sasaktan mo siya, hindi lang puso niya ang dudurugin mo kundi maging ito.."
"Tinay, gagawin ko po ang lahat. Maging masaya lang ang anak niyo sa akin" niyakap niya ang ginang pagkuwa'y lumapit na sa mag-ama nito.
He was watching them, nakakahawa ang ngiti ng mga ito.
"Gryffin! Halika, picture tayo!" aya ni Tatay Andres.
Tinignan naman siya ni Daniella at pinapayagang lumapit. He smiled and walk towards them.
Nasa gilid siya ni Ella habang ang magulang ay nasa kabilang gilid nito.
"1 2 3, smile!"