KURT
Sa reception ang tuloy namin pagkatapos sa simbahan at doon na naganap ang lahat ng kaplastikan namin. 'Yong kunwari MASAYA KAMI.
Habang isinasayaw ko si Kinz na 'di ko gets kung sayaw ba talaga 'tong ginagawa namin dahil halos ayaw niyang dumikit sa katawan ko at ayaw niyang gumalaw ay saka ko lang napansin na...
NAKA CONVERSE SHOES ANG GAGA!
Sira talaga!
Perpekto na sana ang pagiging bride niya, ang gown niya pero may lihim palang itinatago sa ilalim.
Maliban kaya sa sapatos ay may iba pa kaya siyang itinatago?
Hay...
Ang hirap naman kasi kapag hindi mo kilala ang asawa mo.
Hindi na rin kami nagtagal sa reception dahil PINALAYAS agad kami ng mga magulang namin. Excited na excited silang ipakita sa 'min ang surprise gift sa 'min kung saan kami MAGHA-HONEYMOON.
As if namang may honeymoon na magaganap. Kung ako lang? Siyempre?!
Sa ganda ba naman ng Misis ko eh. Pero di naman ako rapist para pwersahin siya kahit ayaw niya, kahit na asawa ko pa siya. Di naman ako ganun ka gutom sa LAMAN.
Wag niya lang akong gagapangin. Ibang usapan 'yon siyempre. Hehe...
Tahimik lang kaming nakatayo ni Kinz ngayon habang pinagmamasdan ang bahay na pinagdalhan sa 'min.
Nasa isang isla kami at sa hula ko, SOLO NAMIN ANG BUONG LUGAR.
Ilang oras din ang byahe namin papunta dito. Sana ipinagpabukas na lang eh.
Walang signal o kahit na ano maliban sa kuryente o sa generator ata. Ewan.
Walang istorbo...
"Halika na." pagsasalita ni Kinz na nauna ng pumasok sa loob ng bahay.
Sumunod na rin ako habang naiiling na nakatingin sa kanya. Para naman kasi akong magka-camp kasama ang kumpare ko. Naka hoody jacket lang naman siya at black fitted jeans na pinarisan ng puting sapatos. Wala man lang bahid ng pagiging babae 'tong isang 'to. Tsk. Tsk.
Napaikot naman ang mga mata ko sa paligid nang makapasok na nga kami sa bahay.
Dalawang palapag ang bahay pero hindi kalakihan. Gawa ito sa matitibay na kahoy at dito sa ibaba ay halos salamin ang nagsisilbing dingding para makita ang ganda ng view sa labas. Dalawang kwarto ang meron sa itaas. Dito naman sa ibaba ay katamtamang laki ng sala na merong puting malalambot na couch at isang maliit na round table. Sa isang gilid ay pinto patungong kusina at may pinto rin sa kusina patungong likurang bahagi ng bahay.
Medyo malawak ang kusina at kumpleto sa kagamitan. Kumpleto din ang laman ng ref at sapat ang dami ng pagkain para sa isang buwan.
Over all...
It's nice and comfy...
Nakita ko naman ang pagpasok ni Kinz sa isa sa mga kwarto sa itaas. Mukhang nakapili na siya ng kwarto niya.
Tsk!
Pagpasensyahan niyo na ang asawa ko ha? Hindi kasi siya palasalita. Laging naka-mute na parang ikamamatay niya oras na bumuka ang bibig niya.
Dumiretso na rin ako sa kabilang kwarto at pabagsak akong humiga sa kama.
Hay...
Nung isang linggo lang ulit kami nagkita ni Kinz simula nung ma-engaged kami sa isa't-isa. Hindi ko maitatangging mas gumanda siya ngayon kesa dati pero hindi ibig sabihin nun na gugustuhin ko ng maging asawa siya.
Hoooosh...
Tutol naman talaga ako sa kasalang ito. Wala lang talaga akong magawa dahil kay Mommy. Saka ini-expect ko rin kasi na tututol si Kinz, nagulat na nga lang ako nung nalaman kong pumayag din pala siya.
Hindi ko alam ang dahilan niya dahil hindi pa naman kami nagkakausap ng masinsinan kaya wala akong maisip na dahilan kung bakit nga ba siya pumayag sa kalokohang 'to. Saka bakit naman ako aasang may masinsinang usapan na magaganap sa pagitan namin ni Kinz---hindi naman kami close.
Baka may gusto siya sa 'kin kaya siya pumayag. Hahahaha...
Tomboy si Kinz na malayong-malayo sa mga hot and sexy babes ko sa Manila. Madalas pa siyang tahimik kaya hindi ko malaman kung anong tumatakbo sa utak niya.
Sa pisikal na aspeto ay pasadong-pasado pero sa personalidad at ugali? Ewan. Ayoko sa mga babaeng hindi ko alam ang takbo ng utak. Ayoko sa mga babaeng tahimik. Katakot minsan eh.
Ang komplikado niyang tao.
Nung una ko siyang nakita noong six years old pa lang kami ay nagulat talaga ako sa ginagawa niya. Naabutan ko kasi siyang umiihi, kaso nakatayo siyang umihi. Mantakin mo 'yon? Basa tuloy 'yong salwal niya. Di ko alam kung bobo siya na hindi niya alam kung paano ang tamang pag ihi ng babae o feeling may lawit lang talaga ang drama niya.
Noong twelve years old naman kami ay nakita ko siyang nagba-basketball kasama ang mga lalaki, at maangas pa siyang gumalaw sa kanila. Ang weirdo niya talaga ng mga panahong 'yon. Kung paano siya manamit at kumilos. Malayong-malayo siya sa mga babaeng kaedad niya na nakakasama din namin kapag nagkikita ang mga parents namin.
Minsan lang kami magkita nung mga bata kami. Ni hindi nga kami naging magkaibigan eh. Kinakausap ko naman siya pero tango at iling lang ang response niya. Kapag sinusubukan kong mag-joke hindi niya ako magets. Never ko pa nga siyang narinig na tumawa eh.
Basta ang weirdo niya.
Kaya nung ma-engaged kami, hindi ko talaga maimagine ang sarili kong tumanda kasama niya. Yay!
Kaso ngayon nga....heto na. Kasal na ako sa kanya.
Sana hindi na siya kasing weirdo ng dati. Sana naman normal na siya ngayon.
Tss..
Saan ka naman nakakita ng normal na naka suot ng converse shoes sa kasal niya? Ni wala pang ginawang ayos sa mukha niya. Tsk! Mukhang mas lumala pa nga siya ngayon eh. Wag naman sana...
Karma ko na rin siguro 'to---ang maikasal sa taong hindi ko gusto.
Well.....medyo siguro. Kasi ang ganda naman ng karma ko. Hehe...
Inaamin kong crush ko naman si Kinz kahit nung mga bata pa lang kami. Dahil sa pisikal na aspeto, sino bang hindi hahanga sa ganda niya? Pero alam ko rin na hanggang dun na lang 'yon. Na hindi na lalalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya.
Bahala na!
Alam ko namang hindi rin kami magtatagal eh. Ramdam ko rin kasing napilitan lang din siya sa sitwasyong ito at 'yon ang dapat kong malaman. Ang dahilan ng pagpayag niya. Saka, i-enjoy ko na lang din ang moment.
Ang ganda kaya ng MISIS KO.
BINABASA MO ANG
Ampogi Kong Misis!
Romance"Pagmamahal" Yan ang laging sagot ng mga tao sa tanong na: "bakit nagpapakasal ang dalawang tao?" Pero sa'kin. Hindi. Hindi kami nagpakasal dahil sa pagmamahalan kundi dahil kailangan. Sa journey namin bilang mag-asawa nabuo ang sampung ito. Una: Hi...