"HEP! Baba mo na lang ako diyan" turo niya sa kanto bago magaparment nila. "Diyan na lang ako"
"B-Bakit naman?" Nagtatakang tanong ni Gryffin pero sumunod naman.
"Baka makita ka ni Abby" aniya, "Sige na, diyan na lang muna"
Napakunot ang noo nito, "Ano naman kung makita ako ni Abby? I'll tell her that I'm courting you--"
"No!" pigil niya agad. "Please, wala munang pwedeng makaalam na nililigawan mo ako."
"W-Why?"
Huminga ng malalim si Daniella, "Una, nagaaral pa ako. Maliban sa teacher-student relationship ay wala ng ibang relasyon pa ang pwedeng mamagitan sa atin" aniya, "Pwede kang mawalan ng lisensya at maexpel naman ako! Paano yung graduation ko?"
Kumalma naman ang mukha ni Gryffin, "Bakit naman sa tanging lugar kung saan pwede kitang suyuin ay hindi pa rin pwede?" tanong nito, "Ano naman kung malaman ni Abby? My parents already knew!"
"Hindi ko kasi alam paano sasabihin sa kanya lalo na ngayon nagkakaproblema sila ng kapatid mo" aniya, "Hayaan mo muna akong magsabi sa kanya, then I'll text you kapag nasabi ko na. Tsaka ka humarap sa kanya pagnagawa ko na iyon"
Nagkaroon ng katahimikan sandali sa pagitan nila. Nagiisip si Gryffin. That's kind of scary, ano kaya ang iniisip nito? Baka nagbago na ang isip nito? Dami kasi niyang arte!
But, it's for the better. Ayaw rin muna kasi niyang ibroadcast iyon. The more na maraming nakakaalam, maraming makikialam.
"You're taking this courtship pretty seriously, huh?" sambit nito, "Baka naman ginagawa mo lang ito para pahirapan ako?"
"Hindi!" But, why not? Challenge din iyon,ha!
He shrugged his shoulders, "Okay, payag na ako" he said, "Damn, this is harder than I thought"
Ngumisi siya at nagpaalam na rito, "Wait" pigil nito sa kanya at lumabas ng sasakyan, pinagmasdan niya itong umikot ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto. "Here" nilahad nito ang kamay para alalayan siya sa pagbaba.
"Wow. Gentleman" 10 points!
He smiled, "Good night" bati nito sa kanya.
"Good night, din" she said, "Magiingat ka sa pagmamaneho, ha?"
Napakagat sa labi ang binata, "Hindi mo pa ako sinasagot pero ganyan ka na kasweet sa akin,ha?"
"Che!" asik niya, kahit deep inside kinikilig na siya. "Umuwi ka na nga"
Ngunit sumandal ito sa sasakyan, "I'll wait for you to reach your apartment. Mahirap na baka mapano ka pa"
She rolled her eyes. "Halos sampung hakbang lang ang apartment, Gryffin!"
"Nah, I can't take the risk" ngumisi ito.
Nakakaloka! Ang landi landi! "Bahala ka sa buhay mo"
"Bahala ka na?" sagot naman nito na nakapagpakunot ng noo niya, "Bahala na kamo ako sa buhay ko, e. So, bahala ka na sa akin"
"Ewan ko sa'yo!" sigaw niya, natatawa na rin. "Pasok na ako!"
Pagkapasok niya sa apartment ay pigil na pigil pa rin ang ngiti niya. Jusko! Ano ba itong nangyayari sa kanya? Ito na ba yung sinasabi nilang tamang panahon?
Kinuha ni Daniella ang unan sa silid at doon sumigaw! Hindi niya mapigilan! Aaaah!
Kinabukasan ay para siyang timang sa trabaho. Paano naman kasi, magdamag na nakahawak sa mga labi.
Okay, it's not her first kiss but it would definitely be her last! Her expectation with Gryffin's lips just exceeded last night! Hindi lang ito malambot, hindi lang masarap kundi.. kundi.. Hindi niya maipaliwanag!
