KURT
Hindi agad ako nakagalaw sa kinauupuan ko dahil sinisigurado ko pang nasa harapan ko talaga ang babaeng magtatatlong buwan ko ng hindi nakikita sa reyalidad---na sa panaginip ko na lamang siya pwedeng makasama na walang magagalit at magmamay-ari sa kanya.
Grabe...
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Rod na nahinto sa kanina pang aktibidad nila ng babaeng kasama niya.
Medyo bitter din ang pagkakatanong nito kay Kinz.
"Napadaan lang." Sagot niya kay Rod sabay baling ulit ng tingin kay Ellie. "Kilala ba kita?" Pamilyar siguro sa kanya ang mukha nito.
Agad naman napalitan ng malagkit na titig ang kanina ay gulat pang mga mata ni Babae pagkakita sa asawa ko.
Asawa ko....
"Oo naman. Hindi lang kilala dahil isa ako sa mga pinaligaya mo." Tumayo pa siya at lumapit kay Kinz at nanggigigil na nakatitig rito. "Okay lang naman siguro sa'yo kung si husband naman ang tikman ko hindi ba?" Bago pa niya mahawakan si Kinz ay agad na itong dumistansya sa kanya sabay baling ng tingin sa 'kin.
Halata namang hindi nagustuhan ni Ellie ang pagdistansyang iyon ni Kinz sa kanya.
"Wag kang magpapakalasing kapag magda-drive ka." Wala na lamang akong nasabi. "Alis na ako." Paalam niya kina Alex at Rod na wala na lang ding nasabi sa kanya.
Paano niya nagagawang makipag-usap ng ganyan na parang walang nangyari?
Na parang okay lang ang lahat?
Asan na ba ang puso niya?
Paano siya nakakatitig sa mga mata ko habang iniignora ang sakit na pinapakita nito?
Napakuyom ako at agad ko siyang sinundan pero napahinto ako sa paghakbang palabas ng pinto nang makita ko si Ara na nakalingkis sa leeg niya.
Napapikit ako ng mariin at pinilit pakalmahin ang dibdib ko.
Bumalik na lamang ako sa loob para magpakalunod na naman sa alak para kahit papaano ay makatulog ako ng mahimbing mamaya.
Shit talaga!
Bakit ba palagi na lang akong talo? Bakit ba palagi na lang ako ang nasasaktan ng ganito? Bakit kung sino pang nagmamahal at tapat siya pang nasasaktan?
Kung karma ko nga 'to....
sorry na oh? Pakitigil na. Nakakamatay na kasi eh.
Pagkaupong-pagkaupo ko ay binuksan ko agad ang isa pang bote at tuloy-tuloy kong tinungga ang laman nun.
Bwiset!
Kulang pa!
Mahapdi ang mga mata ko at mabigat ang ulo ko pero pinilit kong magmulat at bumangon dahil sa alam kong mataas na ang sikat ng araw base sa init na dumadampi sa balat ko mula sa labas ng bintana.
"Hoooo...." Tinakpan ko ang mga mata kong nanghahapdi pa dahil sa sobrang nakakasilaw na sinag ng araw mula sa malawak na glass wall. "Tsk!" Napahilamos na lamang ako nang makita ang kabuuan ng kwarto.
Kanino kayang kwarto 'to?
Inangat ko ang kumot na nakatakip sa katawan ko at tumambad sa 'kin ang hubad kong katawan.
"Shit!" Pilit kong inalala kung sinong babae ang nakasama ko kagabi at sana naman talaga ay babae.
Malay ko ba kung nung nalasing na ako eh napagtripan na ako ng dalawa at ipinakain sa lalaki.
Dahan-dahan akong umupo sa kama para hanapin kung nasaan ang mga saplot ko.
"Tsk." Kamot lang ako ng kamot sa ulo ko dahil naiirita ako. Hindi ko makita ang mga damit ko. "Ba naman?!"
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...