Veinti Dos

269 12 0
                                    

KURT

Paulit-ulit kong pinapanood ang video ni Kinz at mamatay-matay pa rin ako sa tawa.

Grabe! Kung makakagat siya sa labi niya parang gusto niyang paduguin eh. Gigil na gigil talaga siya habang pinapanood si Wuba. Kaya pati balikat ko napagtripang kagatin. Bakat pa rin kaya ang mga ngipin niya sa balikat ko. Bampira pa ata ang napangasawa ko.

Sumilip naman ako sa relos ko.

"Bakit hindi pa siya bumababa?" Alas nueve na ng umaga pero hindi lang halata dahil sa malakas pa rin ang ulan sa labas na nagpapadilim sa buong paligid. "Tss... tulog pa kaya siya?"

Medyo nagaalala na ako. Tanghali na pero hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto niya which is very unusual dahil alas singko pa lang ng umaga ay nagigising na siya at naghahanda na ng almusal.

Hindi na ako nakatiis kaya umakyat na ako para puntahan siya kwarto niya.

"Kinz." Kumatok ako ng ilang beses sa pinto niya pero walang sagot o nagbukas man lang. "Papasok ako ha?" Pinihit ko ang doorknob at buti na lang dahil hindi ito nakalock. "Kinz?" Wala siya sa higaan pagkapasok ko. "Asan kay---" isang malakas na pagduwal ang narinig ko sa banyo kaya dali-dali akong tumakbo tungo rito. "KINZ!" Naabutan ko siyang nakahiga sa sahig at namumutla.

Agad ko siyang binuhat at inihiga sa kama.

Pinipilit niyang aninagin ang mukha ko pero mukhang hindi niya ako makilala.

"Kinz? Ako 'to." Inaaninag niya pa ang mukha ko. Pinilit niya naman ngumiti pero halos hindi niya maibuka ang mga mata niya.

Sobrang init ng balat niya kaya dali-dali akong kumuha ng malamig na tubig at malinis na bimpo.

"Kinz..." Gumalaw siya at bahagyang tumingin sa 'kin. "Ahm... ano...tsk." paano ko pupunasan ang katawan niya ngayon?

"I- It's okay." Alam kung okay pero kasi---- tsk!

Pinunasan ko na lang ang leeg at kilikili niya pati na ang mga braso at binti.

Inabutan ko din siya ng damit kasi nga bahagyang nabasa ang suot niya.

"Ako na."

tumalikod na muna ako at hinayaan siyang magbihis.

"Bakit ako dati hinubadan mo? May pamando-mando ka pa ng hubad. Tss... tapos ngayon ayaw mo akong payagang hubaran ka. Parang andaya naman?" Narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Done." Humarap na ako sa kanya.

Nakahiga na ulit siya pero hindi niya maimulat ng maayos ang mga mata niya.

Nasabi nga sa 'kin ni Zaldy na kapag nagkakasakit si Kinz ay hindi niya maaninag ang mga taong nasa paligid niya at kung minsan ay hindi niya rin nakikilala lalo na kapag mataas ang lagnat niya.

Inayos ko muna ang kumot at unan niya.

"I'm sorry." Bulong niya kaya tinignan ko ang mukha niya. Hindi ko gets ang paghingi niya ng sorry. "Pasensya na kung hindi kita maipagluluto ngayon..." napangiti naman ako. Ako pa rin ang inaalala niy--- "Ara." nawaglit agad ang ngiti ko sa huling sinabi niya.

Ara...

Ara Gomez.

Kung ganun, inakala niyang ako ang ex-girlfriend niya.

"Magpahinga ka na." Aalis na sana ako pero napahinto ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya naramdaman ko muli ang mainit niyang palad.

Nilingon ko siya ulit at nakita ko ang mga luha sa mata niya.

"K-Kinz."

"Napanaginipan ko si Alexander." Umupo ulit ako sa tabi niya. "Sa panaginip ko ang saya-saya naming dalawa." Agad na naglandas ang mga luha niya. "Nakasakay ako sa likuran niya habang iniikot namin ang buong hacienda." Nakatitig lang ako sa labi niyang namumutla ngayon. "Ang lakas ng buhos ng ulan, kasing lakas ng katawan ni Alexander. Sa panaginip ko, wala siyang nararamdamang sakit. At 'yong mga mata niya?" Bahagya siyang ngumiti. "Nakatitig sa 'kin ang magagandang mga mata niya at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya." Tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luha niya habang nakapikit at mahigpit ang hawak sa kamay ko.

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon