Chapter Thirty-Five

4.6K 173 8
                                    

"YOU'RE HIRED"

Hindi makapaniwala si Daniella sa narinig. Akala ba niya ay bawal ang may asawa sa trabahong ito? Naguguluhan siya. Ano iyon, challenge?

"I'm impressed, Misis?"

"Delaverde" aniya.

Ngumisi ito at naglakad papalapit sa kanya. Now they're just inch closer, "I'm quite impressed, Mrs. Delaverde. Usually, ang isang babaeng may asawa na nagaapply rito ay tinatangging kasal na sila para lang makuha ang trabaho, but you, stood up and thanked me for the opportunity"

Tumalikod na ito sa kanya at sa sofa naman naupo. "Mahal ko ang asawa ko, hindi ko gagawin sa kanya iyon---"

"And that's what I like about you!" he said, " You are loyal and faithful, and that's what I want" ngumiti ito. "in this industry..."

Napangiti si Daniella, "T-Thank you, Sir"

"But, I was really serious about the civil status part, Mrs.Delaverde" he said, "We don't hire married men and women"

Ha? Tuluyan nang nalabuan si Daniella. Sinabi nito sa kanya na tanggap na siya pero hindi sila tumatanggap ng may asawa?

"I-I don't understand, Sir"

"But I could make an exception for you" He said, "No, I won't make you annul your marriage with your husband. That's absurd!" he chuckled - yung tawa na nanguuyam at nangangasar, combined! "I would just ask you to keep your status as a secret"

"What?" Hindi makapaniwalang sambit niya, "H-hindi ko kaya ang sinasabi niyo, Sir. I can't do that.."

"Think about it, Mrs.Delaverde. This kind of opportunity is so rare, lalo na sa kagaya mong fresh graduate"

"But, I do have experience in this field" Depensa niya, "I'm sorry, Sir. I think I have to go, thank you for the opportunity"

"Just think about it, Mrs.Delaverde" he said, "I'll give you a day or two to decide. Good day!"

~¤~¤~

"Nasaan ka?" Tanong ni Daniella sa asawa, wala kasi ito sa bahay nang makauwi siya.

"Argus called me" He said, "I'm sorry, it was an emergency"

Argus. Ang kapatid ni Anabeth. Nandoon kaya ito? Magkasama kaya sila ni Anabeth?

Gosh, Daniella! Huwag kang praning!

"O-Okay, anong oras ka uuwi?" She asked, "Magluluto ako"

"I dunno, but I guess before dinner ay nandyan na ako" he said, "How was your interview?"

Napalabi siya, "Maya na lang natin pagusapan" aniya. "Ingat ka, ha?"

"Of course, Baby" Bumilis ang tibok ng puso ni Ella nang marinig iyon. "I love you"

"I love you, too"

Binaba niya ang tawag at kinuha muli ang gamit. She went to a grocery store, mabuti na rin pala na naisip niya na ipagluto ang asawa dahil kapag nasa bahay siya ay maiisip niya ang ang offer ni Mr.Perez.

No, she doesn't feel any ounce of regret rejecting that job. Marami pa naman na trabaho ang pwede niyang pasukan kung saan magkakaroon siya ng ganong posisyon.

Go, convince yourself!

Napailing siya. She doesn't want to entertain her inner demon. Ang sinasabi kasi nito ay tanggapin na niya ang offer, hindi naman niya idedeny--hindi lang niya ibrobroadcast.

But... But...

"Ouch!" She went back to her senses, may nabangga na siyang cart hindi pa niya napansin! "Watch where you--- Ella?"

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon