Panimula

2.7K 57 3
                                    

"On this day...
I promise forever
On this day
I surrender my heart"

~David Pomeranz~

'Yan ang kantang maririnig ngayon sa kabuoan ng simbahan na kinakanta ng isa sa mga kakilala kong nakakainis ang ngisi sa 'kin ngayon na ipinagwalang bahala ko na lang. Mamaya ko na lang siya sisipain.

Kasabay ng musika ang mabagal na paglalakad ng aking BRIDE palapit sa kinatatayuan ko.

Atras-abante ang lakad na ginagawa niya. Tss... daig niya pa nga ang nagcha-chacha eh. Sunduin ko na lang kaya siya ng madali siya sa paglalakad dahil wala din akong oras para hintayin pa siyang makarating dito?

Nakakaramdam na ako ng pagkangawit sa tuhod kaya ibig sabihin ay hindi talaga 'to isang panaginip. Totoong ikinakasal ako ngayon sa BABAENG ESTRANGHERA.

Kung may ikinatutuwa man ako sa kasalang ito? 'Yon ay ang kagandahan ng bride ko.

Wala naman kasi talaga akong masabi sa pisikal na anyo niya. Okay na sana. Okeng-okay na maliban sa maikli niyang buhok na sa palagay ko ay bob cut. Basta hindi ko trip ang buhok niya. Mas gusto ko 'yong mga babaeng mahahaba ang buhok. 'Yong madaling hilahin kapag...hehe. Nasa simbahan nga pala ako. Tsk!

Perpekto ang bawat hugis ng mukha niya, lalo na ang mga mata niya na nagniningning na golden brown.

Perfect wife, perfect wedding at AKO siyempre. Perfect na ang lahat maliban lamang sa HINDI NAMIN GUSTO ANG ISA'T-ISA.

Fifteen years old pa lang kami ni Kinz Laura Laurente nung ipagkasundo kami sa isa't-isa. Sa anong dahilan? Ewan. Baka pera na naman. At ngayon nga sa edad na twenty five ay magiging asawa na ako ng NAPAKASWERTENG BABAE NA 'TO.

Ang bata ko pa para mag-asawa. Tsk. Nagmamadali kasi sila.

Kumbakit?

Ewan.

Pagkatapos naming sabihin ang mga vows namin na isinulat ng kung sinong may hugot sa pag-ibig ay nagsalita na ang pari ng 'You may now kiss your bride'.

Naiilang kung tinanggal ang belong nakaharang sa pagmumukha niya.

Pshh...

Ni hindi man lang nag abalang mag make-up. Parang kagigising lang at napadaan lang dito sa simbahan. Ayos ah?

Dahan-dahan akong lumapit sa mukha niya. Tss...

Nakita ko ang mahigpit na paghawak niya sa magkabilang gilid ng gown niya.

Tss... nangangain ba ako?

Lumapit pa ako at hinalikan ko siya----sa noo. Saka kami sabay na humarap sa mga tao na ngayo'y tuwang-tuwa samantalang kami nitong si Kinz ay halos magwala na ngayon sa inis.

Tsk!

So...

Kurt Llourd Guevarra is now officially married!

Kaya ko kaya?

Sigh...

So help me God.

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon