"NAY!" Tawag ni Daniella sa ina nang makita itong nakaupo sa tabi ng higaan ng ama.
"Ella, anak!" Sinalubong siya ng ina ng isang mahigpit na yakap. "Mabuti naman at nandito ka na..."
"Kumusta po kayo? Bakit parang namumutla ka?" She cupped her mother's face, "Hindi ka yata kumakain, Nay, e!"
"Nak,ayos lang ako" she said, "Huwag ako ang alalahanin mo"
Lumingon siya sa ama na nakahiga pa rin sa hospital bed. May dextrose at oxygen na nakakabit rito.
"A-Ano po bang nangyari, Nay?" Hinarap niya ang ina, "Nagpagod na naman po ba sa trabaho ang Tatay?"
"Anak, alam mo naman iyang ama mo. Napakatigas ng ulo, ayaw mapirme sa iisang lugar"
"Ano daw po findings ng doctor?" tanong niya.
Umiling ang ina, "K-Kailangan daw kasing mapalaboratoryo ang Tatay mo, m-may mga test daw na kailangan para malaman talaga ang sakit niya pero sabi naman ng doctor ay hindi maluba, kailangan lang talagang ng mga iyon para mabigyan siya ng tamang gamot"
"Kakausapin ko po ang doctor, umuwi muna kaya kayo?" aniya, "Kailangan niyo rin naman ng pahinga, Nay. Baka ikaw naman ang magkasakit"
"Oh sige, para rin maipagluto ko ang Tatay mo ng masarap na pagkain dahil hindi daw masarap ang luto rito"
"Ah, hatid ko na po kayo" napalingon silang dalawa sa nagsalita. For the nth time, nabigla na naman si Daniella sa ginagawa ng lalaking ito!
"N-Nandito ka pa?"
He nodded, "B-Baka lang kasi kailangan mo pa ng tulong kaya hindi muna ako umalis"
Asdfghjkl! Gryffin!!!
Siniko siya ng ina habang may malawak na ngiti, "S-sino siya?"
"Ah, eh.. Nay, si.. si Sir Gryffin, ho" napakamot siya sa pisngi. Nanlaki ang mga mata ng ina nang marinig ang pangalan nito.
"Magandang umaga, po" nilahad ni Gryffin ang kamay sa ina niya.
"Tinay" sambit nito, "Tawagin mo na lang akong Tinay. Just Tinay"
"Sige po, Tinay" ngumiti si Gryffin rito, "Kukunin ko na po ang sasakyan"
Nang umalis si Gryffin ay hinarap naman siya ng ina, "So, kasama mo ngayon si... Gryffin"
"Nagmagandang loob lang, Nay" aniya, "Tsaka, sandali nga.. Kailan pa naging Tinay ang pangalan niyo?"
Humagikhik ang ina, "Short term lang ng Tita at Nanay,oh diba, Tinay" anito, "Next time, Nanay na lang rin ang itatawag sa akin niyan"
"Nay, may makarinig naman sa'yo!"
Tumawa lang ang ina, "Huwag kang magalala, anak. Akong bahala, hindi iyan uuwi na hindi ka mahal!"
Diyos ko! Hindi po mangkukulam ang Nanay ko, Lord. Please, hipuin Niyo po siya---
"Daniella Alexis, hindi ko gagayumahin ang nobyo mo, huwag kang magalala"
"Nanay naman, e!
"Namiss kita, anak" anito, "Binibiro lang naman kita, nakakatuwang isipin na dati pangarap mo lang tapos ngayon may paghatid-hatid pang nagaganap"
"Nay, ha! Behave ka, inalagaan ko iyan baka kainin mo ng buhay" she chuckled. "Joke!"
"Ah! Kapag sinaktan ka nito, lalamunin ko siya ng buo. Mararamdaman niya ang batas ng api!"
Hinatid niya ang ina sa parking area kung saan inaantay nila si Gryffin. Ilang minuto lang ay dumating na ito at bumaba pa para pagbuksan ang ina ng pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/140776607-288-k806007.jpg)