UMAKYAT sila sa talampas ng Casa Sinfuego. It's a mistake turned into a masterpiece as per se. Sa tuwing umaakyat sila doon ay hindi nawawala ang kwento kung paano nabuo ang Casa Sinfuego.
It's really amazing, nakakatuwang isipin na sa kabila ng pagkakamali ay nagkakaroon ng magandang kahihinatnan ang bagay sa mundo.
"Matagal ka ng nagpupunta rito?" Oh shiiit! He's initiating the conversation!
"Ah.. o-opo"
He chuckled, "Huwag mo na akong i-po o opo, isang taon lang naman ang tanda ko sa'yo" lumakad na ito at kumuha ng litrato. "and we're not in school, so, drop the Sir, okay?"
Hindi na alam ni Daniella kung paano itatago ang kilig. Yes, Gryffin mahal ko! Hihi!
"What do you know about this place?" He asked, "Pasensya na, ha at ikaw ang inaabala ko. Hindi ko kasi magawang sumingit kila Kuya at Abby, paniguradong marami kasi silang paguusapan"
"A-ayos lang naman" Basta ikaw, nanginginig pa!
"Malaking bagay na nandito ka" He said and took some photos, again. "I have a research regarding Cosmology and based on some findings, Casa Sinfuego has the history of disaster"
Napakunot ang noo ni Daniella, hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng lalaki. "Hmm, I need an interpreter.." my goodness!
"Oh, sorry" he smiled, "Cosmology is a study of eventual fate of the universe, or an origin..."
"Hindi ko pa rin maintindihan" she said, "pero yung history of disaster, gets ko iyon." Tinuro niya ang tanawin sa talampas. "Casa Sinfuego was built due to mistake, siguro dahil doon naging disaster.. Iyon po ba ang ibig ninyong sabihin?"
"Just tell me what you know about Casa Sinfuego" he said. "Samahan mo ako magikot-ikot, ayos lang ba?"
Yes naman! Sure na sure! Basta ikaw, nanginginig pa!
"O-Okay" she bit her lip and tucked her hair behind her ear.
Bumalik sila sa bahay bago pa magdilim dahil kailangan pa nila pumunta sa palengke para bumili ng ilang makakain at sa grocery para sa toiletries at iba pa para sa kanila.
"Ella, kami na lang ni Toto ang aalis. Dito na lang kayo para makabalik din kami agad" ani Abby nang harangin ito ni Raven.
Ang end game. Tatlo itong umalis, naiwan siya kasama si Nene at Gryffin.
"So, ano iyang binabasa mo, Gryffin?" Tanong ni Nene sa lalaki. "Parang pang matalino"
"Just a book that I find interesting, makakatulong din sa research ko" he said and just continued reading.
"Tungkol saan?" pagusisa pa ni Nene. Napataas ang kilay ni Daniella, aba't nanginterview pa! "Mukhang maganda, ah"
"Mahilig ka ba sa ganitong libro?"
"Hmm, depende kung makukuha niyon ang atensyon ko" Ngumiti ito pagkuwa't ngumisi. What the hell? Was she flirting? Akala ba niya ay si Raven type nito?
Kilos, Daniella! Kilos!
"Ah, Nene! Wala yata kaming gunting dito. Pwede ba ako manghiram sa inyo?"
"Para saan?" anito na hindi siya tinatapunan ng tingin.
Para sa'yo, gupitin ko yang kaartehan mo! Akin iyang nilalandi mo!
"M-may kailangan lang akong paggamitan" she fiercely said. Yung tonong may maitim na balak.
Ha! Lumalabas ang inner Ivy Aguas ni Daniella!
