Chapter Thirty-Two

4.5K 156 12
                                    

"SAAN ninyo gusto kumain, Tay.. Nay?" Tanong niya sa magulang pagkatapos ng graduation.

Napagusapan na nila ni Gryffin na ngayon nila aaminin sa magulang ang tungkol sa kanila at ang planong magpakasal ulit.

May aayusin lang daw muna ito with the Dean at pagkatapos ay susunod na sa lugar kung saan nila maisip na kumain.

"Kahit saan, anak! Saan ka ba madalas kumain?" Napaisip siya.

Hmm.. Saan nga ba?

"Ayoko sa mamahalin, ha? Hindi ako sanay sa ganun" ani Tatay Andres.

Aha! "Sige, Tay! Alam ko na po, magugustuhan ninyo doon!"

Saan pa ba niya dadalihin ang magulang? Syempre naman, sa ultimate tambayan ng taon.

"Ayaw mo ba doon sa seaside, Ella?" tanong ni Jessica. Sinama niya ang mga ito ngayon, syempre maliban sa magulang, kasama ang mga ito sa mga dapat makaalam ng katotohanan. They're her friends.

"Ayoko doon! Malansa!" asik ni Monica. "Sayang ang getup ko kung magaamoy isda ako!"

"Sus, ang choosy mo! Libre na nga ito ni Ella, e" ani naman ni Erika. "Mukhang gusto ko doon sa sinasabi mo, Ella."

"Huwag kayo magalala, instagram worthy ang place" Of course!

Nang makarating sila sa lugar ay hindi naman siya napahiya. Kakaunti lang ang tao kaya mas kita ang ganda ng lugar.

"Wow! ang ganda!" ani Monica, "Oy, Erika. Picturan mo ako!"

"Mamaya na iyan!"

Natawa siya sa tatlo, bahala na sila muna. Pinagtuunan niya muna ng pansin ang magulang. "Dito tayo, Nay.. Tay! Oh, diba? Maganda rito!"

"Oo nga, naalala ko yung sayawan sa atin. Ganitong ganito yung mga ilaw doon, mas presentable lang ngayon ito"

Yes, kaya nga niya gusto ang lugar na ito. Naalala niya kasi ang Pampanga. Though, she don't go to the dance, pero ang ganda pa rin pagmasdan ng mga ilaw doon.

"Mamili na po kayo ng kakainin, Nay" turo niya sa mga stalls. "Para maluto na nila"

Pinapili niya rin ang mga kaibigan, at nang makapili ay nagsipagupuan na sila nang lumabas na ang Larong Malamig! Of course, mawawala ba ang mga ito?

"Nay.. Tay.. sila yung paborito kong banda dito! Pakinggan ninyo, napakagaling nilang kumanta!" Aniya.

"Good evening sa lahat nang nandito ngayon, kami po ang Larong Malamig. Salamat po sa pagpunta ninyo sa Food Hubbie ngayong gabi!"

Nagpalakpakan sila pati ang ilang mga customer doon. "Nais lang din namin i-congratulate si Daniella Alexis sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo!"

Mas lalong lumakas ang palakpakan ng mga tao doon. Wow naman, haba ng hair!

"At dahil diyan, pwede ka ba namin mainvite rito sa harapan? We'll just be singing a song for you!"

What the--- "For real!?"

"Go na, Ella!" tulak sa kanya ng mga kaibigan.

They played one cover of a song. Nakisabay pa nga siya sa kantahan! This is a night to remember!

"Wait a minute, Ms.Daniella" pigil sa kanya ng vocalist nang akmang bababa na siya sa platform. "We still have one song for you. Please sit here sa aming special seat for you" Then the pianist started to play the intro of the song. 

Wow, meron pa!

Noo'y umibig na ako
Subalit nasaktan ang puso
Parang ayoko ng umibig pang muli

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon