Veinti Ciete

319 15 0
                                    

KURT

"Thank you Kinz." Sabi ko pagdating namin sa bahay dito sa isla.

"No prob. Kung ito ang kailangan mo eh." Sagot niya at nauna ng pumasok sa loob ng bahay.

Napabuga naman ako ng hangin.

SUCCESS!

Ilang araw din akong nagpanggap na mukhang depress para kapag sinabi kong gusto kong umalis muna ay maniwala agad siya sa dahilan ko.

Ayon kay Zaldy, si Kinz ang tipo ng tao na, OO lang kapag may hinihiling sa kanya. Hindi siya magtatanong basta ipapakita mong kailangan mo talaga. Sa panahong magkasama kami ni Kinz nakita ko din ang ugaling niyang 'yon.

At heto nga...

Nakiusap ako sa kanyang gusto ko munang bumalik kami dito sa isla para mapayapa ang isip ko sa stress na inimbento ko lang naman.

Well stress naman talag ako----kay Ara.

Si Zaldy na rin ang bahala kay Ara at Cassy. Ewan ko kung anong gagawin niya at hindi ko na rin inalam pa.

Si Zaldy din ang nag ayos ng mga gamit namin ni Kinz dito sa isla. Ilang araw siyang namalagi dito para ayusin ang mga narito at wala akong ideya kung ano nga bang ginawa niya dito.

Pagkapasok ko sa loob ay naabutan ko si Kinz na humahaplos sa batok niya.

There's something bothering her..

"Why?" Lumapit naman siya sa 'kin.

"Ah...can I....ahm. Can I borrow your shirt?"

"Ha?" Hinila niya ako patungo sa kwarto niya at tinuro sa 'kin ang nakabukas niyang closet. "Ow." nasabi ko na lang habang tinitignan ang loob nun.

"Hindi ko alam kung sinong nagpalit ng mga damit ko diyan."  Parang batang sumbong niya. "Wala akong maisusuot." Napangiti tuloy ako ng wala sa oras dahil para talaga siyang batang nagsusumbong dahil nabully siya. Ang cute niya tuloy lalo.

"Sige, 'yong mga damit ko na lang muna ang gamitin mo." Lumapad naman ang ngiti niya na parang nakahanap ng solusyon sa problema niya.

Si Zaldy talaga.

Kawawa naman itong si Kinz. Puro pambabaeng damit kasi ang nasa loob ng closet niya ngayon eh.

Dinala ko siya sa room ko pero hindi ko mabuksan ang pinto. Pinilit kong itulak pero mukhang ipinako pa ata.

"Enough." Sabi na lang ni Kinz na bagsak ang balikat na tumalikod pabalik sa room niya.

Sumunod na lang ako.

Saang lupalop naman kaya ako kukuha ng gagamitin kong damit? Anlamig kaya at hindi ako pwedeng nakahubad lang. Ano? Ako ang manghihiram ng damit kay Kinz? Tsk.

Biniktima din yata ako ng baklang 'yon ah?

"Mukhang sa'yo ang cabinet na 'to, oh?" Turo ni Kinz sa isang cabinet na nasa isang gilid ng kwarto niya.

Lumapit naman ako roon saka ito binuksan.

Napangiwi naman si Kinz ng makita ang loob nun. Ako nga rin napasimangot eh.

What the heck?

Dalawang kulay lang ang damit ko ngayon, orange and violet lang. 'Yon ang mga kulay na pinaka ayaw ni Kinz at ayon kay Zaldy, si Kinz ang tipo ng tao na kahit wala na siyang choice hindi niya pa rin gugustuhin ang isang bagay na hindi niya gusto. Kumbaga, kung ayaw niya ayaw niya talaga.

"Ampanget naman ng mga damit mo." Palihim naman akong napangiti sa sinabi niya.

Para kasi siyang bata na nanlalait pero katotohanan lang namang ang sinasabi.

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon