KURT
Kanina pa akong natatawa sa tawa ni Kinz.
Pinapanood niya kasi ang video niya dati nung una kaming manood ng Monster Hunts.
Pinagtatawanan niya ang sarili niya.
Pagkatapos niyang ulitin ng dalawang beses ay ibinalik niya na rin sa 'kin ang phone ko.
"Kurt." Nilingon ko siya na ngayon ay nakalapit na sa 'kin ng hindi ko namamalayan.
"Baki---"
"AH!" Napaiktad ako ng kagatin niya ng mariin ang balikat ko. Na naman!
Pinunasan niya pa ang labi niya na nabasa ng laway niya.
"Lah? Tumalab ang ipin ko." Nakangiwi ko namang tinignan ang balikat kong may walong marka---anlalim!
"Para talagang piranha 'yang ngipin mo." Naiinis kong sabi.
"Sorry." Sabi niya sabay halik sa kagat niya.
Parang tange 'to.
Lumingon ako sa kabilang dako para hindi niya makita ang pagngiti ko. Kainis eh!
Tss...oo na. Ako nga yata ang babae sa kwentong 'to. Tss...eh sa gusto ko 'yong tao eh.
"Umuulan na naman." Sabi niya habang nakatangin na ngayon sa labas ng bahay.
Lakas masegway agad ng topic eh.
Mahapdi pa rin kaya ang balikat ko dahil sa pagkagat niya.
"Oo nga eh. Nababagot ka na ba?" Tumingin naman siya sa 'kin sabay iling. "Talaga ba?"
"Kasama naman kita kaya ayos lang."
"Parang kang sabog. Ano bang trip mo?" Kung anu-anong pinagsasasabi eh.
Marupok pa naman ako.
Sumandal naman siya sa kinauupuan namin ngayon sabay haplos na naman sa tiyan niya.
"Apat na buwan na si Baby. Limang buwan na lang makikita na natin siya."
Nakaramdam ako bigla ng lungkot at takot.
Para nga akong biglang dinukutan ng puso eh.
Alam niyo 'yong ganung pakiramdam? 'Yong bigla na lang sumalakay ang takot sa dibdib mo dahil alam mong may hindi magandang pwedeng mangyari?
Nakakasuka. Parang umiikot ang sikmura ko sa tuwing sasagi sa isip ko ang posibilidad na....hay....
Nakangiti naman siya habang hinihimas ang tiyan niya.
"Anong ipapangalan natin sa kanya?" Tanong niya.
Sumandal din ako sa kinauupuan namin.
"Hm...." medyo napaisip din ako dun ah.
"Hindi ako magaling sa pangalan eh." Kumakamot pa siya sa sentido niya.
Nakatali na ang buhok niya na medyo mahaba na dahil hindi na niya napapaputulan.
Nakakaya na niyang itali nf buo ngayon.
"Ako din. Wala din akong maisip na magandang pangalan." Buntong hininga ko at ganun din siya.
Hinawakan ko rin ang tummy niya.
Makapanindig balahibo talaga sa tuwing hinahawakan ko ang tiyan niya kasi ramdam na ramdam ko ang anak naming dalawa. Ang dugo't laman naming dalawa.
Bahagya akong humiga upang pumantay sa tiyan niya.
"Nak..." Napangiti ako ng tawagin siya. "Wag mo masyadong pahihirapan si Mama ha? Good ka dapat. Tulungan mo si Mama para hindi kayo parehong mahirapan. Ha?" Nagulat naman ako sa pagpatak ng maligamgam na tubig sa kamay ko kaya agad akong tumingala.
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...