Treinta y Ocho

220 6 0
                                    

KURT

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Xander sabay abot sa 'kin ng isang bote ng alak.

"Pasensya ka na. Hindi muna ako iinom ngayon ha? Ipagmamameho ko pa kasi ang mag-ina ko eh." Lumawak naman ang ngiti niya at umupo sa tabi ko.

Sabay naming pinanood si Kinz na nakatitig lang kay Zaldy na hindi na natapos sa kinukwento niya.

Kaya gustong-gusto niya si Kinz eh. Mahilig lang kasi itong makinig.

Napabuntong-hininga na lamang ako nang makita ang ngiti ni Kinz ngunit kulang ang sigla sa mga ngiting 'yon.

"Pagpasensyahan mo muna siya ha?" Kunot-noo kong nilingon si Xander. "Alam kong nahihirapan ka ngayon lalo na sa mga nangyari sa pagitan ninyo ni Kinz. Alam kong mahirap ang kinalalagyan mo ngayon, alam kong galit ka dahil paulit-ulit kang nasasaktan. At....at ngayon nga ay wala kang choice kundi ang makasama siyang muli." Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at napahilamos na lamang ako sa mukha dahil sa frustration na nararamdaman ko ngayon.

"Sa kwento kasi naming dalawa--ako ang talo. Kasi ako ang nagmahal eh." Nanghihina akong sumandal sa kinauupuan ko. "Inaamin ko...galit ako. Galit ako dahil hindi niya ako pinili, ni pinaglaban. Galit ako dahil iba ang mahal niya. Galit ako sa sitwasyon dahil gusto ko nang lumaya sa nararamdaman ko para sa kanya pero hindi ko magawa lalo na ngayon na magiging ina pa siya ng anak ko. Galit ako. Galit ako dahil wala rin akong karapatang magalit! Hoooo...." Napabuga na lamang ako ng hangin dahil ang sikip-sikip na nararamdaman ko sa puso ko ngayon at ang daming salitang tumatakbo sa isipan ko na hindi mahabol ng bibig ko.

"Nang makabalik si Kinz dito kasama si Ara nung araw na iyon, isang linggo si Kinz na nakituloy sa bahay. Umiiyak. Hindi niya sinasabi kung anong problema, kung bakit siya umiiyak. Sinabi niya rin na may nangyari nga sa inyong dalawa. Pagkatapos ng isang linggo ay hindi naman siya nagpakita. Ang alam namin magkasama silang dalawa ni Ara. At nung isang buwan nga ay tumawag siya sa 'kin. Nang makita ko siya ulit alam kong may mali. Maputla siya at nabawasan ang timbang niya at sinabi niya nga sa 'kin na nagdadalang tao siya."

"Bakit hindi niya agad sinabi sa 'kin?" Nagpakawala din siya ng malalim na buntong-hininga.

"Tinanong ko rin siya pero wala akong nakuhang sagot. At kung tatanungin mo kung bakit niya sinabi sa'yo ngayon---hindi ko rin alam."

"Alam mo kung anong mas ikinakainis ko ngayon? Na kitang-kita kong nalulungkot siya. Na parang napipilitan lang siyang makasama ako dahil walang choice."

"Sana alam mo ring sinabi niya sa'yo na buntis siya dahil......dahil kailangan ka niya." Napalunok ako bigla.

"S-sa tingin mo?" Buntong-hininga ulit siya.

"Sensitive siya pagdating sa usapang pamilya. Noon pa lang kahit na hindi naman sigurado kong magkakaanak siya lagi niyang sinasabi na kapag nagkaroon siya ng anak ay bibigyan niya ito ng buong pamilya. Kaya sigurado ako na gusto niyang maging maayos kayo para maging isang buong pamilya."

"Pamilya? Buong pamilya?" Napangiti ako bigla pero nangingibabaw ang kalungkutan dahil isang malaking ilusyon lang 'yon.

"Mahal niya si Ara."

"Tinanong mo na ba siya?" Umiling ako. "Hanggang ngayon pala takot kang marinig ang katotohanan mula sa mga labi niya. Takot kang magtanong dahil takot sa pwedeng maging kasagutan. Dapat hindi. Sumugal ka ulit."

"Hindi na. Kita ko na ang sagot sa mga mata niya." Muli akong tumingin sa direksyon ni Kinz na nilingon din ako at agad na nawaglit ang ngiti sa labi niya nang magtagpo ang mga mata namin.

Matagal kaming nagtitigan hanggang sa may humarang na babae sa harapan ko.

Nag-angat ako ng tingin.

"Hi!" Nagkatinginan kami ni Xander at nagtatanong ang mga mata namin kung sino ang nakakakilala sa babae. "I'm Elona."

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon