WHAT'S harder than confessing, although unintentional, your feelings to someone but you know that he don't feel the same? Yung tipong dapat tumakbo na ito palayo, umiwas na o manamantala ng pagkakataon pero nanatili itong mabait, maalaga kagaya ng una mo itong nakilala.
Yung walang nagbago. Yung ba'ng tipong okay gusto mo ako, thank you! Kung anuman yung nakita mo sa akin, salamat.
Instead of taking advantage of that admiration, he cherished it and respected it.
At mahirap iyon, kasi hindi ba dapat mawala na ang nararamdaman niya sa binata lalo pa't hindi naman na niya tinatago ang nararamdaman rito?
Ngunit, bakit ganun? Bakit parang mas nahulog pa ang loob niya sa lalaki?
"Hijo, ito tuwalya! Magpatuyo nga muna kayo habang nagiinit ako ng maligamgam na tubig nang makaligo kayo"
Tinanggap ni Gryffin ang inabot ng ina niya. Husay, hindi ba? Nauna pang bigyan ang binata ng tuwalya bago siya. Ang sweet!
"Daniella, nasa mesa ang mga gamot. Magandang maagapan iyan! Mahirap nang magkasakit ngayon" Dagdag pa ng ina.
"Ang cute ng baboy, mahal" ani Andres, "Parang si Daniella noon!"
"Tatay, sa biik pa talaga? Thank you, ha?" Tinuyo niya ang buhok at uminom ng mainit na kape.
Nakita niyang nakangiti si Gryffin habang nagpapatuyo rin ng buhok. Tss, tatawa tawa pa ang isang 'to!
Naalala na naman niya tuloy ang naiisip kanina. Lalim niya rin, paminsan minsan.
"Anong ipapangalan mo rito?" Tanong ng ama sa kanya.
She shrugged her shoulders, "Si Gryffin po ang bahala, siya naman po ang nakahuli niyan"
"Huh?" sagot naman agad ng lalaki, "Magkasama tayo nung hinuhuli natin iyan, kaya ikaw na'ng bahala"
"Hala, hindi na. Ikaw na!"
"Hindi, ikaw na" pagpupumilit pa ng lalaki.
"Tsk, ikaw na nga.."
"Okay lang nga, ikaw na---"
"Kayo na!" Napatingin sila sa ina, "Nagaaway pa kayo,bakit hindi kayong dalawa magkasundo sa iisang pangalan? Banlian ko kayo ng mainit na tubig, e!"
Natawa si Tatay Andres, napakatapang talaga ng ina. "Iba ka talaga, Mahal! Atapang atao hindi atakbo!"
Gryffin chuckled and looked at her, "Tama nga naman si Tinay" he said, "Do you have any suggestions?"
"Hmmm.." napaisip din siya. Ano ba ang pwedeng maipangalan sa biik na ito na tila nagsilbing lucky charm dahil parang mas napalapit pa ang lalaki sa kanya?
Ilang sandali pa ay nagliwanag ang mata nito at tila may bumbilya na umilaw sa taas ng ulo, "Lucky!"
Binuhat ni Gryffin ang biik, "Hi, Lucky! We're your parents!"
Parents? Magulang? Couple? Partner? Iyon ang ibig sabihin ng parents, hindi ba?
"Mahal, lolo na ako!" singit ng Ama, "Lola ka na,may apo na tayo"
Nagtawanan silang tatlo sa sinabi ng ama pagkuwa'y nagkatinginan sila ni Gryffin.
Yung tingin na, walang malisya, yung masaya lang, yung tipong nais sabihin na thank you for this day, yung tingin na hindi siya pinapaasa dahil hindi ito pagmamahal o paghanga kundi purong kasiyahan lang na may kaakibat na pagpapasalamat.
So, four days went by, nandoon pa rin si Gryffin sa kanila. Hindi na niya maitanong kung kailan ba ito aalis, dahil sa totoo lang ay ayaw niya na itong umalis.
